lunch time na ngayon at nandito kaming lima sa green benches. Ito yong pinakagusto naming tambayan sa mga oras na ito. It was under a tree which a gave a little bit of privacy. Malapit din ito mula sa mga court ng school kaya makikita mula dito ang mga naglalarong mga estudyante.
"Wait so you mean to say na kilala mo ang bagong student?" pagkukmpirma ni Kath
"Kaya nga sabi ko---"
"Kaya nga sabi ni Alex kanina diba. Siya yung lalakeng aksidente niyang nadaganan sa Baguio noon. Sinuntok pa nga niya yun eh." Sabat naman ni Eleinah
"So may past na kayo ganoon?' Pretz
"Hindi sa---"
"Hindi naman, una pa lang nilang pagkikita yun." Si Eleinah ulit.
"Alam ba niya na ikaw yung sumuntok sa kanya noon?" Zhyian
Naikwento sa kanila ang mga nangyari noon sa Baguio. Mga tsismosa din kasi ang mga ito. Nasabi lang ni Eleinah na kilala niya yung bagong estudyante, ayun parang mga bubuyog naman ang iba sa pagtatanong.
Wala akong maisagot sa tanong ni Zhyian. Hindi ko naman alam kung nakilala ako ng lalaking yun. Sa dami ng suntok na natikman niya sa akin baka nagka-amnesia na yun.
"Hindi ko alam. Oo nga Alex nakita ba ni Shuan ang mukha mo?" Eleinah
"Ewan ko. Malay ko ba dun. Mas ok na kung hindi niya ako nakilala, baka ano gawin sa akin nun. Isang tingin lang sa lalaking yun alam ko na na masama ang ugali ng isang yun."
"Grabe ka naman, baka naman may ipagmamalaki naman talaga si Shaun." Kat
"Ano naman? Yang pagmumukha niya?" Ako
"Sino ba naman ang hindi magiging proud sa mukha na yun? Ang gwapo niya kaya." Eleinah
"Akala ko ba meron ka nang sayo?"Zhyian
"Hindi ba pweding e-admire ang kagwapohan ng isang tao?" Eleinah "At saka malabo na din na magkita na kami."
"Sige na ok na, gwapo na si Shaun. Ano naman ngayon?" Ako
"Tange ka ba? Chance mo na para magkaroon ng love life." Pretz
"Tss =__=" ako
"Fine, maiba na nga lang tayo, Alex malapit na ang sports fest. Ok na ba ang lahat ng equipment?" Pretz
"Oo ok na yun. Matanong ko nga bat' ba ako inutusan mo nun eh may mga galamay ka naman para doon." Ako
"Full na hands nila eh kaya ikaw na lang in-ask ko. Tutal close ka naman sa mga coaches sa school kaya less hassle kong ikaw ang mag-hahandle sa equipments."
Nagtataka siguro kayo. Si Pretz ang president ng whole school namin, at next week na ang sports festival. Intramurals kung baga pero by section ang competition. May sampung section sa bawat year level. At para maging fair ang laban isang section sa bawat year level ang e-ti-team by lottery method. At dahil ako ang team captain ng softball club, ako daw ang perfect sa job.
"Wag ka nang magreklamo Alex hindi lang naman ikaw ang inutusan nitong si Prtez, kami rin nadamay." kath
"Oo nga, ako inutusan niya para sa sound system. SI Zhyian sa manual labor, alam mo na lakas kasi tama ng mga lalaki dito eh."Eleinah
"Oi hindi ah, mabait lang talaga sila sa akin." Zhyian
"Hmm, pahumble pa eh kitang-kita naman na may gusto sayo yung mga loko na yun." Eleinah.
"Ako din marami din akong ginagawa nu. Ako kaya sa lahat ng paperworks at paghandle sa team natin."
"Oo na, grabe naman kayo kung makapag-react." Ako
Ding Dong
"O ayan bell na kita na lang tayo mamaya." Pretz
Nagsialisan na kaming lahat. kanya kanya na kasi kami ng trabaho. Isang linggo na lang kasi at sports fest na kaya wala kaming klase pagkatapos ng tanghali. Lahat kami nagtutulungan well almost... and speaking off.
"Hay nako ang lalandi talaga." naglalakad ako patungo sa club room ng softball team nang makita ko ang grupo nina Sabrina. Kasama na naman niya ang mga "Kaibigan" niya at naglalandi kay Shaun. "Wala na talagang ipinagbago."
Hindi na lang niya pinansin, baka tawagin pa siya at gawing tampulan. Stress pa naman siya sa mga trabahong pinaggagawa niya.
"Oi Alex! Halika may ipapakilala ako sayong bagong member ng team."
"Coach? sino naman po? Sa boys team ba yan or sa amin?"
"Sa boys team."
"Eh kung ganoon coach kang Blake niyo nalang po siya ipakilala tutal siya naman po ang captain ng boys team."
"Kahit na ikaw ang representative namin sa whole school kaya mabuti nang makilala ka niya para may matanong siyang iba kung wala si Blake. At saka nagkakilala na naman sila kanina kaya ok na."
"Kayo lang naman po ang naglagay sa akin sa posisyon na iyon, hindi naman po kinailangan ." =__=
"Abat dapat kang magpasalamat sa akin."
"At bakit naman?"
"Dahil binigyan kita ng mataas na posisyon. At dahil doon hinahangaan ka ng mga team mates mo!"
"Hindi ko naman po kailangan yun, hanga naman talaga sila saakin kahit noon pa." -___-"
"H--hindi lang yun, may pandagdag ka pang posisyon para sa extra curricular mo!"
"Hindi naman po yun kasali kasi wala yun sa listahan ng credited na posisyon para extra curricular." n__n (sarcastic smile)
"A---at pinaganda mo ang buhay ng mga players kasi nandiyan ka sa posisyon mo." Proud pa ni coach na sabi. May matching turo pa saakin.
"Buhay niyo lang naman po ang gumanda dahil sa paggawa niyo sa aking PA niyo." Totoo naman eh, mga utos lang naman niya ang job description ng posisyon ko daw. "Palibahasa busy sa pagpapakinis ng ulo niyang kalbo. Nilalagyan pa ata ng floorwax."
"Anong sabi mo? Sinong nagpapakinis?"
Ay narining pala ako. "Wala coach sabi, ko gwapo niyo kahit kalbo." "kaya lapitin kayo sa mga unggoy."
"Anong sabi mo?!"
Ay ang bibig ko talaga ang lakas magsalita. "Wala po akong sinabi coach, baka nabibingi lang po kayo."
"Bahala ka na nga. O heto na pala ang bagong member." tiningnan niya ang taong bagong dating mula sa likuran ko. "Sana inagahan mo ang pagpunta rito, kumukulo dugo ko pag nakakausap ko ang Ang Alex na 'to. O siya Alex Ikaw na bahala sa kanya. E tour mo yan para hindi na magtanong, maiwan ko na kayo."
Nang lumabas na si coach saka naman ako tumingin sa bagong dating. At....
Fireworks
drum roll
malaking alon
Scream na painting....
Si Shaun lang naman ang nasa harap ko. Titig na titig ang loko saakin siguro nagagandahan siya sa akin.
Teka ka nga Alex focus. May nabibighani bang nakakunot ang nuo at malalim ang iniisip?
Lagot baka alam na niya! Nahuli na ako! Dali nasaan ang exit hanap hanap. Puta nasa likod niya ang pinto. Wag kang mawalan ng pag-asa alex there is always a way. If God closes a door he opens a window. TAMA! window!
Tatakbo na sana ako papunta sa binta ng magsalita ito.
"Ikaw ang captain ng team?"
"Oo." mahina kong sagot.
Tiningnan niya ako muka ulo hangang paa. Hindi ko alan kung alin ang nakakagulat. Ang malamang pang miss universe ang ganda ko o ang sunod niyang sinabi.
"Amazing what science can do. Hindi ko alam na nagagawa na palang mas mukhang babae ang mga lalake ngayon. Tss gay people."
Yun lang at nag walk out na siya....
BINABASA MO ANG
Chocolate Dilemma
HumorAno ba ang gusto niyo sa lalake? Matalino, gwapo, mabait, may appeal, oh yung makatulo laway? Ako, all of the above. Kaya lang hindi siya para sa akin. Kahit anong gawin ko, ipakulam ko man o gagamitan ng gayuma iba pa rin ang mahal niya. Saan kaya...