Pag-ibig o Paghanga

73 0 0
                                        

Pag-ibig o Paghanga

Nakaramdam ako ng kaba s aking dibdib
Pinagpapawisan ang aking kamay at di mapakali
Para bang nakakulong sa isang bilibid
Hindi makalabas bagkus nananatili

Araw araw minamasdan kita
Nakatitig sayong mukha
Hindi ko alam ang aking ginagawa
Naaadik na pla ako sayo sinta

Hinahanap kita sa iyong tambayan
Tila bang pinagsakluban ng langit at lupa
Kapag ikay di ko masilayan
Yung tipong malungkot ka at walang gana

Ito ba ang epekto mo sa akin
Kinikilig ako kapag pangalan mo ang banggitin
Natutulala kapag iyong nginitian
Natutuwa tuwing akoy iyong nilalapitan

Oh! Ano ba?
Itong aking nadarama
Pag-ibig ba?
O isa lang paghanga?

Drop Of ThoughtsStories to obsess over. Discover now