Makuntento

138 2 0
                                    

Makuntento

Di ko alam kung paano ko sisimulan
Ang aking tula na iniaalay ko sau
Sana nma'y iyong pakinggan
Itong tulang galing sa puso ko

Gusto ko sanang ika'y tanungin
Mga katagang nais kong banggitin
Okay lng bang ika'y aking usisain?
Tungkol sa buhay mong kay sarap damhin

Ito na sasabihin ko na sau
Habang ikay papalapit sa kinaroroonan ko
Hindi mapigilan ang bilis nitong tibok ng aking puso
Tila hinahabol ng isang daang kabayo

Ngayon, nsa harapan na kita
Wala akong masabi miski isang salita
Tanging kaba ang aking nadama
Habang nakatitig sa iyong mga mata

Napukaw ang aking isipan
Nang biglang ikay nagsalita sa aking harapan
"May sasabihin ka ba?"
Yan ang salitang binanggit mo, di ba?

Nauutal ako
Pagdating sa iyo
Bakit ganito?
Ang nararamdaman ko

Huminga ako ng malalim
Bago ko ipinagpatuloy
Ang salitang mula sa aking damdamin
Hindi ko kailangan ng iyong awa at abuloy

Ang nais ko ay pagiging tapat mo
Sa pagsagot sa aking mga katanungan
Gusto kong bigyan ito ng kasagutan
Upang matapos ang lht ng ito

Pwede ba taung maging Kaibigan?
Yan ang tanong na gusto kong sabihin noon
Papayag ka ba?
Sa aking hiling sinta?

"Oo" ang sagot mo
Labis na tuwa ang nadarama ko
Kahit na ang hiling ko"y higit pa dito
Pero ngaun kuntento na ako

Ngayong natapos ko na ang tulang iniaaalay ko sau
Sana magustuhan mo ang ginawa kong Ito
Maging inspirasyon sa iyo
Makuntento s mga bgay na mayroon tau






Drop Of ThoughtsWhere stories live. Discover now