Chapter 10

17 3 0
                                    

Ella's POV

Ugh.... Monday na ngayon......

Tumayo ako at pumuntang banyo para maligo. Pagkatapos ko ay nagbihis ako, feelung ko girly ako ngayon kaya dress ang suot ko. Light fabric sya na kulay beige at nilagyan ko ng red belt. Flats na red na din ang pang sapatos ko. Nag earings ako at nag ayos ng buhok. Konti pang accessories at okay na. Kinuha ko ang backpack ko at pumuntang kusina kung saan nandun si kuya "Morning Kuya." sabi ko at ngumiti na lang sya at inabot ang pagkain ko.

Pagkatapos kong kumain ay lumabas na kami at sumakay ng sasakyan ni kuya at papuntang school ko.

*At school*

Nandito na kami ni kuya at.... Nagpark sya? "Kuya bat na nag park?" sabi ko ngumiti sya "Well... Dito na ako magaaral!" sabi nya. Nagulat ako at niyakap ko sya dahil ang saya ko "Talaga kuya?" sabi ko at nilagay nya ang kamay nya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko "Yup! Makakasama ko na rin sister ko!" sabi nya, ang saya saya ko!

James' POV

Sinekreto ko muna kay Ella na dito na ako sa DLSL magaaral para masuprise sya. Nung nakarating na kami sa school ay nagpark ako kaya tinanong nya kung bakit ako nag park. "Well... Dito na ako magaaral!" sabi ko. Nanlaki ang mga mata nya at hinug nya ako kaya ginulo ko ang buhok nya. Kahit minsan nagaasaran kami at nagtatampuhan, mahal parin namin ang isa't isa:)

Nakahug parin sya saakin ng makita ko ang sasakyan ni Zion na dumaan. Binaba nya ang bintana nya at ngumisi sya saakin.

'May plano nga tong topak na to. Makakatikim yan saakin pag napahamak nya ang kapatid ko' sabi ko sa sarili ko.

Bumitaw si Ella at hinila nya ako sa school at nakita ko ang mga kaibigan nya "Ella!" sabi ni Rett "Hi guys! Dito na nga pala magaaral si Kuya!" sabi nya nang tuwang tuwa. "Eh??" "Talaga?" "Well atleast protektado na si Ella at hindi na tayo ang pumoprotekta sa kanya" sabi nila pero nanlaki ang mata ko nung narinig ko yung huling sinabi "Baket kailangan nyo protektahan si Ella?" sabi ko kaya napatingin sila saakin "Ah..Eh.... Nabubully sya minsan eh.." sabi ni Rett "Kaya kami na ang pumoprotekta sakanya.." tinapos na ni Lauren "HA?!" sabi ko kaya nilapitan ako ni Ella "Hehe...Kuya okay lang naman kaya wag ka na magalit..." sabi nya kaya kinalma ko muna ang sarili ko bago ulit magsalita "Hay...Sige pero pag NAULIT ulit yang pambubully nila sayo eh makakatikim na sila!" sabi ko kaya tumango na lang si Ella.

"So, are you ready to tour me around, Ella?"

Narinig ko sa likod ko kaya tumalikod ako. "Zion..." sabi ko kaya ngumisi sya at sinabi "Well, we meet again... James." sabi nya kaya nilapitan ko sya "Subukan mong saktan si Ella at masasapak na kita!" bulong ko sa mukha nya "James chill! Susunduin ko lang naman ang Tour Guide ko." sabi nya kaya lalong uminit ang dugo ko "KUYA!" sasapakin ko na sana sya pero pinigilan ako ni Ella "Kuya anong ginagawa mo?!" sabi nya, hindi na ako tumingin sakanya "Wag na wag mong sasaktan sya kundi lagot ka saakin!" sabi ko kay Zion na paalis "Kuya!" sigaw ni Ella pero dumiretso na ako sa klase ko.

Ella's POV

'Anong meron kay kuya?' tanong ko sa sarili ko pero di ko na lang pinansin "So, are you ready?" tanong ni Zion kaya tumango na lang ako at humarap kina Annie "Guys ito-tour ko lang si Zion kaya mamaya na lang tayong lunch ha?" sabi ko sakanila kaya tumango na lang sila at umalis na. Naglakad ako at sinabi "Tara." sabi ko kay Zion at sumunod naman sya.

'Nakakapagod pala mag tour....hayss...' sabi ko sa sarili ko.

'HAY SALAMAT AT TAPOS NA AKO MAGTOUR!!' sigaw ko sa isip ko "Hey Ella, wanna go get lunch later?" tanong saakin ni Zion "Ah? Ay hindi na! Kasama ko kasi sina Rett eh at baka magtampo sila pag di kami magkakasama mamaya.." sabi ko kaya tumango sya.

Aalis na sana ako papuntang classroom pero napigilan ako nang yakapin ako ni Zion sa likod "Thank you....And I missed you.." sabi nya kaya nanlaki ang mga mata ko. Pinakawalan na nya ako at tumakbo na papuntang klase 'Ano yun?' sabi ko sa sarili ko...

Nandito na ako sa klase at as ineexpect ko ay may sisigaw saakin "HOY ELLA ILILIBRE MO KAMI MAMAYA HA DAHIL SA IBA KA SUMAMA!!" sigaw saakin ni Laur at napahiya naman ako "Laur!" sigaw ni Rett "S-sorry.." sabi ni Laur kaya tumango na lang ako at umupo sa upuan ko. Nakatunganga lang ako sa homeroom namin dahil sa sinabi ni Zion. 'Alam mo Ella, wag mo na isipin yan...' sabi ko sa sarili ko at nakinig na kay Sir.

*Bell Rings*

Hay salamat at tapos na ang homeroom. Lahat kami ay pumunta na sa mga klase namin at kasama ko si Rett dahil magkasabay kami "Sino ba yung kasama mo kanina?" sabi nya kaya sinagot ko "Si Zion" sabi ko at napansin ko na nanlaki ang mga mata ni Rett "Hmm? Baket..?" tanong ko "Ah wala..." sabi nya "Ay oo nga pala, diba ito-tour mo si.... Sino nga yun? Nakalimutan ko sa chat natin eh..." sabi ko "A-ah.... Si K-Kaizer..." sabi nya "Ah Kaizer pala, kailan mo sya ito-tour?" tanong ko "Mamaya daw lunch kaya baka di ko kayo makakasama...Okay lang?" tanong nya kaya sabi ko "Oo naman! Para di ka na single:)" asar ko sa kanya "E-Ella!!" sigaw nya kaya patakbo na ako kasi hinahabol nya ako at nag wink pa ako hahaha!

----------------------------------------------
Hi!

New update na! Next chap ay moments na nila Rett! Hahaha!

Bye:)

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon