Mr. Unknown
Hindi man kita kilala
Nagsilbing inspirasyon nman kita
Nagbigay ngiti sa akin tuwina
Sa tuwing ika'y aking naaalala
Noong una pa lng ng ating pagkikita
Tila tinamaan na ako sau, Sinta
Hindi ka mawala sa aking isipan
Humahangad na muli'y ika'y aking masilayan
Tadhana ba ang nagtakda?
Sa pangalawa ng ating pagkikita
O nagkataon lang
O kaya nama'y sinadya mo lang
Hindi ko alam ang iyong pangalan
Wari'y naghahanap sa isang kagubatan
Na ang buong pagkatao mo ang syang kailangan
Upang ika'y mahanap at masumpungan
Sana sa muli nating pagtatagpo
Malaman ko na ang buong pangalan mo
Ganun din ba ang gusto mo?
Sana ito'y magkatotoo
YOU ARE READING
Drop Of Thoughts
RandomThoughts that came out on my mind. That lead you to rewind To the things happened at last, Took part to the piece of us. I hope this collection of poem,short story helps you a lot😀 Happy reading!
