Ayoko na

56 0 0
                                    

Ayoko na

Natatandaan ko noong una nating pagkikita
Nakaramdam ako ng kaba
Hindi ka mawala sa aking isipan
Pati ba sa panaginip ko'y ikay aking nasisilayan

Bawat araw nagpapasalamat ako
Dahil binigay ka ng Diyos sa buhay ko
Wala na akong hihilingin pa
Pagkat ang puso koy kuntento na

Naaalala ko noong mga panahon na tayoy magkasama
Nagtatawanan at naglalambingan sa isat isa
Laging masaya na parang walang problema
Sapagkat nariyan ka sa piling ko sinta

Sabay pa tayo noong nangako
Na ngayoy isang tubig na malabo
"Ikaw lng at wala ng iba "
Katagang binanggit nting dalawa

Mga memories? Marami tayo nyan
Hinding hindi ko yan makakalimutan
Ganun din ba gagawin mo?
Pahahalagahan ito gaya ng ginagawa ko?

Lumipas ang linggo
Hindi tayo nag-uusap,di nagtatagpo
Wari ko ako'y iyong iniiwasan
Bkit? Anong nangyari? May nagawa ba akong kasalanan?

Hanggang sa nakita kita
Masaya ka sa piling nya
Akala koy isa mong kaibigan
Yun pla...kayoy may namamagitang ugnayan

Di ako makapaniwala
Gusto ko ng ibuga
Lahat ng galit ko
Bakit mo nagawa sa akin ito?

Umasa ako sa pangako mo!
Akala ko Forever na tayo!
Akala ko iba ka!
Katulad ka rin pla nila!

Lumapit ako sayo
Gusto kong malaman mula sa bibig mo
Halos akoy matumba
Nang sambitin mong"Ayoko na...Sorry may mahal na akong iba

Ganun na lng ba iyon?
Mga pinagsamahan nati'y bigla mo nlng itatapon?
Tapos nagwakas sa walong salita
Di maalis sa aking isipan iyong mga kataga

Napagdesisyunan ko'y ika'y aking pakawalan
Maging mabuti ang inyong kalagayan
Ayaw kong maging hadlang sa inyong kaligayahan
Kahit na ang kapalit nito'y ang aking kalungkutan

Makita lng kitang masaya,okay na ako
Ganun ba talaga ang mga nagmamahal katulad ko?
Nagpaparaya kahit na masakit sa damdamin
Habang sya'y tuwang tuwa sa iba at hindi sa akin

Siguro nga tama ung kasabihan nila
Kapag mahal mo ung isang tao handa kang pakawala sya
Kagaya ng ginawa ko sayo
Ipinaubaya ko ung karapatan mo

Pero bkit ganun?
Kung kelan handa na akong sumuko
Saka ka pa lng nagpakita sa aking harapan
Yan tuloy nahirapan ako!

Lalo nung marinig ko mula sa labi mo
"Miss na kita,miss mo na rin ako?"
"Susuko ka na lng ba,hindi mo ako ipaglalaban?"
"Tuluyan mo na ba akong makakalimutan?"

Di ko alam ang aking sasabihin
Di ko rin nga alam ang aking gagawin
Ano ba kasi pumasok sa utak mo?
At sinabi mo ang lahat ng ito?

Hanggang sa bumalik tau dati
Nagbibiruan at nagtatawanan parati
Ung tipong buo ang araw ko
Kapag ika'y nakakausap ko

Pero noong nakaraang araw ako'y nagtataka
Bkit hindi na madalas tau nagkikita?
Tapos kpag ikay magtetext minsan lng
Ung bang trip mo lng...

Hanggang kelan ba ako aasa?
May pag-asa ba o wala na?
Pwede mo ba sa aking banggitin
Upang malaman ko ang tungkol sa atin

Tila isa kang bagyo
Sumusulpot kung kelan mo gusto
Ano ako isang laruan?
Kapag ayaw mo,itatapon mo na lng?

Huwag mo akong hintaying mapagod sau
Dahil kpag dumating ang oras na ito
Papabayaan na lng kita
Maghahanap na lng ako ng iba

Hindi lng ikaw ang tao sa mundo
Marami dyan at mas deserving sau
Kung iisipin mong hindi ako makaka-move on?
Pwes! Hintayin mo,darating din ang panahong iyon

Ayaw ko ng umasa
Sawang sawa na ako sa mga matamis mong salita
Di ko na kaya
Sapagkat ako'y nahihirapan na

Di na maibabalik ang nakaraan
May lamat na itong naiwan
Kahit anong pilit kong ikay aking kalimutan
Hindi tlaga ikaw maalis sa aking isipan

Ganito ba kahirap?
Ang iwaglit ang taong iyong pinapangarap
Halos mawala ka sarili
Hindi ka pa mapakali

Tuwing ginugunita ko itong ating alaala
Lalo lng akong lumalala
Tumutulo ang aking luha
Di maintindihan itong aking nadarama

Naitanong ko sa aking sarili
Paano kya kung di kita nakilala?
Di sana nangyari ito kung sakali
Magiging masaya kya ako sa piling ng iba?

Mali ba ang mahalin ka?
Hindi nman diba?
Labis akong nasasaktan
Tuwing tayo'y nag-aawayan

Kaya ayoko ko na
Di ko na tlaga kya
Pantawad,sinta
Kung akoy susuko na

Ayoko na....

------------------------------------------------------

Okay po ba ung tulang ginawa ko? ♥♥♥

:-Do_O

Eunjishane...
Jung hyo kyo

Drop Of ThoughtsWhere stories live. Discover now