Kaibuturan ng Karagatan

43 0 0
                                    

Isa,dalawa,tatlo….mga yapak ng aking talampakan patungo sa iyong kinaroroonan. Pilit kong pinipigilan,pinipigilang huminto sa paglalakad sapagkat alam ko na kpag pinagpatuloy ko ito…dalawa lang ang magiging wakas nito…maaaring masaya  o mlungkot…Ngunit hindi ko maisantabi itong takot, takot na namutawi dito sa aking dibdib na marahil akoy malihis sa aking paglalayag patungo sayo na wala man lang kaanib… Sapagkat,ikay isang karagatan... malawak, malalim at may pinanghuhugutan..Bawat salita mo'y may angking kahulugan na minsan ako'y naguguluhan…naguguluhan sa iyong mensahe gamit ang iyong mga mata. Hindi ko maintindihan kung biro o totoo talaga. Ano ba sa dalawa ang tama?
Apat,lima,anim…lumusong ako sa tubig ng kalungkutan. Nagbabakasakaling  ako'y iyong lapitan. Ngunit, anong napala ko? Kirot at hapdi ng puso. Sapagkat akala ko…akala ko ako ang iyong hangganan pero mali pala….ang hangganan mo ay walang iba kundi sya. Sya na iyong iniibig. Sya ma itinuturing mong prinsesa. Sino ba naman ako? Isa lang naman akong palihim mong tagahanga,pero heto pa rin ako, nakatindig, sinusuong ang karagatang kailanmay hindi ko magiging pagmamay-ari.
Pito,walo,siyam…abot dibdib na ang tubig ng dagat sa aking katawan. Umiisip ng paraan upang makarating sa kabilang pampang na iyong kinatatayuan...Hanggang sa punto na  ikay aking iniiwasan. Hindi pinapansin, umiiwas ng tingin…dahil nahuhulog na ako…nahuhulog na ako sayo.Pero ikaw naman tong si Pa fall, pilit mo kong kinukulit…hanggang sa akoy maipit…maipit sa sitwasyong ititigil ko na ba o ipagpapatuloy pa… ?
Sampu, unti unti akong hinihila pailalim na naging sanhi ng aking pagkalunod sa kaibuturan ng karagatang kailan  may hindi ko magiging pagmamayari…Kasabay nito ang pagpatak ng luha sa aking pisngi…Oo talo na ako… kailangan ko nang sumuko.Simula't sapol pa lang alam ko na ang lahat ng ito…Siguro pinagtagpo lang talaga tayo. Kaya kahit sa huling sandali,masabi ko sayo ang mga katagang "gusto kita kahit may gusto kang iba". Paalam na…nawa'y maging masaya ka sa piling nya

----------------------------------------------------
Author's Note

Ginawa ko yan nung nagkaroon kami ng performance task sa CNF about sa spoken poetry...

Sana'y magustuhan nyo :)

P.S
Kung sinong gustong magpagawa ng spoken o tula, just p.m me...Arasso?

Drop Of ThoughtsWhere stories live. Discover now