My Heart is Steel 6

57 4 0
  • Dedicated kay Jossah Dyosa
                                    

Hindi ito makakarating sa Chapter na ito kung hindi dahil sa kanyang supporta at encouragement! :) 4 chapters to go na lang Miss Jossah at ending na! Isang update-an na lang sa Tuesday para intense :). Maraming salamat! :)

B&C

------------------------------------

May Heart is Steel
Chapter 6

Sinabi ko kay Dexter na hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon kaya nais ko na sanang magpahinga. Hinatid nya ako pabalik sa bahay.

Naiinis kasi ako sa kanya. Nakita ko sila kanina, hinalikan sya at inakap ng babae sa lodge nila. Inisip ko nga baka kapatid ng kaibigan nya pero ng inakap nya itong muli nasaktan ako at dina nagpakita.

Natuwa ako ng pumunta sya sa bahay. Iniintay ko ngang ikwento nya yung babae sa lodge nila pero iba naman ang topic naming. Worst pagbalik pa nila sa Manila ang usapan. May pa-Chibby please wait for me pa syang nalalaman eh ngayon pa nga lang. Hay ewan!

Kinaumagahan sa hapag kainan.

“Chibby, kumain ka naman iha. Hindi mo ginagalaw yang adobo.” Puna ni Tita Paz sa pagkain kong hindi pa nagagalaw.

“Oh paborito mo para tumaba ka naman.” Inilagay ko sa plato ni Jossah ang adobo. Natawa naman ito at hindi tinangihan ang pagkain.

“Ate Chibby, LQ kayo ni Kuya Dexter ‘noh.” Nakakalokong ngiting sabi nito. Kailan pa natutong manghula ang batang to.

“Kumain ka na lang tapos sumunod ka sa akin dun sa may dalampasigan. Manguha tayo ng seashells! ” paanyaya ko kay Jossah “Una na po ako Tita Patsy, Mang Benny at Mang Ruben.” Paalam ko sa mga ito.

Nagkalat ang maraming seashells. May kalakasan kasi ang alon kaya maraming shells ang natatangay sa buhanginan. Gusto kong gumawa ng keychain na pwedi ilagay ni Dexter sa susi ng sasakyan nya para lagi nya kong maaalala kahit nasan man sya. Dito kami sa dalampasigan unang nagkakilala kaya gusto ko rin na mula dito manggaling yung ibibigay ko sa kanya, keychain made from seashells.

Ngayon pa lang namimiss ko na sya. Iniisip din nya kaya ako? Pag di ko kinaya ang pagka-miss kay Dexter pagbumalik na sya sa Manila baka mapaluwas ako ng di oras. Sa mansion na lang ako tutuloy kung sakali. Nandun naman si Jossah para makasama ko.

“Ate Chibby! Kumusta po? Madami na ba kayong nakuha? Dito ko sa kabila para salubong tayo sa pamumulot ng shells. Paramihan tayo ah!” Enjoy na enjoy din si Jossah sa pamumulot. Nakakuha pa sya ng buhay na seashell pero pinakawalan din ito agad.

“Ma’am Chibby.” Nagtaas ako ng tingin mula sa pagkakayuko.

“Ako nga.” Ngumiti ako “Ikaw pala yan Erwin. May sasabihin ka ba? Huwag ka nang mahiya.”

“May sakit ho kasi Ma’am si itay nasa probinsya ho kailangan ho ng pera pampagamot. Wala na po kasi akong ibang malapitan Ma’am.” Malungkot na pahayag ni Erwin.

“Ganun ba. O sige magkano ba at kailan kailangan para naman maihanda ko yung pera.” Panigurado kong tutulungan ko sya.

“Kailangang-kailangan na daw ho yung pera Ma’am sa makalawa ho sana luluwas na akong Manila kasi ho’y sa Manila lamang may barko pauwi sa amin. Mga kinse mil (P15, 000.00) ho sana Ma’am. Medyo malaking hala----“ hindi ko na ito pinatapos pa.

“Sige. Sige bukas ng hapon ay daanan mo sa bahay. Sana’y makatulong iyon kahit papaano.”

Nagpasalmat si Erwin at nagpaalam na rin. Nakita yung babae sa lodge nila Dexter nakatingin ito sa akin na para bang gusto akong kainin. Nginitian ko ito pero inirapan lang ako at lumakad na palayo.

Inaya ko na si Jossah na bumalik sa bahay para makapaglabas kami ng pera bago dumilim ang paligid.

Unfortunately, nadukutan ako ng wallet. Nandon lahat ng IDs ko at cards. Inireport ko agad ang insidente sa banko pero hinahanapan ako ng valid IDs at wala akong maipakita kaya sawi kaming makapaglabas ng pera. Paano na kaya yung tatay ni Erwin baka mapaano yon pag hindi naagapan.

Umagang-umaga kinabukasan naglalambing naman si Dexter at niyaya akong kumain sa labas. Namiss na daw nya ako at hindi nya malaman kung paano makakatulog kagabi dahil alam nyang masama ang pakiramdam ko.

Habang kumakain kami sa isang seafood restaurant ikinuwento ko sa kanyang nadukutan ako ng cards kahapon kasama ang mga valid IDs ko. Napansin kong kumunot ang noo nya ng sinabi ko iyon.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanyang manghihiram sana ako ng cash sa kanya at papalitan ko rin kaagad basta maiayos ko lang ang cards ko.

“Dexter ano kasi---“ hindi ko yata kayang ituloy. Napakagat-labi ako at pumikit saka ko dinugtungan ang sinasabi ko “ano kasi--- pwedi mo ba akong pahiramin ng pera?” gusto ko nang lumubog sa inuupuan ko. Sana pahiramin nya ako, kailangan lang talaga mapahiram ko si Erwin.

“Magkano Chibby?” kaswal na tanong nito.

“Fifteen thousand sana---“ Ayoko pa ring dumilat “Dexter kasi nahihiya talaga ako manghiram kaya lang kasi kailangan kong---“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita sya.

“Dumilat ka na Chibby.” Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko. Nakaramdam ako ng kaba sa ginawa nya.

Kinahapunan ay ibinigay ko na kay Erwin ang kinse mil na cash. Masyado ang pasalamat nito at gagaling na raw sigurado ang tatay nya.

Bumgad sa pag-uwi ko ang humahagulgol ng iyak na si Jossah “Ate si ama kasi inatake na naman po.“ sumbong nito. Inalo ko naman ito at sinabing aayusin ko ang lahat. Kailangan agad operahan ang kanyang ama dahil may parte daw sa ulo nito ang nagdugo. Delikado iyon. Ayaw naman daw operahan ng mga doctor hanggat hindi nakakabayad.

Tumawag ako sa bahay para makausap ang mayordoma naming at maiayos ang lahat pero dahil sa bagyong tumama sa Manila nasira ang iba’t-ibang telecommunications cable kaya hindi maka-contact.

Naisip ko agad si Erwin dahil luluwas ito bukas ay maari nitong dalhin ang perang kailangan para maoperahan na ang ama ni Jossah.

Buhay na ang nakataya dito kaya naman kahit madaling-araw pa lang ay pumunta na ako agad sa lodge nila Dexter. Sya lang ang malalpitan ko ngayon. Ilang katok din ang ginawa ko bago bumukas ang pinto.

Yung babaeng diko kilala ang nagbukas. Pagsasaraduhan nya sana ako ng pinto ng madinig ko si Dexter.

“Ako ito Dexter si Chibby. Mahal ko.” Tawag ko pa rin dito.

“Tinawag mo akong “Mahal ko”?” mababtid ang saya sa kanyang ngiti.

“Oo mahal naman talaga kita eh.” Tugon ko sa tanong nya.

Inaya nya ako sa isang duyan at duon kami nag-usap.

“Dexter, mahal ko, manghihiram sana ako sayo ng dalawan daang piso (P200,000.00). Kailangan na kasi ng ama ni Jossah, inatake ito ulit at may namuong dugo daw sa ulo at dapat maoperahan agad-agad. Ayaw naman daw galawin ng mga doctor hanggat hindi bayad. Hindi ko pa kasi naayos yung mga cards ko kaya kahit nahihiya ako alam ko ikaw lang makakatulong sa akin. I’ve tried to call sa Manila kaso out of coverage ang mga contacts ko don marahil dahil sa nagdaang bagyo nasira ang telecable. Pero kung kakapusin ka sap era mahal ko, wag na lang. Luluwas na lang ako mamaya patungo sa Manila. Pasensya ka na.” mahabang paliwanag ko.

“Hindi ka luluwas mahal ko. Mapanganib sa daan. Ayoko. Please.” Pakiusap nito sa akin at inakap ako ng mahigpit.

Pumasok ito sa loob ng lodge at paglabas ay dala na ang pera. Isang halik ang iginawad ko sa kanya. Sasamahan sana nya akong dalhin itong pera dahil nag-aalala raw sya sa akin kaya lang lumabas ang kapatid nyang si Cheska at kumapit sa braso ni Dexter na para bang pinamimili nay ito kung sya o ako.

“Salamat mahal ko. Ako ng bahala rito, magpapasama na lang ako kila Mang Ruben. Ayusin mo muna yang sa kapatid mo.” Saka ako ngumiti sa kanya at sa kanyang kapatid.

My Heart is SteelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon