MS❤ 21(Final Chapter)

177 14 4
                                    

Dedicated ka convertedDYOSA kasi naappreciate nya yung story ko :) Salamat sayoo! *Saranghae *

Taehyung's POV

Ilang araw narin ang nakalipas nang makalabas si Bomi sa ospital at ilang araw narin nya akong hindi pinapansin.

Di kami nakasali sa battle of the bands nang araw na iyon kaya disappointed si Mr.YG.Pero mahahalata mo naman sa kanya na nag aalala sya sa kalagayan ni Bomi.

Di ko alam ang nangyari kung bakit di nya ko pinapansin hanggang ngayon.Pero willing ako na ibigay ang lahat mapansin nya lang ako.

Ilang araw ko na rin syang ini-stalk sa lahat ng lugar na pupuntahan nya.Sa katunayan nga eh ngayon ay nandito kami sa park.

Pinagmasdan ko syang nakaupong mag-isa sa swing,nakatulala at nakatingin sa langit.

Nakakulong na ngayon si Jimin pero di sya nagsasalita kung sino ang mga kasabwat nya nang planuhin nya ang araw na iyon.Kaya hanggang ngayon ay wala parin ang hustisya.

si Chorong na pinadala sa probinsya nya para mabantayan,si Eunji na patuloy parin ang pagpasok sa paaralan,si Naeun na comma parin hanggang ngayon,si Namjoo na nasa mental hospital dahil natrauma sa nangyari sa kanya,At si Hayoung na nasa puder na nang mga magulang nya na inaalagaan sya.

Oo nagkawatak watak silang lahat.Pero hanggang ngayon ay sila parin ang model ng school namin.

Muli ay tinignan ko si Bomi na nag iisa,ngayon ko lang napansin.Umiiyak na pala sya.

"Bakit ganito?Ang sakit sakit naman eh!Huhuhu" Nagtatantrums sya sa duyan at pinapandyak pa ang mga paa.

Di ko mapigilan ang ngiti nang makita  ko syang umiyak ng ganito.Ang cute nya kasi.

"Hoy Papa Jesus!Kala ko ba gagawin mo lahat para sumaya kami?Bakit ganito?Yung mga kabanda ko nahiwalay na sakin!Tapos yung puso ko ang sakit!Kala ko ba naman sya na kaforever ko!Ano ba naman yan eh!Huhuhu" Napataas ang kilay ko.Sinong kaforever naman yan?

Nakayuko na sya habang umiiyak ng umiiyak nang may mapansin ako sa likod nya.

Sa di kalayuan ay may nakamasid sa kanya.Purong itim ang suot at mukang ninja.Ano to hokage?!

Tinitigan ko lang yung taong yon.Di ko talaga makilala!Nakatakip kasi yung mukha eh!

Maya maya pa ay naglabas ito ng kutsilyo at dahan dahang lumapit kay Bomi.

Nanlaki ang mata ko ng itutok nya iyon sa kanya kaya naman napatakbo agad ako kay Bomi at niyakap sya.

"Ahhh" Napadaing ako sa sakit na naramdaman ko sa bandang balikat ko.

Tinitigan ko yung taong nakaitim at nakita kong nanlaki ang mga mata nya.

"Bomi takbo!" Sigaw ko at tumakbo si Bomi ng sobrang bilis.Buti ay naaabutan ko pa sya.

Patuloy lang kaming tumatakbo nang lumingon ako sa likod.Ang dami nila!Mga armado silang lahat!

Sunod sunod silang nagpaputok.Di ko alam kung bakit nang hihina ako.

Tinignan ko ang katawan ko.Ang daming dumadaloy na dugo.

Lilingon na sana sakin si Bomi ng "Wag kang lumingon tumakbo ka lang!"

Nakita ko syang nagpahid ng luha at pinagpatuloy ang pagtakbo.Ang sakit sakit.Unti unti ay kinakapos na ako nang hininga.Napapagod na ko.

"Tumigil kayo!" Sigaw ng isa sa mga lalaki.

"Wag Bomi!Takbo lang!" Pabagal ng pabagal ang takbo ko.Nakita kong huminto si Bomi at tumakbo pabalik sakin.

"Taehyung!Taehyung!Gumising ka!" Pinagpapalo nya ang pisngi ko.Di ko alam ay nakahiga na pala ako sa lupa.Nanghihina na ako.

"Nan-*hik* nandyan na sila " Patuloy ang pagsuka ko ng dugo.

"Wala na.Tumawag na ko ng pulis ok na taehyung.Ok na.Wag ka nang mag alala." Paghaplos ng kamay nya sa muka ko ay wala na kong naramdaman na sakit.Napangiti ako.

"Naman eh!Wag ka ngang ngumiti!Alam kong nasasaktan ka!Wag kang mag alala tumawag na ako ng ambulansya.Papunta narin dito yung mga kabanda mo" Nginingitian nya ko kahit pilit.Wag kang mag alala sakin please.

"Ma-may tanong *hik* ako sayo" Sabi ko kahit hirap ako magsalita.

"Sige ano yun?" sabi nya.Pinapahid  nya na rin yung luha nya.

"Bakit ka ba umiiwas sakin?*Hik*" Nakita kong napatigil sya sa pag iyak nangtanungin ko iyon.

"Kasi naman eh.Bakit di mo sakin sinabing naging kayo pala ni Alyssa?Nakakainis ka kaya.Alam mo yung unti unti na kong napo-fall sayo tas malalaman kong naging kayo pala nang ate ko?Ang sakit!"

Tinitigan ko sya "Ate?" Nakita kong napatingin sya sa malayo.

"Hehe.Oo ate ko sya.Sorry sa di pagsasabi sayo ng totoo.Pero dahil may secret ka rin fair lang hmp!" Hinampas nya ko sa dibdib.

"Aray!" may tama kaya ako dun!

"Ay sorry huhu.Uy kayanin mo!" Sabi nya nang hampasin nya ko.

"Nakakalimutan mo atang nag aagaw buhay ako rito?" Sabi ko sa kanya.Sa panahon na ito dapat ito ang sinusulit ko.Ngayon ko lang sya nakausap uli.

"V!Ang daming dugo na nawawala sayo!" Sabi nya na nagpapanic na. "Nasan na ba yung ambulansya!?!" Inikot nya sa paligid yung paningin nya pero wala parin signs nang ambulansya.

"Bomi makinig ka sakin." Napatingin sya sakin na ngayo'y nakahiga sa hita nya.

"Pasensya kana *Hik* kung ang dami kong itinatago sayo.Sorry *Hik* Isa lang ang gusto kong malaman mo." Nginitian ko sya at sinenyasang ilapit ang ulo nya sakin.Inilapit naman nya ito.

"Mahal na mahal kita"Nginitian ko sya at saka hinalikan sya sa labi.

" pasensya ka na kung binabaliwala kita nitong mga nakaraang araw.Ang sakit kasi na malaman na yung kaisa isang taong minahal mo ay nagkaroon ng past sa iba.Especially sa ate ko pa.Sorry sa mga kamaliang ginawa ko.Please give me second chance.Promice pagnabuhay ka ng matagal bibigyan kita ng labin dalawang anak.Mabubuhay tayo ng masaya.Please mabuhay ka pa." Pinunasan ko ang luhang pumapatak sa mata nya.Nginitian ko sya ng sobrang tamis.

"Pasensya ka na pero parang di na ata mangyayari yan." Alam ko na hanggang dito nalang ako.Unti unti nang bumabagal ang tibok ng puso ko.

"V naman eh!Wag ka magsasalita ng ganyan!" Niyakap nya ko nang sobranv higpit pero unti unti nang namimikit yung mga mata ko.

Bomi's POV
Nakaasar naman eh!Dinadramahan ata ako neto eh!

"Hoy V!Ano ba idilat mo lang yang mga mata mo!" Mag wawala na ko!

"Hoy!Magsalita ka naman!" Iyak na ko ng iyak dito.Pinagmamasdan narin ako nila Chorong at nang iba pa.

"V,mahal na mahal kita wag mo kong iwan!Idilat mo yang mga mata mo!" Niyakap ko sya ng sobrang higpit. "Alam mo kahit abnormal ka mahal na mahal kita.Pasensya na talaga"

Itinapat ko yung bibig ko sa tenga nya.

"Mianhae,saranghaeyo" Saka ko idinukdok ang sarili ko sa kanya.Di ko na maramdaman ang hininga nya.Kahit ang pagpintig nang puso nya ay wala na.Di ko alam na ganito lang kadali matatapos ang istoryang ito.Ni hindi manlang kami napagbigyan na magsama kahit sa kapiranggot na panahon.

Ang pinaka mamahal ko.Wala na.

Unti unti parang naging slow motion ang lahat nang kuhanin sakin ng mga nurse ang katawan nya at ipinasok sa ambulansya at ang pag alalay sakin ng mga kaibigan namin sa pagtayo ko.Pinagmasdan ko habang palayo ang ambulansya.Ang ambulan sya na nilalaman sya.Ang mahal kong wala na.

~~~~~~
A/N:Yeah Ending na  T-T Sorry po sa mga nag intay ng matagal sa UD tas ganito paginawa kong ending huhu Yan kasi yung plot eh huhuhu.

May special chapter pa po.Don't worry.Ia-update ko na po iyon agad-agad.

"Mianhae,Saranghaeyo..."(Kim Taehyung and BOMI Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon