My Heart is Steel
Chapter 2
CHAPTER 2
Ang lalim na naman ng kanyang iniisip. Mula sa mga mata nyang tila nagtatanong sa kalawakan ng dagat. Isang misteryo ka talaga para sa akin. Anong meron sa dagat at lagi ka na lang nakatitig dito. Ibang-iba ka sa mga kasama mo. Madalas kitang nakikitang nakangiti ngunit alam kong sa likod nito ay nakatago ang isang malungkot na damdamin. Nais kitang lapitan pero may isang parte sa isip kong nagsasabing hindi na dapat.
Hindi kaya mahal na kita? Syempre biro lang ang tanong kong iyon sa sarili. Wala namang nararamdaman itong bakal kong puso.
Huminga ako ng malalim at nagsimulang tunguhin ang daan patungo sa tahanan nila Jossah. Tinawag ko ito upang makapagsimula na kami sa pagpitas ng mga bulaklak na gagamitin para sa piging na idinaraos tuwing magtatapos na ang tag-araw.
Ang “Baryo de Isla” ay isang paraiso para sa akin. Isa sa pinaka-masagana sa lamang dagat. Malapit ito sa karagatan kung kaya lamang-dagat ang pangunahing putahe sa mga lutuin. Sa paglipas ng mga panahon ang magandang pamumuhay ng mga tao rito ay hindi na ganoong katiwasay. Ang pangunahing ikinabubuhay nila ay humina na dahil sa mga illegal na pamamaraan ng paghuli ng mga isda pero hindi ito naging dahilan para mawalan ng pag-asa ang mga naninirahan dito. Nakangiti sila palagi at handang lagpasan ang hamon ng buhay.
Napakaganda at napakakulay ng mga bulaklak isabay pa ang malamig na simoy ng hangin na tila ng-uugoy sa mga ito. Tuwang-tuwa si Jossah sa pamimitas at kanina pa rin sya daldal ng daldal tungkol sa mga dayo. Palibhasa kahapon lamang sya dumating galing Manila kung kaya’t kahapon nya lang nakita ang mga ito.
“Ate Chibby nababatid ko pong mababait ang mga dayo ngayon. Gusto mo po ay ihanap kita ng kapareha para sa piging mamayang gabi?” panunukso nito.
Kunwari ay kinurot ko sya sa tagliran at pareho kaming natawa sa mga iniisip. Pilya talaga ang batang ito.
Sa di kalayuan napansin ko ang isang lalaking nakahiga sa damuhan. Sya rin ang lalaking palagian kong nakikita sa may tabing-dagat. Ngayon naman’y nakatingin sya sa may langit. Anong mayroon sa langit na tila ba kaybigat-bigat ng mga tanong na ipinupukol nito roon? Napansin kong humugot ito ng isang malaking buntong hininga.
Hinihingal namang tumatakbo si Jossah papunta sa akin. Humarao ako sa direksyon nito upang malaman kung bakit. Nagising na raw ang kanyang ama mula sa comatose. Isang magandang balita na dapat ipagpasalamat sa Panginoon.
Nilingon kong muli ang lalaki. Nakatayo na ito at nakatingin sa amin ni Jossah. Hindi ko maipaliwanag ngunit kinabahan ako. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang galit. Yumuko ito at ng muling magtaas ng mukha ay nakangiti na. Anong nangyayari? Namalikmata lang kaya ako kanina?
Lumakad ito patungo sa amin at huminto pagtapat.
“Pahingi naman ako ng isang bulaklak magandang binibini” pagkuwan ay kinuha nito ang isang bulaklak sa basket at inilagay sa aking tenga.
"Maraming salamat.” iyon na lamang ang naisagot ko sa kanya bagaman ako’y nagugulumihanan sa kanyang mga ipinakita.
Pinagmasdan ko lamang ang kanyang likuran hanggang sa matakpan na ito ng hamog. Kinikilig naman si Jossah sa aking tabi at kanina pa sigaw ng sigaw ng “Hooray!”.
Pagkatapos namin ay dumiretso na kami sa lugar kung saan idaraos ang piging.
BINABASA MO ANG
My Heart is Steel
RomanceStory of two person who look at life as a gift from God. Both have nightmare in the past but don't let it prevail on their future. Read more XD.