Pag-aaral muna bago lovelife

599 0 0
                                        

Pag-aaral muna bago lovelife

Kabataa'y di makapagtimpi ng kanilang emosyon
Ito ang nangyayari sa kasalukuyang Panahon
May ibat ibang karelasyon
Hanggang sa nauwi sa di inaasahang sitwasyon

Naliligaw ng landas ang kabataan ngayon
Pag-aaral ng mabuti ang tanging solusyon
Ikaw ba'y sumasang-ayon dito?
Alam mo ba ang magiging bunga nito ?

Una, makakapagtapos ka ng Pag-aaral
Resulta ito ng dugo't mo't pawis at pagpapagal
Determinado ka sa lahat ng bagay
Daan  tungo sa iyong tagumpay

Pangalawa,magkakaroon ka ng magandang trabaho
Sapagkat ika'y may pinag-aralan, may magandang asal at  talento
Ikay maituturing na isang  edukadong Tao
Maging tapat at totoo ka sa sarili mo

Pangatlo, tutuparin ang iba pang hangarin
Maging matibay at huwag ka susuko
Sa pagkamit ng mga pangarap mo
Ang Diyos ay nasa tabi mo, lagi mong isipin at damhin

Kaya mga kabataan
Huwag magpadalos dalos ng desisyon
Nakasalalay dito ang inyong kinabukasan
Ituon sa pag-aaral at mga pangarap ang inyong atensyon

Drop Of ThoughtsStories to obsess over. Discover now