Alex! Si Mike may kasuntukang mga lalaki!
Bigla siyang napabaling sa kaklase niya na bago lang dating. Pawisan ito at hindi pantay ang paghinga, halatang kagagaling lang nito sa pagtakbo, pero wala dito ang isip niya kung hindi sa sinabi nito.
Ha?! Nasaan? sinong mga damuho ba ang naghahanap ng gulo sa eskuwelahan nila? At bakit si Mike pa ang piniling mapagdiskitahan?
Naalala niya ng tumakas siya noong isang araw kasama si Mike at Srabrina. May nakaengkwentro silang mga basagulero mula sa ibang paaralan. Ayaw niyang isipin na ang mga ito nga ang nakikipagbugbugan kay Mike pero ng makarating sila sa likod ng paaralan, ay ang mga ito mismo ang nakita niya.
Oh my goodness, Alex tawagin na natin ang mga teachers para awatin sila! Nabubugbog na si Mike! hysterical na sabi nito.
Kayo ng tumawag sa teachers. Utos niya rito.
Ha? Anong gagawin mo?
Ano pa, eh di makikipagbasag ulo na rin.
Hindi pwedi baka mataman ka sa mukha!
Sige na Bri tawagin mo na ang mga guro. Tutulungan ko lang si Mike dahil kapag nagkataon, magiging lantang gulay na siya. Hindi na ito sumagot sa kanya at nagmamadaling tinawag ang mga guro.
Hoy! Mga basag ang ulo! Hindi ba kayo marunong makipaglaban ng patas? sigaw niya sa mga ito.
Alex, anong ginagawa mo? Umalis ka na rito!sigaw sa kanya ni Mike
Hindi siya nakinig dito bugkos ay lumapit pa siya sa mga ito. Apat ang kalaban nila, sinipa niya sa sikmura ang unang sumalubong sa kanya.
Nag-aaral siya ng tae kwon do kaya hindi mahirap sa kanya ang makipag-away sa mga ito. Sa isang iglap ay tatlo na ang naging kalaban niya.
Maganda ka sana miss, kung hindi mo sana kami kakalabanin baka mabigyan ka pa namin ng special treatment. Sabi ng lider ng mga ito na may nakakalokong ngiti.
Biglang nagsitayuan ang balahibo niya sa katawan. Mukha kasing shokoy ang itsura nito, brown version lang kamo.
Sorry na lang Dugong, pero ikaw ang mas kailangan ng treatment sa ating dalawa. ipa-Vicky Belo mo muna yang mukha mo. Tugon niya rito na mas lalong nakapagpainit ng ulo nito.
isa-isang sumugod ang mga ito at isa-isa niya ring pinatumba. Ang huli ay tinamaan ng full turn kick niya sa mukha. Tamang tama na nakita ng mga kadarating lang na mga guro ng paaralan nila.
Kung hindi ka man lang minamalas, at caught in the act pa ha. Sabi ni niya sa sarili.
Villegas!Sigaw ng principal nila sa kanya.
Ano na naman bang kabalastugan itong ginawa mo?
Sir makinig muna kayo,—
Sir ako po ang nakipagbugbugan sa kanila, tinulungan lang po ako ni Alex. Sansala naman ni Mike.
Tiningnan niya ito ng masama. Ang ayaw niya sa lahat ay iyong sinasagip siya sa sarili niyang kasalanan. Kung tutuusin hindi naman ito susugurin ng mga iyon kung hindi dahil sa ginawa niya.
Siya ang bumugbog sa lider ng mga ito. Nabastos kasi siya, sinabihan ba naman siyang mas bagay sila kaysa kay Mike. Tinangka pa siyang halikan nito. Palibhasa ay mukhang nakainom ang damuho kaya dumoble ang siga ng mokong.
Idagdag pang may gusto siya kay Mike.(-_-)#
Inaamin niyang hindi siya madaling paibigin, kaya naman pinapangalagaan niya ang pagkakaibigan nila. Walang siyang pinagsabihan na kahit na sino.
Sa office ko na kayo magpaliwanag. Kayo na ang bahala sa mga batang yan. Utos ng principal sa mga guwardiya at guro na kasama nito.
Sorry nahuli yata kami ng dating. Salubong sa kanila ni Sabrina.
Okey lang yun, eh kahit naman dumating kayo ng mas maaga sa principal’s office din naman ang bagsak ko.
Huwag ka na ngang masyadong negative Alex. May dahilan naman tayo para lumaban—aray!
Kinurot niya ang pasa nito sa braso.
Tingnan mo nga, nagkapasa ka pa. Sino ba namang mag-thi-think positive niyan, dalhin pa yan ng konsensiya ko.
Lumapit ito ng husto sa kanya. At tinutudtudyo pa siya. He pinched her cheeks as if to make her laugh. Hindi naman ito nagkamali sa pagpapatawa sa kanya. She let out a gentle laugh, hindi naman pweding bumunghalit siya ng tawa, baka ma turn-off pa ito sa kanya.
Ayan mas mabuti kapag ganyan ka. Hindi ka na kasi nagiging Alex kapag nakasimangot ka. Mas maganda ka pa namang tingnan kapag ngumingiti.
Parang lumobo ang puso niya sa narinig mula rito. Maganda daw siya kapag nakangiti. Hindi niya tuloy maiwasang kiligin.Pumasok na sila sa principal’s office habang naiwan naman si Sabrina sa hallway.
Hindi na ako magtataka kung bakit nandito ka na naman sa opisina ko Villegas pero ang makitang nasangkot ka pa dito Santaniel....mukhang kailangan ko na talagang tawagin ang mga magulang mo Alex. Matigas na sabi nito.
No! She can’t afford her parents to know about this. Lalung-lalo na ang ina niya. She can’t imagine the worst things that could happen to her.
Hindi siya malapit sa kanyang ina at parang ayaw din nito sa kanya. Ewan, karamihan na malapit ang mga anak sa kanilang ina pero hindi siya katulad ng mga ito. She was closer to her father, pero hindi din siya daddy’s girl. Hindi niya maintindihan pero mukhang malalim ang disgusto ng ina niya sa kanya.
Pwedi po bang huwag na lang ninyong sabihin sa kanila pangako ko po na hindi na po ito mauulit.
I’m sorry Alex, pero wala na akong magagawa. The longest I could give is three behavioural misconduct, and you already surpassed the number to ten.
Natahimik siya sa sinabi nito. Kung hindi pa nga nalalaman ng ina niya ang tungkol sa mga away niya sa eskuwelahan ay hinihigpitan na siya nito, paano pa kaya kapag nalaman nito ang nangyari sa araw na ito.
The least thing that I could do is to tell your parents it was just self-defense.
Wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang mga susunod na mangyayari.
oh mga santo sana tulungan niyo sa aking kalbaryo!!! >____<
BINABASA MO ANG
Chocolate Dilemma
HumorAno ba ang gusto niyo sa lalake? Matalino, gwapo, mabait, may appeal, oh yung makatulo laway? Ako, all of the above. Kaya lang hindi siya para sa akin. Kahit anong gawin ko, ipakulam ko man o gagamitan ng gayuma iba pa rin ang mahal niya. Saan kaya...