#17 I miss you

52 4 0
                                    

Cathleen's POV

"Hmm.....kamusta na kaya sya?" Kaka gising ko lang at hulaan nyo kung Sino ang iniisip ko ngayon?

Oo tama iniisip ko si Charles.....

"Anak Cathleen gising na..."hays at eto na si Mommy." Anak buksan ko na ang pinto hah."
Hays magtatanong ba sya kung alam nyang gising nako??

"Mommy ayoko pang bumangon.....just leave." Sagot ko sa kanya.

"Sige.....mukhang ayaw mo naman ng bisita." Teka ano daw bisita?...Baka si Charles yan.

"Sino ba sya?" Tanong ko ng nakataas ang kilay.

"Mas mabuti siguro kung ikaw na ang titingin." Hays mahirap na bang banggitin ang pangalan ng bisita ngayon? "Ihahanda ko lang ang wheelchair mo." At umalis na nga yata sya.

Sa loob ng 3 segundo may kakatok dyan.

3

2

1...........

*knock knock*

Diba galing ko noh. Sino naman kaya yan.

Biglang nagbukas ang pinto and guest who is HE?























"Michael?.....A...anong g..ginagawa mo dito?" Ngumiti lang sya at lumapit sakin.

"Hays....sabihin na nating I Miss You." Ano daw? "Palagi nalang kasing si Charles ang kasama mo kaya gusto kitang puntahan dito at hayaan mo akong ako na ang magalaga sayo." Hah nagpapatawa ba sya? Kasi kung oo di ako natawa.

"Hindi ako nag papatawa Cathleen...Seryoso na miss kita. Kaya ako nandito." Teka kailan pa sya natutong bumasa ng isip ng tao?

"May nakain ka ba hah?" Ngumisi lang sya.

"Malamang kumain muna ako bago pumunta dito para may lakas ako para sa pag aalaga sayo." Hays dumadamoves. Di nya ko madadala dyan.

"Ano ba kasing pinunta mo dito hah?" Tanong ko.

"Ikaw nga sabi....Sino bang gusto mo? Yung Mommy mo?...Sige na bumangon kana at may pupuntahan tayo." Hays pagod ako. Di nya ba alam ang nangyari sakin kahapon.

"Pagod ako wag ngayon." Sabi ko sa kanya at nagtalukbong na ng kumot.

"Mukhang di mo na namimiss ang aso mo. Tama ba?" Bigla akong napaupo sa sinabi nya.

"Ano? Aso ko. Si chu chu?" Tumango lang sya sakin." Anong hindi ko na mimiss...miss na miss ko na nga yon eh." Ngumiti sya at tinignan ang susi na hawak nya.

"Kaya nga bumangon ka na at kukunin na natin sya." Nanlaki ang mata ko sakanya.

Binuhat nya ako at inilagay sa wheel chair ko.
Ang laki ng ngiti. At ganon din ako.

Binaba nya ako papunta sa sala. Nag aabang duon si Mommy at Ate Shaira.

Kinindatan lang ako ni Ate Shaira. Anong ibig sabihin nya?

"Anak mag almusal muna kayo." Alok ni mommy.

"Hindi na po Tita. May date po kami kaya duon nalang po kami sa labas mag aalmusal." Ano daw date?

Tumingin ako sa kanya. At kinindatan lang ako. Bastos.

"Sige po una na kami." Hays teka lang.

"Hoy ano ba teka lang. Di.........*******". Hindi na ako nakapag patuloy ng isara na ni Ate Shaira ang pinto. Nag wave sya sakin with matching urghhh taas baba kilay pa. Kasabwat yata sila eh.

Pinasok na nya ako sa kotse nya." Ayan manahimik ka muna hah. Syempre date muna tayo. Sarado pa naman yung clinic ng Veterinarian eh." Sabay kindat at pinaandar na ang kotse. Seryoso mag d-date talaga kami.

**********

Ang sarap naman ng inalmusal namin sa may cafe. Papunta na kami ngayon sa aking alaga.
Excited na kong makita sya.

"Nandito na tayo." Sabi nya. Hays di na ko makapag hintay.

Pag pasok namin nakita ko na agad si Chuchu.

Tuwang tuwa ako ng makita sya.
Ang pinaka mamahal kong alaga.
Ang tunay kong kaibigan.

Tumahol sya sakin. Ang lusog nya at ang sigla na. Nung huling bisita namin sa kanya napaka tamlay nya. Ang Saya ko na ngayon Kasi nag improve na sya.

"Sige na pwede nyo na po syang kunin ngayon.Since okay na sya ngayon." Nagkaroon ng malaking ngiti sa mukha ko.

"Oh ano pang hinihintay mo. Pwede mo na daw syang kunin."lumapit ako sa kanya at kinuha sya.

"Salamat Michael. Teka pano mo nga Pala nalaman na nandito sya?". Ngumisi lang sya.

"Secret. Walang clue." lumabas na kami ng clinic. Pano nya kaya nalaman? Bahala na nga.

"Saan na tayo pupunta?" Tanong ko Kay Michael.

"Edi kung Saan maganda at memorable."Sagot nya. Saan nga eh? Ayoko na ngang magtanong dito. Sayang lang sa laway.

**********
Pumunta kami sa isang park na konti lang ang tao. May palaruan din don. Ang Ganda at parang pamilyar.

"Hays sana sigurado na talaga ako ngayon." Napatingin ako sa kanya.

"Huh?"

"Catleen, may nakilala ka na bang lalaki dito dati?." Tanong nya.

"Di ko alam. Pero pamilyar tong lugar na toh sakin." Sagot ko sa kanya.

"Talaga. May naaalala ka pa bang iba?" Napaisip pa ako. Hindi ko parin talaga matandaan.

"Wala eh.!" Sagot ko.

Lumungkot bigla sya. " pwede ba kong magkuwento sayo ng isang kuwento.?" Tumango lang ako.

" 6 years ago may babae akong nakilala dito. Napaka ganda nya.
Actually naging crush ko yung babaeng Yun. Lagi kaming naglalaro dito. Mabait sya sakin. Alam mo bang napaka bait ko dati? Nag bago lang ako ng iwanan nya ko. Pero bago nya ko iwan, binigay nya muna sakin toh." Pinakita nya sakin ang is ang drawing na may dalawang Bata. At may nakasulat don Pero punit na. Ibang sulat sya eh." Ang ganda ng drawing Diba. Sabi nya ako daw yung lalaki at sya daw yung babae." Dagdag nya pa sa kuwento.

Bigla akong nagulat ng niyakap nya ko. Nakarinig ako ng pagiyak galing sa kanya."Di mo ba ako matandaan Catcat? Ako to si Micky. " huh? Naluha ako dahil Don. Ngayon naalala ko na. Naalala ko na Kung bakit pamilyar tong lugar na toh. Dahil dito ko unang nakilala si Micky. Yung una kong naging kaibigan.

"Naalala mo na ba? Natandaan mo na ba ko?" Niyakap ko sya ng Mahigpit.

"Oo tandang tanda ko na. Kaya Pala,.........kaya Pala napaka pamilyar ng kuwento mo." Pinahid nya yung Luha ko.

"Salamat kasi bumalik ka. Salamat kasi nandito ka na. Salamat kasi kasama na kita ngayon. Alam mo bang matagal kitang inobserbahan para lang mapatunayan ko na ikaw nga si Catcat. At hindi ako nabigo. Ikaw nga yung kaibigan ko." Naiiyak parin ako."Shh tama na. Ayoko ng makitang umiiyak ang kaibigan ko."

Itutuloy........

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

fall in love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon