Lecture 3

4.3K 72 8
                                        

Sunday Lecture

Title: ANG MAMUHAY NG MAY KABANALAN

(Living a Life of Holiness)

Introduction:

Ang pagiging born again ay hindi lang basta isang label. Ito ay isang bagong buhay—isang buhay na binago ng Diyos spiritually, at ang layunin nito ay mamuhay ng may kabanalan.

Ephesians 1:4 (NIV)

"For He chose us in Him before the creation of the world to be holy and blameless in His sight. In love..."

Tagalog:

"Sapagkat pinili niya tayo bago pa lalangin ang sanlibutan upang tayo'y maging banal at walang kapintasan sa harap niya, sa pamamagitan ng pag-ibig."

Kapag in love ka kay Lord...

Kapag talagang mahal mo si Lord, walang malayo, walang mahirap.
Kahit saan, pupunta ka para lang marinig ang Kanyang salita.

Mag-desire ka sa Diyos, at bibigyan ka Niya ng higit pa sa inaakala mo.Pero ingat—kita ng kaaway ang ginagawa mo.Kapag gumagawa ka ng masama, tuwang-tuwa si Satanas dahil nahahatak ka niya palayo kay Lord.Tandaan mo: Walang "blackout" sa langit.Nakikita ng Diyos lahat ng ginagawa mo, kahit pa itinatago mo ito sa ibang tao.

Huwag maging tagapagdulot ng pagkakahiwalay, kundi tagapamagitan.

Kung may nagka-away, huwag agad kumampi sa unang nagsumbong.Alamin ang buong kwento at sikaping magkaayos ang dalawang panig.That's part of living in holiness—peace-maker ka, hindi taga-sulsol.

Point 1: Gawin Nating Tagumpay ang Kabanalan

Sa Diyos, ang tunay na "victory" ay kabanalan, hindi kayamanan o katanyagan.

Mga Matitinding Kalaban ng Kristiyanong Banal:

GadgetsCareer / Trabaho

These things are not bad in themselves, but when they take the place of God in your life—yan ang delikado.

Ang Kristiyano ay Palaban sa Kasalanan.

Hindi siya sumasabay sa agos ng mundo.Hindi siya natutulog sa gitna ng spiritual battle.

James 4:7
"Resist the devil and he will flee from you."

Kapag may trials—magpasalamat ka.

Biyaya 'yan!Doon hinuhubog ang spiritual life mo.Doon ka lumalalim kay Lord.

Walang Kristiyanong talunan.
Kung kay Lord ka, winner ka—hindi sa paningin ng mundo, kundi sa paningin ng langit.

Kapag ang desire mo ay puro sa mundo...

"Ikaw ang pinakanakakaawang nilalang sa balat ng lupa."

Because you're living for temporary things.Remember: Heaven is our home.

Ang Sunday ay Para Kay Lord

Lunes hanggang Sabado sa'yo na—pero ang Sunday, sa Kanya.Minsan lang nga ang 3 hours sa church, ayaw mo pa?Isa pa 'yan sa utos ng Diyos: "Remember the Sabbath day."

Reality Check:
Ang dahilan ng maraming tao kung bakit ayaw magsimba ay ayaw talaga nila.

"May bisita kasi ako..."
Eh paano kung si Lord ang dumating? Handa ka ba?

Paano mo masasabing mahal mo ang Diyos...?

Kung hindi mo mahal ang mga tao sa paligid mo?

Love them. Pray for them. Forgive them.
Kasi sabi ni Jesus:
"Whatever you did for one of the least of these, you did it for Me." (Matthew 25:40)

Ang pag-ibig ng Diyos, walang kapantay.

Hindi kayang sukatin.Hindi kayang ipaliwanag.Pero kayang maranasan ng kahit sino na lumalapit sa Kanya.

TANDA NG TUNAY NA KABANALAN:

a. Hindi nabubuhay sa pandaraya
b. Galit sa kasalanan – Kinamumuhian ang masama, hindi kinukunsinti.

Point 2: Pagtibayin ang Iyong Commitment Kay Lord sa Araw-araw na Disiplina

Malachi 3:17

"Sila'y magiging akin," sabi ni Yahweh. "Sa araw na ako'y kumilos, lubusan silang magiging akin. Kaaawaan ko sila tulad ng pagkalinga ng isang ama sa anak na naglilingkod sa kanya."

Discipline yourself sa prayer, Word of God, at spiritual growth.Hindi araw-araw ay "feel good"—pero araw-araw dapat committed.Ang Kristiyano ay masayahin.Learn to laugh at your problems and trust God.

Point 3: Hilingin sa Banal na Espiritu na Tumulong Sa'yo Mamuhay ng Banal

Romans 8:29

"Sapagkat sa mula't mula pa'y alam na ng Diyos kung sino ang sa kanya; ang mga ito'y itinalaga niyang maging tulad ng kanyang Anak..."

Hindi natin kayang mamuhay ng banal sa sarili nating lakas.Pero sa tulong ng Holy Spirit, kaya nating mamuhay ayon sa gusto ng Diyos.

Conclusion:

"Ibigin natin ang Diyos."

Hindi lang sa salita.Hindi lang tuwing may problema.Kundi araw-araw, sa gawa at sa puso.

Mamuhay ka nang may kabanalan.
Hindi para sa tao, kundi para sa Diyos.

Let your life be a message. Let your walk speak louder than your words.

God's Word and LectureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon