#9 make over (part 1)

54 6 5
                                    

Catleen's pov

Weekends yey walang pasok.

Hays ano kaya yung gustong sabihin sakin ni Michael.

Urghh never mind.

Bumaba na ako ng kuwarto ko dahil halos 1 oras na kong nag e-fb magmula ng magising ako.

"Good morning Yaya. Si mommy po?"pag bati ko kay yaya.

"Wow cats mukhang good morning talaga ang araw mo ha.may nangyari bang maganda kagabi?ay oo nga pala ang mommy mo nasa kuwarto pa nya."sabi ni yaya.

"Wala naman po.I mean wala naman pong nangyari.Basta po masaya lang ang araw ko."pag pa paliwanag ko."Nga pala , yaya mukhang masarap yang niluluto mo hah.Naku baka ma parami ang kain ko ngayon.hehe^_^". sambit kong muli.

"Ay oo.Halika paborito mo ito."pina upo nya ako sa upuan.

"Tada.TINOLANG MANOK.Diba paborito mo yan."sabi ni yaya.

"Wow yaya dabest ka talaga. Thank you."

"Oh my god.My dear Catleen,nag text ang tita mo at ang sabi nya kukunin ka daw nya bilang isang model para sa kanyang business presentation."biglang sabi ni mommy habang pababa ng hagdan.

Sana mahulog ka mom.haha joke.

I know she's joking.Palabiro talaga tong si mommy.

"Mom Diba joke lang yan.Ayan ka na naman eh.You know acting like a teenager again."pag po protesta ko.

"Anak mukha ba akong nag jojoke.Isa pa minsan lang naman to eh.Pumayag ka na."pag pupumilit ni mom.

"Mom baka na wrong send lang  yan.Alam nyo na ,impossible kasi sa pangit ko ba namang to.Mom na wrong send Lang yan sure ako....wrong send Lang yan."pag poprotesta ko.

"Sige pero siguraduhin muna natin kasi naman anak Malay mo tama ako edi nasayang Lang yung pagkakataon."hays mom Alam ko na Kung saan nag mana si Kuya.

"Okay." Kahit Hindi naman talaga.tatalikod na sana ako kaya lang Hindi naman patas na umoo nalang ako.
"Pero..mom may makeover pang kailangan don.Tapos mag papasalon pa ko at maapektuhan pa ang mata ko." Pag iinarte ko sa kanila. Pero medyo natawa  naman ako bang makita  ko sila na literal na nakanganga sakin.

"Oh ano?bakit ganyan  na kayo?" Sambit Kong muli.

Lumapit sakin si mommy pagkatapos ay hinawakan nya ang balikat ko at binulungan ako.

"Anak usap nalang tayo sa kwarto mo hah." Sambit nya.Tumango nalang ako sa kanya OA din ako eh.Kung maka  paglaban wagas.

Umakyat kami sa taas at nag usap sa kwarto ko.

"Anak sana maintindihan mo lang yong gusto Kong mangyari sayo ang pangarap ko para sayo.Anak ayoko na kasing  nakikita  kang  nasasaktan." May lungkot sa mukha ni mommy.Na kahit ako nahawa  din.Bakit ganun parang  may nagtutulak sakin na tumuloy duon.Hays bahala na si Batman.

"Ah.Mom pwede ko po bang pag isipan muna ?" Tumango lang si mommy at umalis na.

Nakaka pagod  kahit na nag usap usap lang kami.

Dapat nga ba akong sumali don?Ito na kasi ang pagkakataon Kong gumanda.Ito na ang pag kakataon ko na maiwasan ang pang aapi.

Hindi ko pa alam ang sagot mabuti pa mag pahinga nalang ako.

****

Monday(the make over day)

"Anak gising na sumabay ka na Kay Kuya mo wala tayong driver ngayon." Nagising ako Kay mommy kaya bumangon na ko.

Pag tayo ko sa kama bigla nalang akong na out balance.
Ang lakas ng pag bagsak ko kaya napa 'ouch' ako.

"Anak ayos ka pang ba? Anong  nangyari?" Bigla ako kinabahan.Bakit ako nakakaramdam ng ganito.Parang  may Mali o kaya Hindi ko inaasahang mangyari.

Tinulungan ako ni mom na bumaba papunta sa kitchen.

Nagulat ako ng makita  ko sya at Hindi lang sya kundi sila.
Anong  ginagawa nila dito?

Ito ba yung Mali o Hindi ko inaasahan na mangyari.

Napatingin  sakin si Michael at ngumiti sya.At nakaramdam ako ng konting kaba doon.

Pumunta nalang akong kusina.Baka  ma stress lang ako sa mokong NATO.

"Oh anak bilisan mo.Diba  sasabay ka sa Kuya mo.Alam mo naman Hindi marunong mag hintay  yon kahit sa pag ibig." Nag tawanan kami ni Mommy.Tama  naman sya eh Hindi marunong mag hintay si Kuya kahit sa pag ibig.Haha.

"Mom anong  gingawa nila Jeron  dito?" Tanong ko.

Biglang  dumating si kuya  at hinawakan nya ang balikat ni mommy kaya Hindi nakasagot si mommy.Parang  senyas yon Kay mommy.Bakit may Hindi ba ako alam?

"Lil sis sasabay kasi sakin sila Michael kasi Hindi kami papasok mag papractice kasi kami para sa tournament na malapit ng maganap, pero wag lang mag alala  alam yon ni mom at isa pa alam yon ng mga teacher namin." Masaya nyang sabi.Tournament? Para saan?

"Ah, okay." Tipid Kong sagot.Parang  nakahinga sila ng maayos.Bakit?.May Hindi ba talaga ako alam?

"Alam mo anak kumain ka nalang hah." Pag babago ni mommy ng usapan.

"Ay oo nga pala." Habang kumakain ako napatingin ako sa may sala.Kasi kita naman ang sala mula dito sa may dining room.

Nakita ko sila na nagbubulungan. At parang  sumangayon sila sa isat isa.

Napatingin sakin si Michael at ngumiti ng nakakaasar.
Hindi ko alam kung anong  ibig sabihin non kaya nagmadali nalang akong kumain.

Pagkatapos Kong kumain naligo na ko.Alam kong maaga pa dahil madilim pa sa labas  kaya Hindi ko masyado binilisan.

Naalala ko na ngayon pala yung presentation ng Tita ko.
Kinabahan ako Kaya nagmadali nalang ako Hindi ko alam kung bakit.

Bumaba nako.At nakita ko silang nagtatawanan habang si Charles naman nagsusulat.

Napatingin saki si Jeron  kaya kinulbit nya si Charles.At agad namang tinago ni Charles yung sinusulat nya.

Ano bang meron  sa kanila ?

Pag dating ko sa sala lahat sila natigilan.Kaya tumaas ang kilay ko don.

"So ano Kuya Tarana na?" Pang aalok ko kay kuya.

Tumayo na silang lahat.At lumabas na.Sumunod nalang ako sakanila .

Pag ka kita ko sa labas  naka upo  na sila sa kotse ni kuya.
Binuksan ni Jeron  yung pinto sa likod at pinaupo nya ko sa back sit at this time may saya akong naramdaman kasi katabi ko si Charles.

Pinaandar na ni kuya yung kotse at ngayon NASA gitna ako ni Charles at Jeron . Ang lakas ng tibok ng puso ko na kulang nalang marinig nila.

Huminto si kuya sa tapat ng school.
At bumaba na ako.

Itutuloy.......

*******
AN: para po sa mga nagbabasa meron  pa pong part 2 ang chapter na to.Kaya hintayin nyo po ang next update.
-thanks

fall in love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon