Chapter 8

14 4 0
                                        

*Flashback Part 3*

Aaron's POV

Naghihintay ako ngayon dito sa labas ng emergency room... Hanggang ngayon, lutang pa rin ang isip ko kay Ella.

Alam na kaya ng mga parents nya na nabangga sya?

Pupunta ba sila dito?

Ang dami kong tanong sa isip ko kaya kailangan ko muna magrelax...

James' POV

Sana okay lang sya at pag nakita ko yung lalake kanina ay papasalamatin ko sya...

Ang bilis ng pag patakbo ni Mom ng sasakyan kaya ilang beses na muntik na kami mabangga... Mas hardcore pa ata si Mom sa pagdadrive eh kesa saaken...

At the Hospital...

Nakarating na kami dito at tatakbo si Mom sa emergency room kasi kita namin ang ambulance na halos kakarating lang kaya dumiretso na kami dun... Hinanap namin si Ella at sakto nakita na namin sya... May nakalagay sa ulo nya at parang nabalian din yung kamay nya... "Hay Diyos ko!! Mabuti naman na okay ka!! Hay nako...!" sabi ni Mom kaya may nagtinginan saamin... Nakita ko na paparating ang doktor dahil siguro narinig nya si Mom hehe... "Uhmm relative po ba kayo nya?" tanong nya, hindi sumagot si Mom kaya ako na lang "Opo dok.. Kapatid ko po sya at Mommy po namin sya" sabay turo kay Mom...

Asan yung lalake?

Tanong ko sa sarili ko dahil busy na naguusap sila Mom at Dr. Reyes... Lumabas na lang muna ako at dun ko nakita yung lalake...

Aaron's POV

May naririnig akong nagsasalita sa loob kaya napatingin ako... Nakita ko na nasa tapat sila ni Ella kaya nag assume na lang ako na sya yung Mommy nya pero may kasama pang isang lalake... Hindi si Zion...

Nakita kong papalabas sya kaya pasimple akong bumalik sa isipan ko...

"Uhmm.... Ikaw ba yung may hawak kay Ella kanina?"

Napatingin ako sakanya sabay tayo...
"Oo, ako yon.... Baket?" tanong ko
"Ah... Salamat...." sabay ngiti nya kaya napatanong ako "Salamat?" kaya napangisi sya at napatawa ng konti...
"Haha... Oo salamat at nandun ka para kay Ella.... So sino ka?" sabi nya kaya na gets ko na rin... "Ah hindi o-okay lang yun... Ako nga pala si Aaron Gonzales... Best friend nya..." sabi ko na pabulong yung huli pero narinig pa rin nya kaya nanlaki ang mga mata nya... "B-Best F-Friend?" sabi nya. Tumango na lang ako at ngumiti. Lumapit sya saakin at sabi...
"Kuya nya ako kaya payag akong makipag best friend ka sa kanya at since nasa topic na tayo ng friends, gusto mo din ba makipag kaibigan?" sabay taas ng kamay para makipag shake hands... Tinanggap ko "Sige friends tayo:)" sabay ngiti hehe "Sige tara pasok na tayo para malaman natin ang condition ni Ella." sabi nya kaya sumunod na ako sa kanya.. "James anak....." sabi nung Mommy nila... Kinakabahan ako....

James' POV

"James anak....." sabi ni Mom kaya lumapit ako sakanya "Yes Mom?" sabi ko sabay yakap saakin "M-Mom?" sabi ko na umiiyak sya sa balikat ko... "M-Mom?! Anong nangyare?!" sabi ko kaya kumalas ang yakap nya saakin at magsasalita na sana sya kaso "Mrs. Gutierrez?" sabi ng nurse "Yes?" sabi ni Mom "Ready na po yung room nyo kaya ihahatid na po ng mga male nurses namin si Ella papunta sa room 101 second floor." sabi ng nurse kaya tumango na lang si Mom sabay sabi saakin "Mamaya na lang...." kaya lumapit na lang ako kay Aaron at sabi ko "Aakyat na tayo, sasama ka?" tumango na lang sya...

*Second Floor Room 101*

Nandito na kami sa Room 101 kaya lumapit ako kay Mom habang si Aaron ay pinaupo ko muna sa sofa kasi malaki laki naman ang room... Si Mom kasi ay nasa tabi ni Ella... "Mom?" sabi ko "James....." sabi nya kaya lumapit ako sa kanya at hinarap nya ako "James.... Nagka Amnesia si Ella....." sabay tulo ng luha si Mom "A-Amnesia?? Ibig sabihin h-hindi nya tayo m-makikilala o matatandaan?" sabi ko na nauutal... Tumango na lang si Mom kaya napatingin ako kay Ella at niyakap ko sya "Ella... Sana... Sana maalala mo kami.... Sana lang.... Please..." nahulog na ang mga luha ko habang nakayakap kay Ella... Nung natapos na ang pagiyak ko, hinawakan ko ang kamay ni Ella at hinalikan... Lumapit ako kay Aaron at tumabi sa kanya...

"Aaron?"

Aaron's POV

"Aaron?" sabi saakin ni James "Hmm?" sabi ko, tumingin ako sakanya habang pinatay ang cellphone ko... "S-Si Ella may Amnesia.... Hindi nya tayo makikilala..."
Ramdam ko ang pagtigil ng mundo ko nung narinig ko yun...

Hindi maaalala? Ako? Kami? Amnesia??

"Aaron!" sabi ni James kaya nawala na ako sa isipan ko "Sige lalabas lang ako, babalik naman ako... I just need time to take these words in...." sabi ko. Papalabas na ako ng narinig ko "Salamat.... Aaron.." sabi yun ng Mommy nya.... Weird...

Palabas na ako ng hospital dahil pupunta lang ako sa malapit na photo maker dahil ipapaprint ko yung isang picture namin ni Ella.... Kanina lang yun.... Pero feeling ko matagal na....

Nandito na ako sa shop at pinapaprint ko na yung picture... Tatlo ang ipinagawa ko dahil gusto ko ibigay yung isa kay James at yung isa saakin at yung natitira ay sa pag natatandaan nya na ako.... Sana...

Pabalik na ako ng hospital kaya bumili na rin ako ng snacks para sa Mommy at kuya ni Ella....

Nandito na ako sa Room 101 ng binigay ko yung snacks... Tinanggap naman nila..
Lumapit ako kay James at inabot yung picture... "O sayo na" sabi ko kaya napatingin sya saakin "Para saan?" sabi nya kaya sabi ko "Ilagay mo yan sa wallet mo at pag nakita yan ni Ella at tinanong kung sino yan--" pinigilan ako ni James "Oo na alam ko... Sige salamat..." sabi nya, binigay ko na rin sakanya ang number ko para maging in contact naman kami...

Umupo ako at nagiisip....

"Uhh.... James?" sabi ko kaya tumingin sya saaken "Baket?" sabi nya... "Hay... Bukas aalis kami papuntang America at hindi ko alam kung kailan kami babalik kaya... Hindi ko na makakausap si Ella for God knows how long.... Sana maikwento mo naman ako sakanya.... Kahit nung niligtas ko sya o kahit anong alam mo..." sabi ko na pangiti... "Teka teka... Aalis ka, papuntang America, bukas?!" sabi nya, tumango na lang ako "Sige... Magingat ka at promise ko sayo na ikukwento kita kay Ella..." nag pinkie promise kami kaya paalis na ako.....
"Teka lang Aaron..." sabi ng Mommy nya "Yes po?" sabi ko, papunta sya saakin at niyakap nya ako... "Salamat ha..... Anak ka talaga ni Kristy...." sabi nya.... Nanlaki ang mga mata ko kasi kilala nya si Mommy?! Ngumiti na lang sya at lumabas na ako "Ingat Aaron" rinig kong sabi ni James kaya napangiti ako.... "Hay.... Makauwi na nga..... I"ll miss you... Ella.." sabi ko sa sarili ko na naglalakad pauwi...

*End of Flashbacks*

----------------------------------------------
Hi!

Eto na yung last part ng flashback! Next chapter ay back to reality na! Hope you enjoyed!

Bye:)


You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon