My Heart is Steel 1

264 9 2
                                    

My Heart is Steel

Chapter 1

Ang buhay ay puno ng hiwaga. Madalas para sayo na pero sa hindi inaasahang pagkakataon nawawala pa. Nagtatanong tayo kung bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo sa atin pa nagyari ang mga masasama at masasakit na pangyayari. Nakakainis, nakakalungkot, at nakakaiyak pero ganon talaga ang buhay. Pweding ikaw yung masaya at sila naman ang malungkot o di kaya'y ikaw ang malungkot at sila naman ang masaya.

Mahirap daw talaga humanap ng perpektong pagkakataon, perpektong tao, at perpektong pamumuhay dahil sa mundong ito wala naman talagang perpekto. Pagtanggap at pang-unawa lamang ang mayroon. Pagtanggap na lahat ng tao ay may itinatagong kabutihan sa kabila ng kasamaan at pag-unawa na tanggapin ang lahat at ituro sa mga taong nagkamali ang tama.

"Naitanong mo na ba sa sarili mo kung gaano kalawak ang kaya mong makita. Hindi ng iyong mata kung hindi ng iyong puso?"

Napangiti naman ako sa aking tanong gayon ang puso ko ay isang bakal.

Ako si Chibby isang maganda at mayamang heredera. May puso ako para sa mahihirap kaya nais kong guminhawa ang kanilang buhay.

Pinalaki ako ng aking mga magulang na may takot sa Dyos at pagmamahal sa aking kapwa.

Nagmahal ako noon. Hindi humadlang ang aking mga magulang sa kabila na ang aking inibig ay mahirap lamang sa buhay. Hangad nila ang aking kaligayan.

Umibig ako noon sa isang mahirap ngunit winasak lang nito ang normal kong buhay.

Magpapakasal na dapat kami ngunit ipinagtapat nito sa akin hindi nya ako mahal at pera lamang ang habol nito sa akin.

Sobrang sakit ng mga nangyari. Hindi na ako makakain sa sobrang kalungkutan. Hindi na din ako halos lumalabas noon sa aking kwarto. Palagi lamang akong nagkukulong at nagmumukmok. Umiiyak sa mga alaalang hinihiling kong sanay maulit pang muli.

Walang araw o oras noon na hindi ako umiiyak. Natutulala na lang ako sa isang sulok.

Depressed ako. Pagod na ako. Hindi konna alam ang dapat kong gawin. Sumusuko na ako. Napapagod na ako.

Hindi kinaya ng puso ko ang panlolokong ginawa nya at dahil don nagka-heart failure ako. Kinailangang palitan ang puso ko ng bakal para patuloy akong mabuhay.

Pero hindi naging dahilan ang pangyayaring iyon para kamuhian ko ang mahihirap. Katunayan kasama na nila akong namumuhay ngayon. Ang Chibby na mayaman ay hindi na nakatira sa isang malapalasyong tahanan kung hindi sa isang simpleng barangay na may maliit ngunit maayos na tirahan.

Mahal ako ng mga magulang ko kaya hindi sila tutol sa desisyon kong ito. Habang nasa states sila ay pinayagan nila akong dito muna manirahan kasama sila Mang Benny.

Alam nyo kaya ko lang talaga gustong mamuhay kasama ang mga taong hindi mayayaman ay para malayo ako sa magulo at mapanlinlang na mundo. Gusto kong patunayan sa sarili ko na isang araw may magmamahal rin sa akin. Mamahalin ako kung sino ako at hindi dahil sa kung anong meron ako. Gusto kong makilala ang isang taong magmamahal sa akin ng tapat hindi tulad ng manloloko kong nakaraan.

My Heart is SteelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon