Pumasok na ko sa loob.
Umalis na din sila kuya.Ano kayang tournament yon?
Hays never mind.
Habang naglalakad ako may bigla nalang humila ng buhok ko at pag kaharap ko sa kanya nagulat ako dahil galit na galit sya sakin.
"Impakta kang babae ka." Nagulat ako sa sinabi nya at bigla nya akong sinampal ng malakas.Na tumba ako sa ginawa nya.Ang hapdi ng pisngi ko."Malandi kang Panget ka.Sinungaling ka talaga.Ang lakas ng loob mong pumunta sa parting yon na kalandian ang fiance ko."sinabunutan nya ko.Wala na Kong nagawa kaya umiyak nalang ako.Ang sakit na ng ulo at pisngi ko."Kakalbuhin kitang babae ka.Isa kalang Panget at wala ka ng magagawa don.Hindi ka na ba nakuntento sa itsura mo?Kaya ginayuma mo pa ang fiance ko?Kakalbuhin kita."
Napa yuko ako dahil sasampalin nya na naman ako.Pero wala na akong naramdaman na kamay sa mukha ko.
Napatingin ako sa kanya at nagulat ako dahil may pumigil pala Kay Cindy.
Si Cloud? Tinulungan nya ba talaga ako?
"Tumayo ka na dyan." Utos sakin ni cloud.Kaya binitawan nya si Cindy at tinulungan nya akong makatayo.
"Cloud what are you doing here? Nakikita mo bang pinapahirapan ko pa tong babaeng to?" Sabi ni Cindy Kay Cloud.
"Tumigil ka." Sigaw ni Cloud Kay Cindy na dahilan para ikagulat naming ni Cindy."Oo nakita ko kung pano mo sya saktan.Hindi mo rin ba nakikita na Hindi ka naman gusto ni Michael? Kaya tumigil ka na sa pag papanggap mo.Hindi ka nya gusto kaya bakit mo pinag pipilitan ang sarili mo sa kanya."parang naiiyak si Cloud.
"Cloud ano b....." Pinatigil sya ni Cloud dahil sinigawan sya uli ni to.
"Tumigil ka na Ate.Ayoko ng nakikita kang nasasaktan at araw araw umiiyak dahil sa kanya." May tumulo na mga Luha sa mga mata ni Cloud.Pero pinunas nya kaagad yon.
"Tama na ate." Hinila nya ako palayo don at umalis na kami.Dinala nya ako sa may gym.
"Bakit tayo nandito Cloud?" Tanong ko sa kanya.
"Sorry...sorry.Pag pasensyahan mo na sya." May lungkot sa mukha ni Cloud."Nababaliw na sya.Ilang beses ko na syang pinagsabihan na tumigil na sya dahil masasaktan lang sya.Pero di sya nakinig."Ano nya ba si Cindy at nasasaktan sya ng ganito?
"Oo nga pala nagtataka ka ba kung bakit ako ganito sa kanya?"Oo nag tataka nga ako." Ang totoo kapatid ko sya. Hindi ba halata? Hindi mo ba napapansin?"pag tatanong nya.
"Ahm oo tama ka , Hindi ko nga napapansin. He he pasensya na." Nagawa sya. Bakit anong nakakatawa don.
"Haha halos lahat ng nandito sa school alam yon. Hindi ko alam kung bakit Hindi mo alam. Teka Hindi ka na ba nakakaramdam ng kung ano?" Pag papaliwanag nya.
"Ahm Hindi na masyado. Ay teka ma lelate nako." Tumayo ako at agad na umalis dun."Bye"nag wave ako sa kanya at lumayo na don.
Gosh ngayon ko lang nalaman na malalate na pala ako.
Si Cloud kasi eh. Pero thank you sa kanya kasi niligtas nya ako sa Cindy nayon. Biruin mo nakipag away sya sa kapatid nya para lang sakin. Or baka Hindi lang sakin. Ah basta ang mahalaga wag munang tutunog ang bell.Nagmadali na akong maglakad papunta sa first class ko. Gumaan ang pakiramdam ko ng di pa tumunog ang bell ng makarating ako sa room.
Oo nga pala kaklase ko tong Cindy na to. Papunta nako sa upuan ko ng makita ko sya na nakatingin at halatang inis na inis sakin.
Pag upo ko sa upuan ko may nakita akong note.
Isa kang pangit na nerd. Kaya makuntento ka sa kung anong meron ka.
Mukhang kilala ko na kung sinong nag bigay nito.
"Hoy pangit." Napalingon ako sa may likod ko.
Naka ngisi lang sya sakin at halata ding naiinis sya.
"Pangit at malanding nerd." Napatingin naman ako sa may kaliwa ko at papalapit sya sakin. Siguro may balak syang masama sakin.
Tinapon nya sakin yung dala nyang juice.
"Oh sorry. Hindi ko sinasadya. Hayaan mo na wala namang pinag bago yang mukha mo." Nagtawanan ang mga classmates ko.
Hindi ko maiwasang maiyak.
"Iiyak nayan. Iiyak nayan." Sigawan ng mga classmate ko.
May tumulong Luha sa mga mata ko. Tuloy tuloy silang pumapatak. Hinila ni Cindy yung buhok ko."Pangit ka lang tandaan mo yan." Ngumiti sya at umalis na.
Pinunasan ko ang luha ko at ang basa kong damit.
Nagbell na at saktong dumating ang teacher namin.
Nagturo na sya pero sila Cindy ang sama parin ng tingin sakin.
"Class dismiss."
Nag si alisan na kami don.
Half day lang kami ngayon kasi may meeting daw ang mga teacher.
6 Hours later
Sakto last na namin to at makakauwi narin ako.
"Class dismiss."
Pumunta na ko sa parking lot. Susunduin daw ako ni kuya.
Nakita ko na ang kotse nya kaya nagmadali na akong puntahan sya.
"Kuya." Hindi nya ko narining. "Oppa oppa." Tawag Kong muli sa kanya.
Lumingon na sya at kumaway.
Tumakbo ako papunta sa kanya. "Kuya bakit ganyan ka makangiti? Anong meron?" Ginulo nya ang buhok.
Gulo na nga guguluhin pa."Wala,sakay na." Sumakay na ko sa kotse at umalis na kami." Ready ka na ba mamaya lil sis?". Oo nga pala business presentation na ni Tita mamaya. Kinakabahan ako.
"Ahm Hindi pa. I mean Hindi pa ko nakakapag pasya kung sasama ako dun." Tama, Hindi pa nga ako naka kapag pasya.
"Okay lang yon. Pag gumanda ka na mawawalan ako ng aasarin." Tumawa sya ng malakas. May saltik talaga tong si kuya mana Kay Jeron.
"Sige kuya asarin mo ko." Naka ngiti nalang sya ngayon. May saltik talaga.
Mabilis lang kaming nakarating don.
"Oh mga anak." Niyakap ako ni mommy." Ano Catleen ready ka na ba?" Hindi mom ,Hindi.
"Ah mom kasi....Hindi ko pa po alam kung sasali ako don." Lumungkot si mommy Ganon narin sila yaya.
"Sige anak pag isipan mo muna." Umakyat na ko para mag palit ng damit.
Binuksan ko ang fb ko at nakita ko ang isang notification na nakatag sakin.
Isang video. Teka ito yung kanina ah.
"Pangit ka lang tandaan mo yan."
Ito yung sinasabunutan ako ni Cindy.
Ang daming comments. Naiinis ako. Ano bang ginawa ko sa kanila?
Napag isip isip ko lang bakit ako magtitiis sa mga pasakit nila kung may chance naman akong gumanda.
_________
AN:
Next chapter po chap.11 gandang Hindi inaakala. Wohoo gaganda na si Catleen. Full support tayo.
BINABASA MO ANG
fall in love With Me
Teen FictionHindi mo aakalain na ang isang dakilang nerd ay pag aagawan ng dalawang lalaki na syang pinaka sikat,kinatatakutan at pinaka gwapo sa buong campus. hindi naman imposible pero ganun talaga ang sistema ng buhay nila.