Ella's POV
"Ahahahahahahahah!" tawa ko. Di ko alam kung bakit ang saya saya ko ngayon. Siguro dahil sa joke ni Laur na pang green minded lang daw... Hay... Minsan ko lang to maisip pero ang alam lang nina Rett ay masayahin ako pero may rason ako para dun... Broken ako sa loob... Minsan tuwing gabi ay umiiyak ako dahil iniwanan kami ng Daddy ko..... "El okay ka lang? Tumahimik ka bigla ah?" tanong ni Rett "Ah.. W-wala t-to...." shet naiiyak na ata ako.... Wag naman sana... "Tara na.." sabi ko. Tumango na lang sila.... Hayssss.....
Aaron's POV
"Ahahahahahahahah!" tawa nya.... Teka parang pinipilit nya lang na tumawa sya habang naniniwala naman yung mga kaibigan nya sa tawa nya... Yung tawang pinipilit nya.. Di ba talaga napapansin ng mga kaibigan nya na pilit lang nya yung tawa nya? "Tara na.." paalis na sila.... Nakatungo sya kaya masimple lang akong naglakad para mabangga nya ulit ako. "S-sorry..." sabi nya. May mali nga... "Anong pangalan mo?" tanong ko kahit alam ko na naman.. "E-Ella..."
sagot nya"I missed you...." bulong ko kaya napatingin sya saakin "A-ano..?" "Wala.... Wala.. Sige pumunta ka na sa room mo baka malate ka pa" sabi ko. Sinunod naman nya ako... "Kilala mo ba TALAGA sya?" tanong ng isang kaibigan nyang si Rett "Pwede ba kitang pagkatiwalaan na WAG mong sasabihin to kay Ella?" tinanong ko sya. "At baket?" tanong nya. "Basta secret natin to ha?" sabi ko "Oo na! Ano ba yun?" tanong NA naman nya "Matagal ko na syang kilala pero nalimutan nya ako dahil naaksidente sya nung bata pa KAMI..." sabi ko. Nganga sya hahaha! "T-teka ikaw ba yung Aaron na itinutukoy nang mommy ni Ella?" "Oo ako yun.. Best friends kami nung bata pa kami kaso....." sabi ko ".....HAAA?!?!" gulat na gulat sya kaya napasigaw sya "Hehe Oo pero nakalimutan nya ako at gusto ko din syang tulungan mailabas ang true colors nya sa ibang tao.... Matutulungan nyo ba ako?" tanong ko "Oo syempre!! Bestie namin sya eh!" sagot ni Laur "Thank you at promise nyo na wag nyong SASABIHIN kay Ella." sabi ko "Oo naman! Sige alis na kami ha!" umalis na sila at naiwan akong nakatayo dito.Ella's POV
Nabangga ko na naman sya! "Uy El! Wait mo naman kami!" sigaw ni Laur... Haysss tumigil ako at hinintay ko silang tatlo at saktong nagbell na at pumunta na kami sa next class namin.
After Classes
Haysss..... Sumakay na ako sa sasakyan ko at patungo nang umuwi. Pagkadating ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Binuksan ko ang laptop ko at nag Facebook.
1 Friend Request
Ha? One friend request? Sino naman kaya yun. Pagtingin ko ay si Aaron Gonzales... HALA!! Lord naman sana hindi nya ako pagalitan dahil dalawang beses ko na syang nabangga. Inaccept ko na lang at tiningnan ko ang mga pictures ko sa laptop na nakadownload. May nakita akong isang picture na nakaakbay saakin ang isang lalaki... "ARGHH!! Bakit hindi ko sya o sila makilala?!" sigaw ko sa sarili ko. Hayss.... Tumingin ako sa orasan at 7:00 pm na kaya sinarado ko na lang and laptop ko at humiga sa kama at bigla akong nakatulog...
8 Hours Later...
Ugh.... Anong oras na? Pagtingin ko ay 3:00 am na at Saturday pa kaya pupunta kami kina Mommy.... "Okay so anong magawa?" Nag open na lang ako ng Facebook at nakita kong online si Aaron... CRAP!! Baka imessage nya ako dahil tungkol sa 'banggaan' hahaha.. Hay thank god hindi nya ako ichinat. Naligo na lang ako at nagbihis. White T-shirt na naka Flannel at black jeans at yung paborito kong black and white converse. 6:00 am na naman dahil tinagalan ko ng konti ang pagligo ko. "Ella gising na at--" sigaw ni kuya "B-bihis ka na?" dagdag nya. "Oo Kuya bihis na ako." sabi ko kaya si kuya bumalik na at nagbihis na din kaya maaga-aga kami nakaalis. Hay... I hope this day will go well...
BINABASA MO ANG
You Are The Reason
Teen FictionSi Ella Gutierrez ay isang mahiyain na estudyante ng LaSalle, yun ang akala ng iba. Pero kapag kasama nya ang mga Best Friends nya ay akala mo'y kakaibang babae. Madaldal, makulit at masayahin. Ngunit isang araw ay may lalakeng dumating sa LaSalle...