My Heart is Steel 5

59 4 0
                                    

My Heart is Steel

Chapter 5

“Kuya Dex wala ka bang kadala-dala!?” pagdadabog ni Cheska matapos malamang niligawan ko at sinagot na ako ni Chibby.

Si Cheska ang bunso kong kapatid. Nag-aaral sa pribadong paaralan sa Cabanatuan City. No boyfriend since birth palibhasa ay napagkasungit. Mahilig mag-aral, spoiled pero mabait. Nawawala sa katwiran tuwing malalaman nyang may nagugustuhan akong babae. Lagi nyang katwiran sa akin ay mas kilala daw nya ang mga babae kesa akin dahil babae sya. Kabisado na daw nya ang mga ito.

“I don’t want to hear your sentiments okay? Please sweetheart stop accusing Chibby. She’s different.” Pakiusap ko rito habang kumakain kami ng umagahan.

“Kuya---“ hihirit pa ito pero hindi ko na pinayagan. Nakasimangot pa rin ito habang kumakain ng ham and bacon. “But---“

“No buts sweetheart. Don’t worry I can handle myself, my life” nilagyan ko pa ng pagkain ang plato nya.

Umalis na si Cheska nang magising sina Lyndon at Raymart. Magpapa-tan daw muna sya dahil bigla sumama ang hangin sa lodge. Palibhasa crush nya si Lyndon.

“Dex, tumawag si Allison kagabi hinahanap ka” pagbabalita ni Raymart na binuksan ang TV. Si spongebob lang naman ang panonoorin.

“Dude naman wag muna nga akong ginuguyong dyan kay Allison alam nyo namang may girlfriend na ako.” Nakinuod na rin ako kay Raymart.

“Oo nga naman Mart! Ikaw talaga alam mo namang serious type tong kaibigan natin eh. Mahal mo ba talaga Dex?” bigla ay tanong nito.

“Kayong dalawa tigilan nyo ko, okay. Ikaw naman Lyndon tigilan mo pang-aasar kay Cheska. Ayon ke aga-aga nagpapa-tan tuloy.” Pabirong paninita ko.

“Wala akong nadinig. Lalalalalalalala” pakanta-kanta pa itong bumalik sa kwarto. Mokong talaga yung lalaking yon.

Binasag ni Raymart ang katahimikan ng magsalita ito “Talaga bang handa kana Dex? Halos isang buwan pa lang kayong magkakilala ni Chibby.” pahayag nito “Kaya na ba talaga ng puso mo?” sunod ay tanong nito.

“Mahal ko sya.” Tumayo na ako at pumasok sa kwarto.

Batid ko ang labis na pag-aalala nilang lahat sa akin. Mahal ko si Chibby this time I want to be happy I want to be selfish enough at subukang magmahal muli.

Kung hindi lang sana nangyari iyon! Kung hindi lang ako naging mahina. Kung nilabanan ko lang sana ang sakit!

Three years ago…

“Misis nasa kritikal na kondisyon ho ang inyong anak kung hindi natin maagapan ay maari ho nya itong ikamatay.” Mahina pero naririnig ko pa rin ang usapan ni Mama at ng Doctor sa likod ng pintuan.

“Doc, ano ho ba ang pinakamagandang gawin natin? Ano hong kailangan ng anak ko para gumaling.” Bakas sa tinig ni Mama na malapit na itong umiyak.

“Tatapatin ko na ho kayo Misis, major operation ho ang kailangan ng anak inyo, malaking halaga ho kinakailangan. Heart transplant pero 50/50 pa ring mabubuhay ang anak ninyo isa pa mahirap hong humanap ng donor dahil kailangan ho ay match ng sa anak ninyo ang ipapalit natin para maiwasan ang komplikasyon pero inuulit ko Misis 50/50 ho ang chance natin dito.” Mahabang paliwanag nito.

“Doc, kahit ano po gagawin ko para sa anak ko.” Pakikiusap ni Mama na batid na ang pag-iyak sa tinig.

“Misis, huwag ho kayong umiyak kailangan ninyong lakasan ang inyong loob. Sa lalung madaling panahon dapat isagawa na ang operation pero kung mag-iintay tayo ng donor mukang aabutin ho iyon ng ilang buwan kahit pa humingi tayo ng tulong sa mga NGOs or ibang Health Organizations. May isa pa pong option Misis pero mas mahal ho ito at sa ibang bansa pa ginagwa. Papalitan ho ang puso ng anak ninyo, lalagyan ng bakal para mag-function na mabuti. Mas mataas ho ang rate na makaligtas ang anak ninyo doon.”

Naging successful ang operation at gumaling ako. Nang lumabas ako sa ospital hindi kami sa mansion umuwi kung hindi sa isang maliit na apartment. Naguguluhan ako noon pero sabi ni Mama binenta na daw nila yung mansion para maoperahan ako.Nagtataka man dahil we have lot of means of money hindi na ako kumibo.

Hinanap ko si Papa  kay Mama. Ni minsan kasi ay hindi ko ito nakitang dumalaw man lang sa akin. Ayon kay Mama tulog daw ako pagpumupunta si Papa busy daw ito sa trabaho.

Akala ko okay na ang lahat noon dahil tuluyan na akong gumaling.

Nagkamali pala ako, naghinto si Cheska sa pag-aaral. Akala ko sa paaralan pumapasok si Cheska pag-umaalis ng bahay yun pala’y sa fastfood chain at nagtatrabaho. Si Ate Rochelle nangibang bansa para makabali ng malaking halaga sa kompanyang pinatatrabahuhan nya para maipaopera ako. Si Mama hindi na sa kompanya nagtatrabaho, isa na syang government employee.

Pag-uwi ni Mama kinausap ko sya at dun nya ipinagtapat ang lahat. Nang mga panahong nasa ospital ako nagkahiwalay pala sila ni Papa. Nagloko si Papa at tuluyan ng sumama sa secretary nito pero napag-alaman ni Mama na nang unti-unti ng nauubos ang pera ni Papa ay iniwan din ito ng babae.

Nang dahil sa pera, kasinungalingan, kataksilan, at paghahangad ng hindi kanya ng babaeng iyon nasira ang pamilya namin at nagkahiwa-hiwalay kami nila Ate. Pati ang perang dapat sana ay ipambabayad sa hospital bills ko ay walang awang kinuha ng babaeng iyon!

Galit ako sa mga babaeng mukang pera! Manloloko at sinungaling!

“Kuya! Kuya! Kuya! Kuya---wake up! Please!” namulatan ko si Cheska na umiiyak sa tabi ko. Inakap nya ako ng sobrang higpit.

Pinunasan ko ang luha nito “Sshh. Stop crying. I’m okay nanaginip lang ako.” Kumalas naman ito sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako sa mukha. Hindi kumbinsido ay inakap ako nitong muli.

“I love you Kuya.” She even hugged me tighter.

Nakatulog na si Cheska kaya iniwan ko na muna sya sa kwarto. Pagbaba ko nadinig kong may naghihiwa sa kusina kaya naman tiningnan ko kung sino iyon. Laking gulat ko ng bigla na lang akong akapin ni Alisson at halikan.

“What are you doing Alisson!? Galit na sigaw ko rito. Mukang batang iiyak naman ito kaya wala akong nagawa kung hindi akapin ito at aluin.

Pinagsabihan ko si Alission na ayusin ang kilos nya dahil ayokong masira ang pagkakaibigan naming ng Kuya Raymart nya.

Nakatanggap ako ng tawag mula sa Manila kaya naisipan kong puntahan si Chibby kila Mang Benny para makapaglakad-lakad sa dalampasigan.

“Ilang beses na akong nag-extend ng leave sa trabaho, kanina ay nakatanggap akong muli ng tawag at kinakailangan ko ng bumalik sa Manila, by next week siguro ay babalik na kami doon.”

“Wala namang probelma sakin Dexter. Naiintindihan kong maraming kang dapat asikasuhin doon.” Sabi nito sa akin. Bagaman ramdam kong may himig ng kalungkutan ang pagkakasabi nya non hindi ko pa rin maialis ang magtampo. Hindi man lang nya sinabing malulungkot sya pag wala ako.

“Mahal na mahal kita Chibby please wait for me. Babalik ako pangako.” Lambing ko rito at mas hinigpitan ko pa ang paghawak sa kanyang kamay.

Yumuko ito “mahal na mahal din kita Dexter, I will wait for you promise”

Gusto kong itanong sa kanya kung may problema ba dahil hindi man lang nya ako tinitingnan sa mga mata. Panghahawakan ko ang pangako mo Chibby. Pangako.

My Heart is SteelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon