40-Threat

3.9K 66 19
                                    


...


" Mom, im so excited ,first day of class"  zeke keeps on repeating this kanina pa. Im driving now at si Sarah katabi ni Zeke . Di pwedeng di ako kasama sa paghatid sa kanya. Zeke at age 4 ay kindergarten na . He  passed the exam with flying colors kaya imbes na sa nursey, the teachers decided to let Zeke be enrolled in kinder. Henyo ata talaga tong anak ko.


" obvious na obvious kaya. Di ka ata nakatulog" tukso ko dito.


" Matt, im just super excited nuh." sabi nito. Nakangiti lang si Sarah sa amin.


" zeke" si Sarah


" yes mommy?"


" yung mga bilin ko sa yo ha"


" opo. First-  i cannot talk to strangers, well except my classmates and teachers.

Second - Di ako sasama kahit na kanino, ang pwede lang sumundo sa akin are Matt, you, ate Pat, Lolo and mommy La. And lastly, my cellphone will always be with me." diretsong sagot nito


" Very good. And, please wag na wag makikipag away ha"


" Yes mommy!! but its ok to eat junkfoods right?"


"Twice a week will do" sagot ni Sarah


" Mommyy??? why? other kids eat junkfoods everyday"


" except you...."


Tumingin pa ito sa akin na para bang  humihingi ng saklolo. I looked at him and winked, alam na nito ang sagot ko. Pero, nakita ito ni Sarah


" Kayong dalawa , stop it. .Twice a week ka lang pwedeng mag junkfoods. I will be the one preparing all your meals Zeke, and of course di ka pa pwedeng mag dala ng money kasi ang baby mo pa..ok?"


" yeah mom" malungkot na sabi nito. Tumingin na lang ito sa labas ng bintana.


Sa amin dalawa ni Sarah, masasabi kong sya talaga ang disciplinarian. Strict ito at talagang takot dito si Zeke. Pero, mama's boy naman masyado ang bata. Ako ang kunsintidor. I just wanted to give him everything kasi kaya ko naman .


" Ok we're here" anunsyo ko.


Bumabang malungkot si Zeke kasabay ng yaya Pat nito. Si Sarah naman at ako halos sabay na

bumaba. Napansin siguro ni Sarah ang biglang pagtamlay nito.


" baby"


" Po?"


" Halika nga dito. ." lumapit ito. Lumuhod naman si Sarah at pinaliguan ito ng halik.


" Mmmm ..i love you .. i love you... i love you so so much. . Wag na  magtampo kay mommy oh.. . Ma sasad ako ng sobra ." nakapout pang sabi ni Sarah . Unti unti namang ngumiti si Zeke, at sa isang iglap, nakayakap na ito kay Sarah.

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon