43- number two

4.8K 78 38
                                    


....


" mommy, wala na akong milk , kinakain mo kasi lahat" 



tinitigan ko lang ang nagmamaktol kong anak. Ang damot naman nito.



" Zeke, konti lang naman ang kinuha ko .. tsaka, madami ka pang gatas nuh, ang your dad can buy you lots and lots of milk. Ok?"



" pero mommy, ang takaw mo sa milk ko . Look at the container, konti na lang."



" dont worry i'll buy you milk later"



" ok.. pero mom, how does milk taste on bread?on rice? on fruits?and on fried chicken???" 



Napanganga ako sa sinabi nito. Was he just observing me?



" ahmm." napaisip tuloy ako ng isasagot dito.



" i saw you eat milk with those foods. Tapos po, parang ang sarap,but when i told yaya Pat to put my powdered milk on my rice, it doesnt taste good. And milk on fried chicken???eeeeiiwww" parang diring diri naman ito,, kung makareact -wagas. May palabas labas pa ng dila habang kinikilabutan. Ang sarap kaya nun!



" Zeke, ba't mo ba ginaya ang kinain ko?" tanong ko dito. Mangagaya ng trip tong anak ko, tapos di naman pala keri.



" kasi, parang masarap, pero not naman pala. Dont eat fried chicken with milk mom, its not delicious"  Nasa ganun kaming pag uusap ng dumating si Matteo.



" hey, you two, mukhang seryosong usapan yan ah?" he then kissed me on my forehead and carried Zeke sabay halik dito. 



" Daddy, si mommy inuubos ang milk ko. Let's buy now, wala na akong iinumin mamaya" sumbong nito kay Matt. Tumaas naman ang kilay ni matt sa akin na para bang nagtatanong?



" at saka daddy, si mommy kain ng kain ng milk , tapos isasama pa nya sa rice and sa fried chicken" zeke continued. Nanlaki ang mga mata ni Matteo sa sinabi ni Zeke.



" Milk with rice, acceptable pa yan.. pero Fried Chicken???? Lovey naman, kelan mo pa naging trip ang pagkain ng fried chicken na may powdered milk?? Kaya pala ang bilis maubos ng gatas ni Zeke" sabi ni Matteo. Inirapan ko ang mag ama ko, saka nagsalita.



" Fine, di ba nga magpapabili na nga tayo kay Pat ng gatas mo. Pinapak ko kasi ang gatas nito , tapos ang damot damot sa akin, madami pa namang natira" parang bata kong sumbong kay Matt. I even pouted my lips .

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon