My Heart is Steel 7

52 4 0
                                    

My Heart is Steel

Chapter 7

Nagising ako sa sa lakas ng boses ni Ate Allison. To eavesdrop is not good pero dahil nagmumula sa kwarto ni Kuya ang ingay hindi ko maiwasang mag-alala kaya pinangkingan ko ang mga ito mula sa pasilyo.

“What did I tell you Dexter? She’s like you ex, a user!  Unang kita ko pa lang sa Cheska na yon alam ko nang pera mo lang ang habol nya! Ano pa nga bang aasahan mo sa isang mahirap!” patutsada ni Ate Allison kay Kuya.

“Stop Allison you’ve said enough. She never wants my money. We love each other. Can’t you be happy for me and stop telling lies.” Mahinahon pa rin ang tono ni Kuya pero mararamdaman mo ang lungkot.

“No! No! Dexter! Nahihibang ka na! She never loves you!” May diin ang bawat salita ni Ate Alisson.

“Who loves me then, you, Allison?” sarkastik na tanong ni Kuya “You’ve gone beyond the limitations young lady. Makakaalis ka na sa kwartong ito mas better if you’ll leave and go back to the city.”

Wala ng sumunod na nagsalita. Bumukas ang pinto ng kwarto ni Kuya at lumabas mula rito ang luhaang si Ate Alisson. Nakita nya kong prenteng nakasandal sa pader malapit sa kwarto ni kuya.

Minasdan ko ito habang pumapasok ito sa kanyang kwarto. Looking at her maganda, matalino, sopistikada, at galing sa kilalang pamilya pero ng dahil sa pagmamahal (kay kuya) nandito ngayon at umiiyak. No wonder love is powerful but I don’t believe it is blind. For me love is not blind rather lovers are blind. We have the power to make the bad looks good or vice versa. The choice is at our hands pero madalas mali ang pinipili natin tulad ni Ate Alisson na nagpapakatanga sa wala.

Nagmahal lang kinalimutan nang pwedi pa ring mag-isip. Hello wala namang rules na pagnagmahal ka puso lang ang pweding gamitin. Heart and mind should always go together.

In fairness, may commonality si Kuya at Ate Allison kasi pareho silang nagpakatanga sa pag-ibig. Si Kuya sa ex nyang si Claire na sumama sa mayamang lalaki dahil muka rin itong pera at si Ate Allison naman kay Kuya na pag-aari na ng iba ang puso at no space for intruder na.

“Kuya may dala akong tubig” kumatok at pumasok ako sa loob ng kwarto ni Kuya.

Tila hindi nya naramdaman ang pagpasok ko dahil abala sya sa pagbabasa ng e-mail nya. Maya maya ay pinulot nito ang ilang papeles na nagkalat sa sahig.

“Kuya are you okay?” nag-aalalang tanong ko at lumapit na ako dito “Uminom ka munang tubig Kuya” iniikot nito ang swivel chair paharap sa akin. Lungkot ang bumabalot sa buong pagkatao nito. “Kuya, what---“ imbes na patapusin ako ay iniabot nito ang mga papeles na hawak nya.  

“Basahin mo” mahinang sabi nito at saka tinungo ang kama at humiga.

Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa kung ano ang hawak ko. Isang Investigation Report galing sa isang investigation Agency. Malinaw na nakalagay dito na ang perang hiniram ni Chibby Bautista kay Dexter Soriano (Kuya) na umabot sa halagang P215,000.00 ay ibinigay nito sa lalaking ang pangalan ay Erwin Nuñez sa di pa tiyak na dahilan. Napag-alaman ding magkasama ang dalawa (Chibby at Erwin) sa dalampasigan  at nag-uusap bago ito humiram ng pera kay Dexter (Kuya) na nagkakahalagang P15,000.00 at kinabukasan pumnta itong muli sa lodge na tinutuluyan ni Dexter (Kuya) upang manghiram ng pera na halagang P200,000.00. Nasaksihan mismo ng agent ang pagbibigay ni Chibby ng pera kay Erwin. Hinihinalang may relasyon ang dalawa (Chibby at Dexter) ngunit humahanap na pa ng matibay na ebidensya at kung may iba pang dahilan.

Sa nabasa ko gusto kong sabihin kay Kuya Dex na “This is what I’m tellng you from the start Kuya.” Pero hindi kailangan ng kapatid ko ang ganun ngayon. Suporta at pagmamahal dahil kahit alam kong malakas at matatag sya sa maraming bagay isa naman sa kahinaan nya ang pag-ibig.

“Wag ka muna magmukmok Kuya! Bumangon ka na at puntahan mo si Chibby.” Pagpapalakas ko sa loob nito. “Tanungin mo sya Kuya. Itanong mo ito lahat sa kanya para maliwanagan ka at kung ano man ang kahinatnan ikaw pa rin ang makakapagdesisyon para sa sarili mo. Mas mabuti na malaman na ang katotohanan kahit masakit kesa magmukmok sa bagay na wala pang kasiguraduhan.”

Hindi pa rin ito umaalis sa pagkakahiga.

“Sabi dito, HINALA. Hindi pa sigurado kaya kung ako sayo puntahan mo na. Sabi mo nga you know her than anyone. Kahit sinong agent pa yan mas kilala mo naman siguro sya di ba?”

“You’re right. Chibby loves me. Hindi nya to magagawa sa akin. Hindi nya ko kayang lokohin. Pupuntahan ko na sya ngayon pero samahan mo ko Cheska.” At ang Kuya ko naduwag pa.

“Syempre! For better or worst magkasama tayo!” nag-apir pa kaming dalawa “Pag nalaman kong totoo nga ang nakasulat dyan sa papel na yan, makakatikim sa akin ang babaeng yan!” pabirong pagbabanta ko saka tumawa.

“Hindi sya makakatikim sayo ng kahit ano Cheska kasi iba sya.” Saka ito ngumiti.

Nakalabas na ako ng kwarto nya pero hindi ko pa rin maialis ang pag-aala. Paano kung totoo nga ang nakalgay sa report? Paano si Kuya? Kakayanin ba ng puso nya? Sobra syang masasaktan dahil kahit sa ikli ng panahon na nagkakilala sila g Chibby na yon minahal sya ni kuya ng sobra.

Hindi ko akalaing hihilngin ko ang bagay na pinaka-ayaw ko ang maging si Kuya Dexter at Chibby na talaga forever. Sana sa pagpunta namin sa bahay nito mamaya ay  maging okay ang lahat. Sana. Sana.

 ---------------------------

This is Cheska's POV. Na-gets nyo ba?

My Heart is SteelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon