My Heart is Steel 4
Chapter 4
“Ate Chibby, susunduin ka na naman ni Kuya Dexter?” Nagniningning ang mga mata ni Jossah habang pinanunuod akong maglagay ng make-up. Tumango ako at ngumiti bilang tugon. Kanina pa nya ako kinukulit na aminin ko na raw na nanliligaw sa akin si Dexter. Wala naman akong maamin dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ang status namin. Ayoko mag-assume kung ano ang nararamdam nito para sa akin kahit na alam kong mahal ko na sya.
Mahal ko si Dexter. Hindi ko inaamin sa sarili ko yun nung una kasi natatakot ako na baka hindi naman nya ako mahal pero narealize ko na ang pagmamahal naman hindi kailangan laging may katugon minsan sapat na yung alam mo at alam nyang mahal mo sya.
“Chibby! Chibby!” tawag sa pangalan ko na mula sa ibaba.
Nagmadali na kaming bumaba ni Jossah para malaman kung sino ang tumatawag. Inabutan na rin namin sa ibaba sila Mang Benny at pinapainom ng tubig si Mang Ruben.
“Chibby, si Sir Dexter ho kasi- ano po kasi- kasi nagpunta po sa may RestoBar sa may kabilang baryo.” Napuputol-putol sa pagsasalita si Mang Ruben “Ngayon eh, nagkayayaan silang pumuta sa Isla Pula. Nagtataka kami dahil nakabalik na yung mga kasama nya pero wala si Sir Dexter. Nagpaiwan raw ho doon.”
“Mabuti pa sunduin na natin at baka napano na iyon, dumidilim na. May saltik ho yata talaga ang isang yun Mang Ruben.” At nagtawanan kami.
Sakay ng luma at maliit na yate pumunta kami sa Isal Pula. Inabutan na kami ng dilim mabuti na lang at malapit na kami saka maliwanag sa buong isla kaya hindi naman siguro mapapano si Dexter doon.
Nang makarating kami ay agad kaming bumaba sa yate. Tinatawag na rin namin si Dexter para mapabilis pero wala naming sumasagot.
Inikot naming ang lugar at magbabakasali kaming baka nasa Mini Lodge ito nagpapahinga. May maliit kasi sa kabilang daungan dito sa isla.
Dumilim naman ang buong paligid ng malapit na kami doon palagay ko ay naubos na ang gasoline ng generator. Wala kaming dalang flashlight.
Nakipag-usap sila Mang Benny, Mang Ruben at Tita Patsy kila Tita Fin, sila ang may-ari ng mini lodge. Nalaman namin na may gulo daw kanina at nabugbog daw ang isang lalaki at nasa clinic nila ito. Hindi raw pinayagan umalis dahil baka mamaya ay mapano pa sa laot. Si Dexter kaya iyon?
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Baka ano nang ngyari sa kanya. Baka mas mabuti kung dadalhin sya sa ospital. Inalam ko agad kung nasan ang kwartong sinasabi nila Ate Fin. Kumatok ako pero walang sumagot. Mas kinabahan ako. Tinawag ko sila Mang Benny dahil ayaw talaga mabuksan ng pinto. Ang bagal nilang maglakad at natatawa pa.
“Mang Ruben pakidalian naman ho hindi naman poi to biro baka napano na sa loob si Dexter.” May pagkainis na pakiusap ko.
“Chibby hindi naman kasi pinto yang binubuksan mo iha. Dingding yan.” Tiningnan kong mabuti, dingding nga pala ito.
“Napaghahalata ang in-love Ate, dito ang daan oh.” Nagtawanan sila at natawa na rin ako.
Binuksan ko kaagad ang pinto ng kwarto. Tinawag ko ang pangalan nya pero ibang kwarto na naman ang napasok ko. Humingi ako ng paumanhin sa abala. Naabala ko yata yung mag-asawa.
“Hahawakan na nga lang kita Ate kung san san ka napupunta.” Tatawa-tawa si Jossah habang inaakay ako. Ang dilim naman kasi.
“Andito na” pagkarinig ko non bigla nagliwanag.
Maraming makukulay na lobo. Gold, silver, pink, blue and purple ang mga kulay. May mga petals na ngkalat sa sahig. My cake na butterfly ang decorations.
Nakapagtatakang nandito ang mga kaibigan ni Dexter pati yung babaeng naka-re dress ng gabing yon. Sya lang ang hindi nagsasaya. Maayos ang buong paligid. Ano bang nangyayari? Nasan si Dexter?
May yumakap sa akin mula sa harapan, si Dexter sa inis ko tinulak ko sya palayo. Tinitigan nya lang ako na para bang gusto akong tanungin kung bakit ko ginawa iyon. Hahawakan nya sana ako pero tumakbo ako palabas sa lugar na yon.
Ayaw tumigil ng mga mata ko sa pagluha. Kanina pa ko nagmumukmok dito sa dalampasigan.
Hinahanap siguro nya ko. Hindi ko sya pinansin imbis ay tumingin ako sa napakalawak na dagat. Tumabi naman sya sa akin.
“Bakit ka umalis Chibby?” malungkot na tanong nito.
“Hindi ko alam ang eksaktong dahilan. Siguro kasi naiinis ako sayo. Masyado mo kong pinag-alala” sabi ko at umayos ng upo.
“Paunan ako.” At nahiga ito sa buhanginan habang nakaunan sa hita ko. Inabot nito ang panyo sa akin. “Alam mo bang ayaw kong bigyan ka ng panyo kaya lang wala naman akong dalang bottled water para ibigay sayo ngayong umiiyak ka. Nung Makita kitang umiiyak noon, sinabi ko sa sarili kong hinding-hindi kita bibigyan ng panyo para ipunas sa luha mo dahil hinding-hindi kita paiiyakin pero sa mga pagkakataong tulad nito umiiyak ka at wala akong dalang bottled water gusto ko panyo ko lang ang magpupunas sa luha mo. I’m so sorry for causing you to worry but thank you kasi it shows na mahalaga ako para sayo. It makes me happy though.”
Napipi na yata ako sa mga sinabi nya at wala nang lumalabas sa bibig ko.
“Magsalita ka naman dyan oh. Please forgive me na?” bumangon na ito at naupo sa tabi ko.
“Bakit bottled water?” nakangiting tanong ko.
Hinawakan nya ang kamay ko “Ang bottled water kasi ay mas nakakabuti kesa sa panyo.” Seryosong sabi nito. “Mas nakakabuti ito dahil hindi ito nagpapatuyo ng luha sa halip nang-iinganya pang iluha mo ang lahat ng sakit. Hindi ito tulad ng panyo na itinatago lang ang sakit habang may nasa paligid at ibinabalik rin kapag wala na ang mga matang nakamasid. Di tulad ng bottled water na mangingiti ka pa kapag ibinigay sayo habang umiiyak ka at sabay sabi na ibuhos mo sa mukha mo para magising ka sa katotohanang ang pag-iyak ay hindi isang kahinaan at karuwagan kung hindi isang paraan para tanggapin ang mga nangyari. Ang luha ay hindi pinipigilan lalo na kung nasasaktan ka na. Lalong hindi dapat itago o sarilinin dahil may mga taong nakapaligid sayo, nagmamahal at handing umalalay.”
Amused ako sa mga sinasabi nya. Lalo lang tuloy akong humahanga sa kanya at mas gumagaan ang pakiramdam ko kapag kasama ko sya. Sana nga mahal mo rin ako, sana.
“Bakit lagi kang nakatingin sa karagatan?” Itinayo nya ako at saka inakap mula sa likuran. Saya lang ang nararamdaman ko ngayon. Comfort na ngayon ko lang naramdaman. I should thank you for letting me feel this way, Dexter.
“Sabi na nga ba itatanong mo ‘yan” tumawa ito ng malakas “patatawarin mo na ba ako ‘pag sinagot ko yan?” malambing na tanong nito na tila nagpapa-awa pa.
Ipinatong nito ang baba nya sa balikat ko na parang bata. Amoy mint! Kinikilig ako! I can’t explain kung anong kakaibang pakiramdam ang nararamdaman ko. Ang puso ko abnormal ang tibok, mabilis na hihina tapos bibilis na naman.
“Depende.” Tipid na sagot ko na pilit itinatago ang kilig sa tono.
“Kinakausap ko kasi ang dagat---“ tumawa na naman ito ng malakas. Animo’y pati sya ay hindi makapaniwala sa mga sinasabi “Sabi ko. Hey Mr. Ocean! One of this day ihaharap ko sayo ang babaeng mahal ko at sa harap mo sasabihin ko sa kanyang my love for her is like you (ocean), alam mong may hangganan pero hindi masusukat kung hanggang saan at kahit anong gawin nya hindi nya para mararating ang dulo.” Inalis nito ang pagkakayakap sa akin. “Hey Mr. Ocean! Sya na yung sinasabi ko sayo!” sigaw nito na tila ba naiintindihan ng dagat ang kanyang sinasabi. “Sya yung babaeng mahal ko! Nasa harap mo na sya! Ang pangalan nya’y Chibby!”
Bumilis ang tibok ng puso ko. Totoo ba itong naririnig ko? Mahal ako ni Dexter? Mahal din nya ako? Humarap ito sa akin at tinitigan ako. “Mahal kita Chibby? Will be my girl forever?” I hugged him tight.
Lahat ng emosyon ko ay lumabas na. Halo-halong tuwa, saya hindi ko alam kung may salita pa bang makpagde-describe kung ano tong syang nararamdaman ko. Ngayon masasabi ko na ako na ang pinaka masayang babae sa mundo.
BINABASA MO ANG
My Heart is Steel
RomanceStory of two person who look at life as a gift from God. Both have nightmare in the past but don't let it prevail on their future. Read more XD.