Special Chapter

244 17 15
                                    

I dedicate this chapter to my special child bestfriend na tinatanong ako kung ilang reads na itong MS hahaha.Oo na negra ka talaga mehehe.Saranghaja oppa!!!

BOMI'S POV

Dalawang taon na rin pala.Dalawang taon na akong nawalay sa kanya.Dalawang taon na nya akong iniwan.

Ni hindi ko manlang sya nadalaw sa ospital.Dahil sa takot at kalungkutan na nararamdaman ko.Natatakot ako na iwan nya ko,nalulungkot ako kasi hindi nya manlang naramdaman yung pagmamahal ko.

Nung matapos ang aksidenteng iyon ay pinadala ako sa America,nagtago,nag-isa,ikinulong.Sa loob din ng dalawang taon ay wala akong naramdamang pagmamahal mula sa kahit na sino,ipinatapon ako sa america ng magulang ko,kinuha ang lahat ng mga bagay na pwedeng magbigay komunikasyon sa mga kaibigan ko.

Salot daw ako,malas,walang kwenta.Lahat na ata ng taguri ay nasakin na.Kahit nung nasa america ako ay walang nakipagkaibigan sakin.Nakakulong lang ako sa bahay,nag-iisa.Masyado akong nadepress na nangyayari sakin kahit man ngayon.

Tumingin ako sa dagat na sobrang tahimik,iba na pala sa pinas no?Ang daming nagbago.Masyado nang magulo.

Oo nasa pinas na ako ngayon,wala man akong matuluyan atleast nakabalik ako sa kung saan ako nagmula.

Nagtatrabaho ako dito bilang waitress,wala akong natapos eh.Buong araw akong nagtatrabaho dito tapos pagdating ng gabi ay dito rin ako natutulog.Nagpapakatago ako sa maynila.Sa totoo nga eh nasa batangas ako.Nagtatrabaho sa restaurant,buti mabait yung amo ko.Pumapayag syang dito na ako tumuloy.

Hapon ngayon at walang gaanong costumer kaya nakatambay ako dito sa labas at tinititigan ang dagat na nasa harap ko.Naalala ko nanaman.Parang dati ay ganito katahimik ang buhay ko.Walang gulo,walang ingay.Pero ng simula ng mamatay ang ate ko parang nagkaroon ng delubyo at nagulo ang buhay ko.Ang ingay,parang may tidal wave na paparating.Pero nang matapos yung bagyong iyon?Doon ko lang narealize  na sa bandang huli pala ay magkakaroon rin uli ng katahimikan.Payapa uli.

"Hoy Bomi!Dumadami na yung costumer!" Hiyaw sakin ng manager namin.

"Opo papunta na!" Sigaw ko at agad na sinuot ang apron na dala ko.

Aish bakit ayaw magkasya?! Huminto ako sa paglalakad at tinali ang dalawang tali sa likod ng apron ko.

"Ouch!" Napaupo ako sa buhangin ng may bumangga saking kung sino.Inangat ko ang tingin ko sa taong iyon.Nakita kong nanlaki ang mga mata nya.

"So-sorry po." Tsaka sya tumakbo uli.Teka parang kilala ko yun ah?

"Suzy?" Tawag ko.Nakita ko syang napalingon sakin ng dahan dahan.Parang natatakot sya?

"Bo-bomi?" Pagkasabi nya noon ay nagsalita sya uli "A-ah sige mauna na ko." Sabi nya at tatakbo na sanang muli ng may bigla akong narinig na hiyaw.

"Suzy!!" Lumingon ako sa likod ko.Unti-unti ay biglang bumagal ang tibok ng puso ko.Hindi ako makahinga.

"Tae-taehyung.."Sabi ni Suzy.Tinignan ko ang lalaking iyon habang patakbo sya papalapit sa direksyon ni Suzy.

"Bakit ba ang  hilig mong magpahabol ah?!" Sabi nito at ginulo ang buhok ni Suzy.

Nakita ko ang uneasiness sa muka ni Suzy "Tae-taehyung,tara na."Sabi nya at hinatak si Taehyung sa kamay.

"Teka may kausap ka pa eh." Hirap nya ko.Hanggang ngayon ay ganito parin ang pwesto ko.Nakaharap sa kanila habang nakanganga at di makapaniwala sa nakikita.

"Hello ako nga pala si Taehyung" Yumuko sya at saka inakbayan si Suzy. "Mauna na po kami" Sabi nya uli at nginitian nya ako.

Tinignan ko sila habang papaalis na sila.Hinawakan ko ang dibdib ko.

"Mianhae,Saranghaeyo..."(Kim Taehyung and BOMI Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon