Caizer's POV
"Ahm narinig ko lang kasi na tutuloy ka na sa pag punta sa studio. Kaya heto damit oh." Ano? Tutuloy na si Cathleen? Bakit? Diba ayaw nya.
"Cats sana nagustuhan mo." Naka tayo ako ngayon sa tapat ng pintuan nya at inis na inis ako sa naging desisyon nya.
"Thanks Yaya. Opo nagustuhan ko po. Talagang maaasahan kayo." Talagang tutuloy sya. Anong nangyari. Diba masaya na sya na isang nerd lang sya.
Umalis na ko doon dahil nakita Kong gumalaw yung pintuan at nag bukas.
Nagulat si yaya ng malapit na syang maka baba ng hagdan.
"Tutuloy sya diba? Sabihin nyo. Tutuloy sya diba?" Sambit ko sakanya ng galit na galit. Matagal din syang Hindi sumagot.
"Tutuloy nga sya." Sagot nya na parang takot na takot.
"T*ngina." Umalis ako don at pumunta sa kwarto ko.
Habang naglalakad ako nadaanan ko ang kwarto ni mommy at narinig ko ang boses nilang dalawa ni Cathleen.
Pumasok ako don at nakita ko sila na nakabihis na.
"O ano yan? Bakit kayo nakabihis?" Nagpanggap nalang akong walang alam.
"Ang kapatid mo pumayag ng mag model." Mas lalo akong nainis.
"Talaga? Cathleen bakit ka pumayag? Wala na tuloy akong aasarin." Nag palusot ako sa kanila para Hindi nila ako mapansin na inis na. At galit pa.
"Ewan ko sayo kuya." She rolled her eyes to me na dahilan para lalo akong magalit.
"Caizer Hindi ka ba masaya para sa kapatid mo?". Hindi, hindi talaga ako masaya.
"Bahala kayo." Umalis ako don ng padabog at halatang punong puno na sa kanila.
Pumunta na ako sa kwarto ko.
Hindi mo naiintindihan Cathleen. Matagal ko ng alam na may gusto sya sayo. Matagal na matagal na. Hindi mo ba napapnsin nung nasa music hall ka?
Gusto ka nya matagal na. At alam Kong gusto mo rin sya. Bakit sya pa? Ang dami daming lalaki dito sa mundo pero bakit sya pa? Sya pa na isang player. Pag nagkataon paglalaruan ka lang nya.
Masasaktan ka lang. At yon ang ayaw na ayaw Kong mangyari sayo kaya gusto Kong manatili kang isang nerd lang. Yung laging nandoon sa library para magbasa. Yung ayaw pumunta sa mataong lugar. Yung walang alam kung Hindi mag aral. Yun lang ayos na ko. Pero Hindi, magbabago ka na eh. Hindi mo na maiiwasan ang sakit na ibibigay sayo ni Charles. Dahil sa oras na mag tapat sya sayo mawawala na lahat ng pagiingat na ginawa ko para lang wag kang masaktan dahil pati ako nasasaktan kapag nakikita kang ganon.
Hindi mo alam Kong anong pinasok mo.Tumulo ang mga Luha ko. Ayaw Kong may iiyak sa pamilya namin dahil Simula ng mag abroad si daddy ako na ang tumayong ama sa kanila. Ayakong masaktan ka Cathleen kaya ko to ginagawa.
Ayokong masaktan ka dahil sa lalaking yon. Dahil sa player na si Charles. At lalong wag kang magkakagusto sa kahit sino sa mga kaibigan ko dahil alam Kong kilala mo na ang mga ugali nila. Lalo na Kay Charles at Kay Michael.
Pinahid ko ang mga Luha ko ng marinig ko si mommy.
Papa alis na sila. Sinilip ko sila sa bintana ng kwarto ko na masama ang tingin sa kanila. Napansin ako ni Cathleen pero wala na akong pakialam kung makita nya akong galit dahil gusto Kong ipamukha sa kanya na Hindi ko talaga gusto ang naging desisyon nya.
"Masasaktan ka lang din sa huli." Bulong ko sa sarili ko.
Bumaba ako ng hagdan. Nag madali akong sumakay sa kotse ko. Pag sakay ko, mabilis kong pinatakbo ang kotse ko papunta sa studio.
Sinundan ko ang kotse nila mommy dahil alam ko naman ang plate number ng kotse ni mommy.
Pag hinto ng sasakyan, Hindi ako dumeretso dahil baka makita ni Cathleen ang kotse ko.
Pag salubong ni Tita Celine Kay Cathleen, nakita Kong nandon si Tita Jasmine at Jeron. Ang tagal ding nilang nag usap bago sila pumasok sa loob.
Bago makapasok si Jeron pinigilan ko muna sya.
Nagulat sya ng makita ako. "Caizer! Akala ko Hindi ka nila sinama."
"Nandito lang naman ako para manigurado." Ngumisi ako sa kanya.
"Huh? Manigurado para saan?" Para saan pa ba?" Ah! Wag kang magalala wala dito yung dalawa. Actually dapat nandito si Michael pero sinabi ko wag na. You don't have to worry, pare." Sambit nyang ulit.
"Mabuti naman. Basta bantayan mo yung kapatid ko hah. Sayo ko lang sya pwedeng ipagkatiwala." Hinwakan ko ang balikat nya at umalis na don.
Pumunta muna ako sa Park para mag pahangin.
Nagmadali akong magmaneho para mabilis lang akong makarating sa Park.
Pag dating ko doon dumaan muna ako sa nag titinda ng Ice Cream.
"Oh ijo napadaan ka." Bungad sakin nung matandang lalaki na nagtitinda ng Ice Cream dito sa Park. Sabagay matagal tagal na rin akong Hindi nakakabili ng Ice Cream dito Simula ng mag Highschool kami ni Cathleen.
"Ah ang totoo po bibili talaga ako ng Ice Cream." Sagot ko sa kanya.
"Ah ganon ba? Teka bakit parang Hindi ko na nakikita yung babaeng lagi mong kasama dito bukod sa kapatid mo." Tanong nya. Oo nga pala dinadala ko rin pala sya dito.
"Ah si Shaira po ba? Nasa Canada po kasi sya. Dun po sya pinagaral ng Mommy nya." Sagot ko sakanya.
"Ah gano........" Natigilan yung matandang lalaki. Nakatingin lang sya sa may likod ko.
Tumingin ako sa likod ko at nagulat ako ng makita ko sya.
Ang babaeng pinaka hihintay ko. Ang babaeng miss na miss ko na. Ang babaeng minahal ko ng sobra sobra.
"SHAIRA"
______
AN:
Nagustuhan nyo po ba ang chapter na to. Comment please para marami pa akong chapter na gawin para sa kanila.
BINABASA MO ANG
fall in love With Me
Dla nastolatkówHindi mo aakalain na ang isang dakilang nerd ay pag aagawan ng dalawang lalaki na syang pinaka sikat,kinatatakutan at pinaka gwapo sa buong campus. hindi naman imposible pero ganun talaga ang sistema ng buhay nila.