Cathleen's POV
Nagising ako ng maaga dahil sa pag ring ng cellphone ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Naka kainis talaga pag nagugulat ako. Para akong aatakihin sa puso.
"Hello. Sino to?" Pag sagot ko sa cellphone.
"Hulaan mo kung sino ko?" Babae ang boses na narinig ko. Teka bakit parang pamilyar yung boses na yon.
"Ate Shaira ikaw ba to?" Pag tatanong ko ng masigla at masaya. Sana sya nga to dahil miss na miss ko na sya.
"Hi Cathleen na miss mo ba ko?" Tama ako sya nga. Si Ate Shaira.
"Hi Ate Shaira nandito ka na ba sa Pilipinas? Opo miss na miss na kita." Sagot ko sa kanya. Bigla syang tumawa.
"Haha miss na miss na rin kita. At oo nandito na nga ako sa Pilipinas. Ang totoo nagkita na kami ng kuya mo. At dito na rin ako magaaral." Bigla akong sumaya ng todo at nagkaroon ng malaking ngiti sa mukha ko.
"Talaga? Dito ka na magaaral? Anong reaksyon ni kuya ng makita ka?" Tanong ko sakanya ng masiglang masigla.
"Ahm tuwang tuwa ang kuya mo. Tapos binuhat nya ko. Alam mo ba nung una nya Kong nakita nanlaki pa ang mata nya. Nakakatuwa nga sya eh. Lagi nalang syang nagugulat pag nakikita o nakakausap ang maganda nyang Girlfriend." Tawa kami ng tawa ni Ate.
May sasabihin pa sana sya pero iba na ang nagsasalita."Wag kang maniwala sa kanya Cathleen nababaliw na ang Ate mo." Teka si kuya yon ah. Hindi na ba sya galit sakin. Teka ibig sabihin nandon sya ngayon sa bahay nila ate. Kaya pala Hindi sya umuwi kagabi.
"Hindi ka na ba galit sakin kuya?" Bigla akong lumungkot.
"Hindi na konti pero mag uusap tayo mamaya naiintindihan mo?" Anong pag uusapan namin?
"Opo kuya basta bati na tayo hah." Sagot ko sakanya. Parehas kasi kami na medyo moody kaya ang pareho kaming mabilis magpalit ng mood.
"Teka Kuya nasaan ba kayo? Gusto Kong makita si Ate Shaira." Pag pupumilit ko sakanya.
"Nandito kami sa bahay nila. Wag ka nang pumunta dito. Uuwi kami dyan sa bahay. Hintayin mo kami. Maaga pa naman, isa pa mag tatransfer ngayon si Shaira kaya papasok din sya ngayon." Sagot ni kuya.
"Okay sige hihintayin ko kayo kuya." Binaba ko na yung phone ko at bumangon agad sa kinahihigaan ko.
Tinignan ko ang orasan ko sa kwarto. 5:00 palang ang aga naman nilang nagising at ginising pa ko. Pero okay lang yon good news naman eh.
Bumaba na ako ng kwarto para unahin ang breakfast. Haha ngayon ko lang nalaman na kapag gumising ka ng maaga magugutom ka. Kasi gutom na gutom na ko.
Hindi pa gising si Yaya Mary. Maaga pa kasi. Nagluto nalang akong mag isa. Dinamihan ko na para makakain na di sila kuya.
Habang nagseserve ako ng pagkain biglang nagbukas yung pinto ng bahay.
Bigla akong sumigla ng makita ko sila.
"Kuya, Ate." Tawag ko sa kanila.
Tumakbo ako papuntang sala. Sinalubong ko nang yakap si ate.
"Buti bumalik ka na ate. Marami pa akong I kukwento sayo." Sambit ko sa kanya. Tapos tumawa kaming pareho. Ang ganda ganda nya na. Mas maganda na sya ngayon. Bagay talaga sila ni Kuya.
"Sige pero sa school na natin pag usapan hah. Tsaka mag bihis at kumain na rin tayo para pag dating natin sa school marami pa tayong oras na magagamit." Hinakbayan ako ni Ate papuntang kwarto. Ang saya saya ko dahil nandito na sya.
BINABASA MO ANG
fall in love With Me
Roman pour AdolescentsHindi mo aakalain na ang isang dakilang nerd ay pag aagawan ng dalawang lalaki na syang pinaka sikat,kinatatakutan at pinaka gwapo sa buong campus. hindi naman imposible pero ganun talaga ang sistema ng buhay nila.