Chapter 13 Music club

8 0 1
                                    

Alex's POV

Ilang araw na ang nagdaan nang makausap ko si Mike. I just realized that I may have done the most stupid thing.

Ok maybe not the most stupid thing. I know I did worst things more than one time, but still katangahan ang gagawin kong to.

Tanga ka naman talaga, kaya hindi na bago yan. Anang isip ko. Loka loka to sumang-ayun pa sa'kin. Pero totoo naman, tanga naman talaga ako simula't sapol pa.

Pero...

Argghhh( >__<)#

nakakainis hindi ko maintindihan. Nakakalito, hindi ako sanay na nalilito ng ganito sa buhay. Sa math lang welcome yun...

"Hoy! anong nangyayri sayo? Bat' mo sinasabunutan ang sarili mo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Eleinah.

"Oh bakit may kuto ka ba? Kaya ganyan ka na lang maka," tiningnan ni Pretz ang ulo ko. "sabunot sa sarili mo?"

"Wala akong kuto ok. Nag-evecuate na sila lahat four years ago." Inis kong sagot sa kanila. Eh kasi naman ganito talaga ako kapag nalilito. Ginagawa kong mananangal ang sarili ko.

"Ewan ko sayo. Siya nga pala ok na ba lahat ng mga pinagawa ko sa inyo?" tanong ni Pretz.

"Opo ma'am nagawa ko na po." Sagot ko naman sa kanya.

"Ako rin tapos na para sa sound system. Ok na rin daw sila Zhiyan at Kath." sagot rin ni Eleinah

"Good mabuti na lang at natapos ang lahat ng preparations bago maghapon. Anong gusto niyong gawin ngayon guys?"

"Ewan ko ano bang magandang pampalipas ng oras?" ako

"Alam ko na tumambay na lang tayo sa clubroom namin. Tutal naman busy lahat ng mga members ko kaya wala tao dun ngayon." pag-anyaya naman ni Eleinah.

"Sure e text mo nalang yung iba na pumunto doon, may daraanan lang ako sandali mauna na lang kayo."

"Sure basta ba  magdala ka nang pagkain pagbalik mo." pahabol na sabi ni Eleinah.

Dumaan kami sa may likod ng school papunta sa clubroom. Walang masyadong tao roon maliban na lang sa Shaun na yun at ni Sabrina na nakatayo malapit sa green benches ng school.

Teka wait...ANO!

I walked backwards to see if my eyes were deceiving me. It turns out totoo pala ang nakita ko. Magkasama silang dalawa! And their FLIRTING!

Akala ko ba mahal ni Sabrina si Mike, bakit siya nakikipag smile diyan sa gwapong lalaking yan. Kung wala naman pala itong nararamdaman sana binigay na lang niya saakin si Mike. Eh hindi na sana ito nasaktan at nagpakiusap sa akin na tulungan siyang pagselosin ito. Ano nang gagawin ko nito? Mukhang hindi uubra ang plano ni Mike, nakamove-on na ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chocolate DilemmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon