Sunday Lecture
Title: Nabubuhay na Walang Takot
(Living Without Fear)
John 15:5
"I am the vine; you are the branches. If you remain in me and I in you, you will bear much fruit; apart from me you can do nothing."
"Ako ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin at ako sa kanya ay mamumunga ng sagana. Sapagkat hiwalay sa akin, wala kayong magagawa."
Kapag ang isang tao ay namumuhay nang hiwalay sa Diyos, hindi lang siya nagiging mahina, kundi nawawala rin siya sa ilalim ng proteksyon o covering ng Panginoon.
Sabi nga:
"Ang taong walang takot kay Lord, malayo ang covering ng Diyos."
At kapag wala tayong takot o paggalang sa Diyos, maraming hindi magagandang bunga ang lumalabas sa ating buhay.
Resulta ng Buhay na Walang Takot sa Diyos:
1. Madaling Magamit ng Kaaway
1 Peter 5:8
"Humanda kayo at magbantay. Ang diyablo na kaaway niyo ay parang leong umaatungal at aali-aligid na humahanap ng masisila."
Kapag hindi tayo konektado sa Diyos, nagiging vulnerable tayo. Parang open target ka ng kaaway (si Satanas). Isa sa mga unang ina-atake ng kaaway ay attitude natin—lalo na ang pride at pagiging judgmental.
• Nagkakaroon ng Pride
Ang pride ay isa sa pinaka-dangerous na attitude. Hindi ka nito inaangat, bagkus, ito ang humihila sa'yo pababa.
"Ang taong may pride, hindi mabibigyan ng potential."
Totoo 'yan, base na rin sa personal experience ko. Kunwari, nag-away kayo ng kaibigan mo. Pero dahil pareho kayong may pride, walang gustong magpakumbaba. Ang ending? Hindi kayo nagkakabati. So paano kung siya lang pala ang best friend mo? Kawawa ka rin diba?
Kaya always choose humility. Sabi nga ng iba, "Better to lose the argument than to lose the person."
• Nagiging Judgmental
Isa rin sa mga ginagamit ng kaaway ay ang pagiging judgmental.
Kung lagi nating pinupuna ang iba, parang sinasabi nating tayo ang tama at sila ang mali—lagi. Pero tanungin natin ang sarili natin: Perfect ba tayo?
"Kung ikaw ay perfect, sige judge mo na pati si Lord."
Pero hindi eh. Lahat tayo may kasalanan. Kaya instead na maging mapanghusga, mas piliin natin ang pag-unawa at pagmamahal.
"Look in the mirror before you judge someone else."
2. Maraming Dahilan
Kapag wala tayong takot sa Diyos, ang isa pang bunga nito ay puro palusot. Ayaw nating maglingkod, ayaw magbasa ng Bible, ayaw magdasal—laging may excuse.
Mga Halimbawa:
"Pagod ako.""Wala akong time.""Oo ngayon, pero next time na lang ulit."
Pero tandaan:
"Kapag inuna mo ang Lord, uunahin ka rin Niya."
Luke 14:18-20
"But they all alike began to make excuses..."
Sa talatang ito, inanyayahan silang dumalo sa handaan pero may kanya-kanyang dahilan: may binili, may business, may asawa, etc.
Pamilyar ba? Ganito rin tayo minsan kay Lord. Imbitado tayo sa presence Niya, pero ang dami nating dahilan.
Reality check:
Sino ang nagbibigay ng lakas?Sino ang nagpapahaba ng buhay?
Si Lord. Pero Siya pa ang pinaka-na-iisnab natin. Sana magbago na tayo.
3. Hindi Naghahanap sa Diyos
Deuteronomy 32:15
"Jeshurun grew fat and kicked... They abandoned the God who made them and rejected the Rock their Savior."
Kapag naging "comfortable" na tayo sa buhay, madalas nating nakakalimutan ang Diyos. Busy sa trabaho, negosyo, relasyon, o hobbies. Pero...
"Binigyan ka ng Lord ng buhay, ibig sabihin busy din Siya sa'yo."
So bakit wala tayong time sa Kanya?
Ang ending, nagiging alipin tayo ng maraming bagay:
GadgetsSocial mediaTrabahoLove life
Pero kapatid, tandaan mo:
"Unahin mo ang Lord at uunahin ka rin Niya."
Challenge & Reflection
KAPATID, WALA NANG DAHILAN PARA IPAGPALIT ANG LORD.
Hindi habang buhay ganito na lang tayo. Hindi habang buhay may second chance. Huwag na nating antayin pa na mawala ang lahat bago natin Siya balikan.
"MAGPALALIM TAYO SA LORD."
Ipalinis natin ang puso natin.Magpakumbaba tayo.Ibalik natin ang takot at paggalang sa Diyos.
Let's love God.
Let's serve Him.
Let's live a life na hindi natin ikahihiya sa Kanya.
Final Reminder:
"Apart from Me, you can do nothing." – John 15:5
Kung gusto mong mabuhay na may direksyon, may tunay na tagumpay, at walang takot—manatili ka sa Diyos.
BINABASA MO ANG
God's Word and Lecture
SpiritualHighest rating: #1 disclaimer: book cover template not mine. credits to the real owner po. Dear Reader, Before you turn to open this book, pause for a moment and ask yourself: "Am I living a life of purpose? Am I making choices that lead me closer...
