Tumakbo ako palabas ng kwarto ko at pinuntahan ko si mommy.
Nakapag pasya na ko. Bakit pa nga ba ako magtitiis kung may chance naman akong maging masaya.
"Mommy..." Hinanap ko si mommy sa sala pero wala sya.
Tinignan ko sa kusina pero wala din. Nagpunta din ako sa kwarto nya at sa wakas nakita ko din sya.
"Anak bakit ka nandito? May kailangan ka ba?" Opo mommy at isa tong good news.
"Mommy pumapayag na ko. Sasama na ko don." Napa tayo si mommy. Nagulat siguro sya sa sinabi ko.
"Talaga anak? Pumapayag ka na?" Tumango ako na naging dahilan upang mapa ngiti si mommy. Kitang kita mo sa mukha nya ang saya. "Kung ganon mag ayos ka na at pupunta na tayo don." Ang saya ni mommy. Alam ko yon sakanya. Kilala ko si mommy pag masaya.
Lumabas na ko ng kwarto ni mommy. At pumunta na ako sa kwarto ko para mag bihis.
Habang naghahanap ako ng Damit na susuotin biglang nag bukas yung pinto.
"Cats may nahanap ka na bang damit?" Tanong ni yaya.
Tapos may napansin akong bagay na dala nya sa likod nya."Ahm narinig ko lang kasi na tutuloy ka na sa pag punta sa studio. Kaya heto damit oh!" Inabot ni yaya sakin ang isang summer dress na kulay yellow. Ang ganda nya.
"Cats sana nagustuhan mo." Sabi sakin ni yaya.
"Thanks yaya. Opo nagustuhan ko po. Talagang maaasahan kayo." Ngumiti ako sa kanya. Buti nalang may sense of fashion ang anak nya kung hindi , hindi ako mag kakaroon ng ganitong mga dress.
Umalis na si yaya at ako naman ay nagmadaling magbihis.
Nakakaramdam ako ng excitement pero kinakabahan parin ako.
Pagka tapos Kong magbihis, pumunta ako sa kwarto mommy kasi aayusan nya daw ako.
Pag pasok ko , nagulat ako. Kasi mas bongga pa ang suot ni mommy na dress. Haha tinalo pa nya ko.
"Mommy ang ganda mo naman." Bungad ko sa kanya.
Natawa kaming dalawa. Maganda naman talaga si mommy eh. Mukha syang walang asawa at mga anak."Syempre kanino pa ba magmamana ng ganda ang anak ko." At tumawa ulit kami.
"Ay anak Tara na at aayusin ko yang buhok mo.
Lumapit ako sa kanya.
Nag blower lang ako at inayusan ni mommy ang buhok ko. Humarap ako sa salamin at masasabi mong may natatago pala akong ganda. Joke.
"Anak kahit Hindi ka na pala mag make up eh maganda ka na. Hindi mo lang talaga pinakita ." mommy yan ang secret ko. Haha.
"Thank you mommy." Niyakap ko sya." Your the best mom." Biglang may pumasok sa loob ng kwarto.
"Oh ano yan? Bakit kayo nakabihis?" Tanong ni kuya.
"Ang kapatid mo pumayag ng mag model." Sagot ni mommy.
"Talaga? Catleen bakit ka pumayag? Wala na tuloy akong aasarin." Nag pout sya samin.
"Ewan ko sayo kuya." I rolled my eyes to him. Hindi ba sya masaya para sakin?
"Caizer Hindi ka ba masaya para sa kapatid mo?" Oo nga. Hindi ka masaya para sakin?
"Bahala kayo." Umalis na sya. Para syang galit. Bahala ka din kuya.
"Nako wag na nating pansinin yung kuya mo. Bitter lang yan." Tumawa kaming dalawa ni kuya. Pero parang kakaiba yung inasal ni kuya. Hays never mind bitter lang yan.
BINABASA MO ANG
fall in love With Me
Ficțiune adolescențiHindi mo aakalain na ang isang dakilang nerd ay pag aagawan ng dalawang lalaki na syang pinaka sikat,kinatatakutan at pinaka gwapo sa buong campus. hindi naman imposible pero ganun talaga ang sistema ng buhay nila.