My Heart is Steel
Chapter 3
“Again, welcome ladies and gentlemen to “Baryo de Isla Fiesta”! Enjoy the night!” pagtatapos ng aking pagbati sa mga turista.
Kitang-kita sa mga tao ang labis na kasiyahan. Natanaw ko rin si Jossah at ang kakikilala lang nitong turista na si Dicha.
“Mang Ruben hinay-hinay lamang ho sa pag-inom at kayo rin ho Tita Patsy wag ho kayong masyadong kumain ng alimasag at baka tumaas ho ang inyong cholesterol” paalala ko sa mga rito. Nagtawanan naman sila Aling Fina at Aling Myra na patuloy lamang sa pagkain.
“Teka nga muna Chibby ikaw ba ay maayos ang pakiramdam. Abe namumutla ka iha” puna n Tita Patsy. Tumayo pa ito at sinalat ang aking noo’t mga braso pati ang aking tenga at baka raw ako’y nausog.
“Mabuti ho ang aking pakiramdam, Tita. Huwag po kayong mag-alala.” Ngumiti ako sa kanila at nagtungo malapit sa dagat.
Ilang Lingo na lang uuwi na sila Mama dahil kinakailangang palitan ang baterya ang puso ko. Sa isiping yon hindi ko maiwasan maluha. Tinanaw ko na lang ang malawak na karagatan imbes na alalahanin ang sawi kong pag-ibig. Alam kong lahat ng bagay na nangyari ay may dahilan. Hinayaan kong umagos ang luha ng maramdaman kong may naupo sa aking tabi kasunod noon ay inabutan nya ako ng bottled water.
“Abutin mo na. Ibuhos mo sa mukha mo para di halatang luha yan” natawa ako ng malakas sa sinabi nito. Hindi ko iyon inaasahan.
Nagpasalamat ako sa kanya. Tinatanong nya kung maari daw ba yang malaman kung bakit ako umiiyak. Syempre ang sagot ko ay isang ngiti lang. Nakakahiyang magsabi sa isang estranghero ng isang bagay na pribado at nagdulot ng labis na sakit.
Akala ko’y nainis ito kaya tumayo na. “Halika doon. Magsayaw tayo para hindi ka malungkot” nilahad nito ang kamay. Dapat ba akong sumama? Bago ko pa masagot ang tanong ay kusa ng gumalaw ang kamay ko.
Nakaramdam ako ng onting panghihinayang ng dumating kami ay natapos na ang sweet music at napalitan na ng rock music. Umupo kami sa isang table sa bandang gitna mula rito tanaw ko si Jossah na tumitingin sa akin at sinasabing sino raw ang kasama ko. Nginitian ko lamang ito.
“Pwedi kayang ipikit mo ang mga mata mo at huwag mong ididilat hanggat di ako nagsasalita?” bigla ay tanong nito. Napatango naman ako at pumikit. Pati ako ay nagulat sa ginawa kong pagpayag. Ni hindi ko pa nga kilala o alam man lang ang pangalan ng lalaking ito pero heto ako at sinusunod sya.
Ang lakas nga tugtugan. Ano kayang binabalak ng lalaking yon. Kapagdaka’y tumahimik ang lugar kahit ang tinig ng mga tao ay nawala. Ano bang nagyayari sa paligid ko.
“Thank you ladies and gentlemen. I was in hurry to be here so I can dance this precious lady but unfortunately the music suddenly changed into rock. Can I ask permission to all of you to please let me change the music into sweet? Please.”
Nagpalakpakan ang mga tao. May mga nanunukso sa lalaki, may mga humihiyaw ng “who’s the lucky lady”, at ang mga babae naman ay nagpapahayag ng pagkainggit dahil daw sweet ang lalaki. Maging ako’y kinikilig din dahil sweet naman talaga ang ginawa ng lalaking iyon. Gusto ko na tuloy dumilat para masaksihan ang isang nakakakilig na tagpo.
“My name is Dexter. Ladies, she’s not the lucky but me. May I dance with you, Miss Chibby?” Napatigil ako sa pagpalakpak dahil sa pagkabigla.
Nagpapalakpakan ang mga tao. Ang buong paligid ay masaya para sa akin maliban sa isang babaeng naka-red dress. Parang naiinis sya sa akin? O kay Dexter? Masaya ako ngayon baka paranoid lang ako.
“Paano mo nalaman…” hinapit nya ako ng mas malapit saka nagsalita ng pabulong.
“Ang alam ko lang tungkol sayo ay ikaw si Chibby na malapit sa mga taga Baryo de Isla. Yung lang. May isa pa pala…” inilayo nya ako sa kanya ng bahagya. Sapat lang para makita ko ang kanyang mukha. Nakangiti sya. Isang ngiting totoo. Tinitigan nya ako kaya medyo nailing ako at sobrang namula dahil sa idinugtong nya. “…alam ko rin pa lang palagian mo akong tinititigan sa dalampasigan” saka ito tumawa ng malakas.
“Dude, hinay-hinay lang puso mo” paalala ng isang lalaki na mukang magkakilala naman sila dahil nagpasalamat pa sya rito.
“Thanks for bringing back the real me. I can smile now, ngiting walang halong sakit, walang itinatago, at hindi mapagpanggap”
BINABASA MO ANG
My Heart is Steel
RomanceStory of two person who look at life as a gift from God. Both have nightmare in the past but don't let it prevail on their future. Read more XD.