Alex' POV
Kung may magtatanong man kung nasaan ako ngayon, nasa principals office na naman po ako. Pagkatapos kung sabihin ang mga huling salita ko sa lalaking yun, imbes na magwalk out na ako para makompleto ang drama ko bigla naman dumating ang principal kasama ang retainer ng pool sa school.
Nakakaimbyerna nga eh, akala ko hindi ako mapapagalitan dahil hindi ko naman kasalan na nahulog kami sa pool. Kung hindi ako hinatak ng Shaun na yun edi sana hindi kami nabasa. Wala pa naman akong dalang extra underwear kaya kahit na nagpalit na ako sa PE uniform ko ay nalalamigan pa rin ako. Idadag pang parang sa 100 yata nilagay yung aircon. Ang lakas lakas naman kasi naka-tsinelas pa naman ako. At ito naman lalaki sa tabi ko akala mo kung sinong model na hinubad ang uniform niya na pang itaas. Pero infairness sa kanya hindi ko man lang siya kinakitaan ng pagkaginaw. Makapal yata ang ang kubal ng isang to. Na schock nga ako nang pumasuk ito sa principals office kanina. Para kasing biglang nag slow mow ang world ko pagpasok niya. Para ding may flashing lights na mula sa camera na parang sinasabi ng aura niya yeah i'm so cool wanna touch my abs? kung hindi nga ako natauhan baka ginawa ko na talaga yun.
Hay naku Alex kahit kailan talaga umaandar yang pagiging green mo.
"Alex, alam mo naman siguro ang rules dito sa paaralan. Hindi kayo dapat nagbabad dun sa swimming pool. Lalo na at kayong dalawa lang." pangangaral ng principal sa akin.
"Eh hindi ko naman po kasalanan kung bakit po kami napunta sa pool. Kung hindi po ako hinatak ng lalaking ito." sabay turo ko sa damuho, na hindi kumukibo kanina pa. Parang wala lang yatang nangyari para sa kanya. "Hindi po kami mahuhulog dun sa pool." Totoo naman ah, ito naman talaga ang may dahilan kung bakit kami nagtampisaw sa pool.
"I was just trying to stop her." sa wakas at nagsalita din si mr. Shaun. Akala ko nga ako lang magsasalita dito hanngang gumabi.
"Bakit ano ba ang nangyari at mukhang binulabog niyo ang buong eskuwelahan sa paghahabulan niyo." seryosong tanong ng principal.
"She hit me with her shoe." tipid niyang sagot habang nakatingin sa akin.
"Bagay lang yun sayo." Aba palaban ako pero hindi ibig sabihin nun na hindi na ako masasaktan sa mga sinsabi ng mga tao sa akin. May puso naman ako kahit paminsan-minsan.
"Ano ba kasi ang ginawa mo Mr. Vincent?" pang uusisa ng principal.
"Sinabihan niya po ako na retokadang bakla, kaya po ako nagmukhang babae ngayun." ako na ang sumagot, kasi baka ito pa ang magmukhang kaawa-awa saming dalawa. At dahil marami na akong records dito, dapat ay mag-ingat na ako kung gusto kung grumaduate na honor student.
"That's not exactly what I said." agad nitong segunda sa sinabi ko.
"Ano ngayon kung hindi yun eksakto sa sinabi mo? Eh yun din naman ang implication nun diba?" unless mali ang pagkakarinig ko. May pagka bingi pa naman ang magaganda. ^u^
"What I said was, I was just stating how amazing science was. Dahil maayos ang ginawa ng puberty sayo." He said nonchalantly effectively defensing himself. But I did not miss the mischevious smirk he gave me before his expression changed as he faced the principal.
BINABASA MO ANG
Chocolate Dilemma
ComédieAno ba ang gusto niyo sa lalake? Matalino, gwapo, mabait, may appeal, oh yung makatulo laway? Ako, all of the above. Kaya lang hindi siya para sa akin. Kahit anong gawin ko, ipakulam ko man o gagamitan ng gayuma iba pa rin ang mahal niya. Saan kaya...