"Welcome to Tagaytay." Sigaw ni Grazel sabay lapit Kay Jeron na naka poker face lang.
Anong problema nya? Problema ba Kay Grazel o Problema sa lugar o Problema sa.....urgg ano pa bang pake ko?
"Ahm Charles may sa sabihin lang ako." Lumapit sa kanya si Charles. Hmm ano kaya yon?
"Well mukhang tayo muna ang maglilibot dito sa places na to. Aalis sila eh. Mag d-date daw." Sabay hawak sa batok nya. Ang cute nya.
"Uhm okay. So saan ang punta natin?" Tanong ko.
"Hmm pag iisipan ko...." Mga ilang segundo din sya nag isip. "He he gusto mo mag date din tayo. Ang corny naman kasi kung maglilibot lang tayo na hanggang tingin lang." Napa taas ang kilay ko. Bakit hindi man lang ako nakaramdam ng kung ano sa sinabi nya? Bakit hindi man lang ako kinilig o di kaya nag blush?
Ang weird."Ahm sige. Pero ang daya nila." Nag taka siguro si Charles dahil sa expression ng mukha nya.
"Bakit mo naman nasabi? Gusto mo ng double date?" Natawa naman ako. Double date? Nakakahiya kaya.
"Hindi. Pano kasi mahihirapan ka lang kakatulak sakin. Feeling ko pabigat lang ako." Lumungkot ako. Pabigat nga lang ako sa kanya.
"Hmm wag kang magalala." Hinawakan nya ang mukha ko." Never kang magiging pabigat sakin." Tumahimik kaming dalawa." Oh pano. Tara na." Tinulak na nya yung wheelchair ko.
Naiiyak ako na parang masaya kasi hindi ko alam na nagpapahalaga pala sya sakin. Hindi ako nagkamali na mag ka gusto sa kanya. Sana gusto nya rin ako. Kaya lang mukhang mahihirapan pang sya dahil sa kalagayan ko.
"Nandito na tayo." Nasa isang lugar kami na puro puno. Puro flowers at mga lights.
"Wow ang ganda dito." Napaka ganda ng lugar na to.
"Dito tayo mag d-date. Nagustuhan mo ba ang place." Ikaw pa oo naman.
"Hmm oo nagustuhan ko." Umorder na sya ng pagkain.
Ang dami naman non. Pero sa tingin ko masasarap sya lahat."Food is ready." Sigaw nung waiter.
"Cathleen kain na tayo." Kumain lang kami at nag kuwentuhan.
Ang saya namin habang magkukuwentuhan. Walang sawang tawanan. Kahit papano napapasaya nya ko. Pinaparamdam nyang hindi ako nagiisa.
"Tara na alis na tayo dito. Punta naman tayo dun sa mga rides." Hinawakan ko ang kamay nya. Parang alam nya na yung ibig sabihin ko.
"Oo alam Kong hindi ka makakasakay sa rides. Mag lalakad lang naman tayo eh. Papasyal lang tayo dun." Ngumiti sya sakin.
Ginamit muna namin yung kotse ni Grazel. Pumunta kami sa Sky Ranch.
Ang daming rides duon. Ang laki din nung Ferries wheel. At may nakakatakot na super viking pa. May bumper boat din na paborito Kong sakyan nung bata pa ako.
"Maganda ba dito. Nagustuhan mo ba?"-Charles
"Oo naman. Sayang pang kasi hindi tayo makasakay ng rides noh." Ngumiti sya sakin at humawak sa batok nya.
"Makasama lang kita masaya na ko." Natigilan ako dun. Parang bumilis na yung tibok ng puso ko di gaya ng kanina na wala akong naramdaman.
"He he ang cute mo pag nag b-blush." Napahawak ako sa pisngi ko. Nag blush nga ba ako?
"Ah...ano.." Ngumiti ulit sya.
"Don't explain anything. Alam ko na naman eh." Alam nya na? Yung g...
"Gusto m....." Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Dahilan para kumiglat at hindi nya na matuloy yung sinabi nya.
"Tara dun sa silong." Tinulak nya ulit yung wheel chair ko.
"Haha nakakaasar naman yun. Biglang bumuhos yung ulan." Tawa sya ng tawa. Sakit ba nilang apat na mag ka kaibigan ang magka saltik. Baliw yata to eh.
"Tara dun sa loob mukhang mababasa rin tayo dito eh." Mukha nga. Natatalsikan kami eh.
"Kamusta na kaya sila Grazel?" Ano na kayang nangyari sa kanila?
"Hayaan mo na yon." Sagot nya. "Ang mahalaga hindi tayo nabasa. Tsaka yang paa mo." Maalaga pala sya. Sabagay mabait nga pala sya.
Biglang nagsara yung pinto. Teka ano tong nangyayari?
"Tulong...tulong...Cathleen mukhang na trap tayo." Patuloy nya paring binubuksan yung pinto.
"Putcha tulungan nyo kami. Tulong....." Patuloy nya paring sinisigaw ang salitang yon.
Nakaramdam ako ng mga tubing sa paa ko at napagtanto ko na baba na dito sa loob.
"Charles...Charles dito." Pataas na ng pataas yung tubig. Umabot na sya sa tuhod ko.
"Charles...." Iyak na ako ng iyak. Tumataas pa yung tubig. Hindi ko na kaya dahil hindi ako makatayo ng maayos.
"Cathleen.." Lumapit sakin si Charles at agad akong binuhat. "Tulong.... Pakiusap tulungan nyo kami." Sigaw parin sigaw si Charles. Naaawa ako sakanya.
Pinatong ako ni Charles sa mataas na drum." Dito ka muna." Tumango lang ako. Sinisid nya na yung tubig. Awang awa na ako sakanya.
Bigla sya umahon. "Tulong. Tulungan nyo kami." Hindi paring sya tumitigil sa paghingi ng tulong.
"Charles Tama na. Nanghihina na ako. Charles..." Naiiyak na naman ako. Nawawala. Na ako ng hininga.
Mataas na yung tubig dito.Biglang lumapit sakin si Charles. "Cathleen.. Cathleen..huy wag kang pipikit. Pakiusap, wag kang pipikit." Nang hihina na ako. Hindi ko na makaya. Masyadong malamig ang tubig at mataas narin ito.
Napansin kung pumatak ang Luha ni Charles sa mukha ko. Lumalapit ang mukha nya sakin. Teka I m-mouth to mouth nya ba ko?
Biglang naglapit ang labi namin. At nakaramdam ako ng hangin ba pumapasok mula sa bibig nya. Naiiyak ako. Napapikit nalang ako. Hanggang sa makatulog ako.
________
A/N :
Guys sorry sa maiksing update. Alam Kong bit in kayo. Gagandahan ko nalang po sa next chapter.
-thanks
BINABASA MO ANG
fall in love With Me
Fiksi RemajaHindi mo aakalain na ang isang dakilang nerd ay pag aagawan ng dalawang lalaki na syang pinaka sikat,kinatatakutan at pinaka gwapo sa buong campus. hindi naman imposible pero ganun talaga ang sistema ng buhay nila.