Alex's POV
Anong sabi niya?
Ako? lalaki? Sa katawan kong to mukha akong lalake?
Wow ha hindi ko alam kong bulag ang isang yun oh duling. Sigurado akong nasa dalawa lang naman yun. At saka tama bang sabihing bakla ako? Humanda ka sa akin.
Lumabas ako ng locker room at pabalabag na binuksan ang pinto. Wala na akong pakialam kong masira ko yun, basta mapalabas ko lang ang galit ko sa mokong na yun.
Nang makita ko siyang naglalakad instincts took over at kinuha ko ang sapatos ko at inihagis sa direksyon niya. Hindi ako tinawag na number one pitcher sa team namin para sa wala. Kaya naman proud kong masasabi na natamaan ko siya sa ulo.
Hindi ko namalayan na may nakakita pala sa ginawa ko nang may narining akong simigaw.
"Ahh!!! that bitch just trow shoes to papa shauns ulo! Help 911!!"
Nang tiningnan ko kong sino yung sumisigaw I instantly rolled my eyes. Cecily was shouting while calling out for someone to help. Nakita ko rin si Sabrina na nakatingin sa akin at kay Shaun. Shock was written all over her face. Hindi ko alam kung bat' ganoon ang reaction niya, eh alam naman nito kung gaano siya ka brusko.
Nabaling ang atensyon ko kay Shaun nang bigla itong tumingin sa deriksyon ko. Hawak niya ang rubber shoes ko habang isang kamay naman niya ay naka kuyom sa gilid. At mukhang nagalit ito sa ginawa niya.
X___X ikaw ba naman ang batohin ng sapatos sa ulo hindi ka ba magagalit?
"Haha, tingnan mo nga naman ang oras. May--may pinapagawa pa la si coach sa akin. Sige una na ako."
Before I even started to run nakita ko na siyang nagsimulang tumakbo papunta sa direksyon ko. Wala na akong nagawa kung di....
"Alex! TAKBO!!!" sigaw sa saakin ng kung sino. Hindi ko na nakita, hindi na rin kailangan dahil yun naman ang plano ko.Nagsimula na akong tumakbo habang
.
.
.
.
>O< "WAAAHHHHH!!!"
Sa di kalayuan naririnig ko ang sigaw ni Shaun.
"HOY!! tumugil ka kung ayaw mong makatikim sa akin!!"
WAAHH!! Ano raw? kung ayaw ko siyang tikman?
Napahinto ko sa sinabi niya. Teka tama ba yung narinig ko? Sino ba namang babae ang ayaw nun diba?
Tumingin ako sa likod ko, wrong interpretation Alex, gumagana na naman yang pagiging greenminded mo. He was angry right now. Ayaw kong mahuli, baka ano pang gawin niya sa akin. Ayoko pa pang mamatay. Sa itsura niya kasi ngayon, parang papatay na siya ng tao.
Alam kong nagpromise na ako na hindi na ako sasali sa mga gulo. Pero hindi ko talaga kaya, mag-besties na yata kami ng gulo.
"Excuse me!!" sabi ko sa mga dumadaang estudyante. "Paraanin niyo ako!!"
Siya naman naririnig kong.. "Get the f*ck out of my way."
Hala ang sama talaga nang ugali ng isang to. Gwapo nga antipatiko at walang galang naman. Hello? Mahirap bang magsabi ng excuse me? Two words lang nga yun hindi pa magawa, kailangan pang gumamit ng explicit words?
Hindi ko alam pero mukhang na takbo na namin ang buong school. Saan ba ako pupunta nito malapit na niya akong mahabol...
lumiko ako sa isang alley papunta sa pool side, tumtakbo na ako sa gilid ng pool ng tumingin ako sa likod. AAhhhh!! ang lapit na niya! >.<
"Halika ka dito!" sabi niya saka hinawakan ang kaliwang braso ko. Sa malas ko nadulas ako at pareho kaming nahulog sa pool.
"Ano ba!" sigaw ko sa kanya. Ayan tuloy.
"Kasalan mo to, bat' mo ba kasi ako binato ng sapatos?!"
"Sino ba namang hindi mambabato dahil sa sinabi mo? Hoy for your information 100% akong babae. Kahit ipa blood test mo pa o physical examination mo pa ako. Babaeng babae ako!"
"Eh bakit ang bilis mong tumakbo, parang kang lalake."
"Bakit? Lalake lang ba ang mabilis tumakbo?"
"Bakit ang flat ng dibdib mo?"
"Anong sabi mo?"
"Bakit ang flat ng dibdib mo?"
Argh!!! nakakainins! Antipatiko na nga ang pervert pa! kailangan ba talagang ulitin?
malamang tinanong mo eh.
Nauna na akong lumabas ng pool, baka ano pa kasi ang masabi ko sa mokong na ito.
Aalis na sana ako. Pero me being me, hindi ako aalis nang hindi sa akin nagtatapos ang huling salita.
"Hindi lahat ng babae gifted ang hinaharap. Kagaya din ng ibang mga lalake may pagkukulang sa katawan, If I know maliit din yang alaga mo!"
Nakatutok lang siya sa akin. Hindi ko alam kong na amused siya o naiinis sa sinabi ko. Hindi ko kasi maintindihan ang itsura niya, Ang gulo dagdagan pang wet look siya. Urgh!! >_< kakainis talaga ang unfair ng world.
Shaun's POV
Hindi ko alam kung katigasan ng ulo o gusto ko talaga ang babaeng yun. Sabrina. Pagkatapos nang nangyari sa Baguio tiningnan ko agad ang facebook account niya. Couple of months later na convince ko ang parents ko na lumipat sa eskuwelahan nila.
Sinuwerte yata ako dahil sa unang araw pa lang ay nakita ko na siya. Pero dun lang pala natatapos ang swerte ko sa araw na to. Nang in-intoduce ako ng coach ng baseball team sa "Sports representative nila." Noong una akala ko na lalaki pero nang makita ko na siya nagulat ako.
The representative was a girl. Alam kong babae siya, hindi naman ako bobo para hindi malaman yun sa isang tingin. Pero sa pananamit niya mukhang tomboy ang isang to. baka ma-offend kung sasabihin kong babae siya kaya sinabi kong lalaki siya. Pero iba ang nasabi ko.
And her way of fighting back was throwing her shoe at me. Lalapitan ko lang naman siya at tatanungin kong bakit niya ako binato ng sapatos, pero bigla na lang itong tumakbo. Next thing I know hinahabol ko na siya at ngayon ay pinagkakamalan niyang maliit ang alaga ko.
Anong akala nito? Hindi niya ito papatulan? kung gusto niya nang ebidensiya na mali ang sinasabi nito, hindi siya aatras kami lang naman ang nandidito.
Nang tiningnan ko siya, hindi ako makamagsalita. Lahat yata nang gusto kong sabihin nabarado sa lalamunan ko. Dahil basa ang uniform niya nabakat ito at nakdikit sa katawan iyan. And dammit! Ang ganda nang katawan niya. Nakikita ko din ang bra niya, yes she has a small chest pero hindi hadlang iyon para mabawasan ang magandang hubog ng katawan niya.
Hindi ako naninilip. Dapat alam niya na makikita ang underwear niya kapag nabasa ng uniform niya. Lalaki ako kaya wag ninyo akong husgahan.
"ALEXANDRA!" Sigaw ng kung sino.
MAbuti na lang at may dumating. Baka kung saan pa mapunta ang pag-iisip kong to.
"kayong dalawa in my office NOW!!"sigaw ulit ng bagong dating.
X__X" unang araw pa nga, ito agad ang nadatnan ko. Ano na kaya ang mangyayri sa isang taon?
BINABASA MO ANG
Chocolate Dilemma
HumorAno ba ang gusto niyo sa lalake? Matalino, gwapo, mabait, may appeal, oh yung makatulo laway? Ako, all of the above. Kaya lang hindi siya para sa akin. Kahit anong gawin ko, ipakulam ko man o gagamitan ng gayuma iba pa rin ang mahal niya. Saan kaya...