Aaron's POV
Hiningi ko ang number nina Rett, Laur at Annie para makagawa kami ng plano. Sakto din dahil papunta sina Ella sa Mommy nya. Tinawagan ko na si Rett...
*Ring Ring...*
[Hello...?]
"Hello Rett? Ah si Aaron to... Ready na ba kayo sa plano natin?"
[Aaron? Ah Oo! Saan ba tayo magkikita? Kasama ko na kasi sina Laur eh...]
"Ah okay... Sa may tapat na lang tayo ng school magkita."
[Ah sige! Bye!]
Hay... Nagbihis na ako ng plain white t-shirt at black jeans. Pati na rin black and white converse katulad ng kay Ella. Lumabas na ako ng bahay at sumakay na sa sasakyan ko. Pinaandar ko at umalis na papunta ng school. Sakto naman at nakita ko na rin sina Rett. Pinark ko na ang sasakyan ko at bumaba papunta kina Rett...
Rett's POV
"Ayun sya diba?!" sigaw ni Laur "Oo nga, hintayin na lang natin sya." sagot naman ni Annie. Nakita na namin sya na papunta dito kaya hinintay na lang namin sya. "Hello girls!" bati nya "Hello!!" sagot naman ni Laur. Nagusap kami tungkol sa plano...
Rett: "So...? Pano na?"
Aaron: "Diba may festival na magaganap next week?"
Laur: "Oo! Bakit?"
Aaron: "Plano kong sumama sa inyo para makasama ko din sya.. Ita-try kong maging close sa kanya hanga't komportable na sya saakin at kung unting-unti nya nailalabas ang true colors nya..."
Annie: "Ang tagal pa! Paano kaya kung medyo tina-try mo nang maging close sa kanya sa school days? Para di ka na mahirapan ilabas ang true colors nya."
Rett: "Oo nga noh!? Aaron yun na lang kaya muna gawin natin para mas makakuha tayo ng konti pang impormasyon tungkol kay El? I mean para mas madali tayo makakagawa ng plano?"
Aaron: "Hmmm......"
Lauren: "Yun na lang! Wag naman natin madaliin!"
Aaron: "Sige na nga! So..... Since nagawa na natin ng konti ang plano, punta tayo ng mall?"
Laur, Rett and Annie: "Ge! Trip namin nyan!"
Aaron's POV
Since tapos na ng konti ang plano namin, nagdecide ako na ayain ang mga girls papunta ng mall. Hindi dahil gusto ko din! Dahil magkikita din kami ng kapatid kong si Kaizer Gonzales. Nakapasok na kami sa mall nung nakita ko na din si Kai. "Kai!" sigaw ko. Napatingin naman sya saakin kaya pumunta sya saamin. "Sup bro! Sino mga kasama mo?" tanong nya. "Ah! Ito sina--" naputol ang sinasabi ko dahil sinagot na nila. "Hi! Ako si Laur!" "Ako si Annie" "A-ako naman s-si Rett" Nauutal na sagot ni Rett. "Hello Ladies! Ako so Kaizer, but you can call me Kai!" Pumunta na kami sa isang restaurant at kumain na kami...
Ella's POV
Haysss... Salamat Lord at nakarating na din kami ni kuya na safe. "Mommy!" sigaw ko habang patakbo kay Mommy. "Hi nak! How's your trip?" tanong ni Mommy. "Okay lang Mom." sagot na ni kuya "Hay naku James! Wala ka na naman sa mood! Bahala ka nga, may hinanda pa naman akong cake!" sagot ni Mommy "Mom!" parehas kaming natawa ni Mommy kay kuya kaya pumasok na lang kami sa bahay nya. "Dusty!" tawag ko sa aso ko "Woof!" sagot nya "Hi boy! Musta ka na? Namiss kita!" sabi ko habang dinilaan na lang nya ako. Pumunta na ako sa kitchen at kita ko na yung cake na handa ni Mommy. "CAKE!" sigaw ko habang kumuha ng fork ang kumuha ng slice. "Mmmmm... Yummy! Thanks Mommy!" nag smile na lang sya. Nung busog na ako, pumunta ako ng room ko at nagpahinga... Binuksan ko na lang computer ko at nanuod ng mga anime. "Ella! Baba ka muna dito!"sigaw ni Mommy "Opo bababa na po!" sabay labas ng kwarto ko at bumaba. Nagulat naman ako ng may nakita akong bisita. "Ella nak, ito nga pala ang pamilya nina Mr. Villanueva." pinakilala ni Mommy ako sa kanila "Ay ang ganda naman ng anak mo! Manang-mana sayo hahaha!" sabi ni Ms. Villanueva "Hello Ella, I want you to meet my son, Zion." sabi ni Mr. Villanueva "H-Hello..." nasabi ko. "Hi Ella." sabi nya. Pumunta ako kay Mommy at sinabi kong aakyat na ako. Sabi nya din na ipapatawag na lang nya daw ako pag kakain na kami. Kaya umakyat na ako sa taas at pumasok sa kwarto ko. Bumalik na ako sa pag nunuod ng anime.. Haysss...
BINABASA MO ANG
You Are The Reason
Teen FictionSi Ella Gutierrez ay isang mahiyain na estudyante ng LaSalle, yun ang akala ng iba. Pero kapag kasama nya ang mga Best Friends nya ay akala mo'y kakaibang babae. Madaldal, makulit at masayahin. Ngunit isang araw ay may lalakeng dumating sa LaSalle...