Shaun's POV
Kung minamalas ka nga naman...
Kailan pa ba ako naging bodygaurd? Kung hindi lang talaga niya kaibigan si Keiro hindi niya talaga ito sasamahan sa pang-aakyat ng ligaw.
Kasalukuyan siyang naglalakad mag-isa sa gubat na iyon. Ayaw naman niyang maging third wheele sa panliligaw ng kaibigan niya. Kaya eto siya ngayon nangangatog sa lamig at nag-iisang naglalakad sa madilim na parte ng gubat.
Biglang sumagi sa isip niya ang ex niya, Kaya naman mainit na naman ulo niya.
Buwisit talaga, akalain mo bang pinaglalaruan lang pala ako ng ex ko. May boyfriend na pala ito at ang arch enemy niya pa talaga. Pinagmukha siyang tanga ng mga gago. Palibhasa kasi ingit ito sa kanya. Bakit? Kasalanan ba niyang ipinanganak siyang gwapo, mayaman at matalino pa? Tsk =___=
"Hay naku naman, matatagalan pa ba ang isang yun?"
Nababagot na siya sa kakalakad kaya naupo siya sa damuhan. Nabobored na siya, wala bang intresting sa lugar na to?
At parang sinagot siya ng langit... *boink*
-.-
Nahulugan siya ng sanga...
"Anak ng, ang sakit nun ah! Sinong damuho ba ang may gawa nun?"
Tumingala siya sa punong kinauupuan niya.... T___T
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Mananangal?
*dugdug dugdug dugdug* >.<
Kumalma ka lang Shaun, lalaki ka diba? hindi ka dapat natatakot sa mga ganyan.
Hingang malalim...
Hu Ha Hu Ha ulit ulit niya at tumingin ulit sa itaas.
Tinitigan niya ng mabuti ulit ang creature na nasa itaas ng puno. Mataas at magulo ang buhok. Nakajacket at pants. Hindi naman siguro mananangal ito.
Sa tulong ng liwanag ng buwan, nakita niya kahit papano ang mukha nito. Isang babae... pero anong ginagawa nito doon?
"Hoy!!" sigaw niya rito.
Sana hindi na lang niya sinigawan.... T.T yan tuloy
"Aaaahhhh!!!"
*Kabogsh!!!
"Putangina! argh!" ang sakit ng katawan niya. Grabe nang impact ng pagkahulog ng babaeng to.
"Ahhhh!!" Sh#t ang ingay ng babaeng ito. Tapos ng mahulog nag-iingay pa rin.
"Tumahimik ka nga! Ang ingay ingay mo." Mababasag ang ulo ko nito eh.
Bigla itong tumahimik at tinignan ang didib nito, tumingin din siya dahil nacurious din siya.
oh sh#t -___-"
"Aahhh!! Bastos!"
Hindi ko naman sinasadya ang nangyari witness naman kayo diba. Ako ang nadisgrasya dito. Malay ko bang nakapatong pala ang isang kamay ko sa dibdib niya?
BINABASA MO ANG
Chocolate Dilemma
HumorAno ba ang gusto niyo sa lalake? Matalino, gwapo, mabait, may appeal, oh yung makatulo laway? Ako, all of the above. Kaya lang hindi siya para sa akin. Kahit anong gawin ko, ipakulam ko man o gagamitan ng gayuma iba pa rin ang mahal niya. Saan kaya...