Day 4
Chorong's POV
Nandito kami sa room at nag uusap usap.Ang topic namin ay si Bomi.
"Bakit ba gusto mong masama sa grupo natin yung halang ang bituka na yon?" Namjoo
"Kita mo!Hindi nya tayo ginalang!" Naeun
"Bago palang kasi.."Depensa ko
"Oh e ano?Lahat nang mga pumapasok dito ay kilala agad tayo,kahit tranferee tas sya ano?Kung pagsalitaan tayo at kung umakto saatin ay parang normal na estudyante lang tayo!" Hayoung
"Hayaan nyo na sya.Tsaka no choice naman tayo kung hahayaan pa natin sya.Sya nalang ang last chance natin para hindi makick out" Ako.
"Muka naman syang mabait eh.."Eunji
Napatingin kaming lahat sa kanya.Sya lang ang naging kakampi ko.Napabuntong hininga nalang sila.
"Sige kung yan naman ang gusto nyo.Sige isali nyo na hindi na kami kokontra.." Namjoo
Nangiti ako at nagpasalamat sa kanila.Gagawa ako ng plano para mapapayag si Bomi na sumali saamin.
"Eunji."Napatingin sya saakin
"Kaibiganin mo si Bomi.Ikaw na bahala sa mga gagawin mo."Nakita ko syang ngumiti at nag yes
"At kayo..(Sila Namjoo,Naeun at Hayoung)pagkasama nyo si Bomi wag nyo syang susungitan alam ko namang mabait sya base sa muka nya.Alam kong magkakasundo kayo." Nakita ko silang napangiti ng pilit at napasimangot din.Hindi nila sigurado ang nararamdaman nila.Nalilito sila.
"Bukas kailangan na natin syang mapapayah.Kung ayaw nya ay mapipilitan ako.." Napatingin sila ng seryoso saakin."Sige na magpahinga na kayo.Eunji gawin mo na" Nakita ko syang nagsalute saakin at patalon talon na naglakad palabas sa room.Napangiwe nalang ako.
Bomi's POV
Nakaupo lang ako sa isang sulok gaya ng nakagawian.Bigla nalang akong nakaramdam ng gutom kaya naman nagpunta ako sa cafeteria
"Ate isa pong Sandwich at Coke" Inaantay ko ang pagsukli saakin ng tindera ng may biglang tumabi saakin.
"Ako rin ate!" Eunji
Tinignan ko sya at nginitian nya ako napairap nalang ako at pagkakuha ko ng order ay iniwan sya doon at naghanap ng mauupuan.
Nangnakaupo na ako at sinimulan ko ng buksan ang sandwich.
"Mind if I share?" tinignan ko ang nagsalita at sabi ko na nga ba.Si Eunji nanaman.
Tinitigan ko lang sya at inirapan.Bakit ba ko kinukulit nito?!
"Ano nga palang full name mo?Nakalimutan ko eh" Sabi nya habang ngumunguya.Walang table manners -,-"
"Yoon,Bomi" Tinuloy ko lang ang pagkain ko at sinagot ko ang bawat tanong nya.
"Ilang taon ka na?"
"15"
"Ah same age pala tayo.Bakit ngayon kalang nagtransfer kung kelan nasa third year na?"
"Dahil sa--Ugh wag mo nang itanong" napatingin nalang ako sa kawalan ng tinanong nya yon.
"May kapatid ka ba?" Nabigla ako sa tanong nya.Nanlisik ang mata kong habang tinitignan sya.Sya naman ay parang natakot
"Nawalan na ko ng gana.Maiwan na kita jan" Tumayo na ako at umalis
Naglalakad ako sa gilid ng building ng mga boy band ng biglang may tumawag saakin
"Bomiiiiii!" Nilingon ko kung sino iyon at nakita ko ang hingal na hingal na si Eunji.
Binilisan ko ang lakad ko at iniwan sya.Binilisan nya pa lalo ang takbo nya.Nafulat nalang ako nang bigla nya akong hawakan sa siko.
"Uy *Hingal* sorry *Hingal* na Hindi ko na babanggitin yun ulit promise!"
"OK" Tapos naglakadulit ako.Sinusundan nya lang ako at panay ang kwento nya saakin ng lahat ng alam nya.Minsan ay natatawa ako sa kanya at nakikita ko ang pagkagalak nya sa pagtawa ko.Hindi ko alam pero parang nakakalimutan ko ang problema ko sa grupo nila.Masyado lang siguro akong bitter kaya pati sila nadadamay.
"Ahm.Bomi?Pwede bang maging magkaibigan tayo?Plss naman oh?Gusto talaga kitang maging kaibigan!" Sabi nya habang nag pa-puppy eyes
Ako inaayang maging kaibigan ng isang member ng Lead Role model band sa buong Campus?Ako na inaayang maging kaibigan ng sikat na Lead Vocalost ng Bandang A-pink?Ako na inaayang maging kaibigan ng dating kaibigan at kabanda ng kapatid ko?Napasimangot ako sa naisip ko.Alam kong umaasa sya na sagutin ko ay oo pero..
"Sorry Eunji.Hindi pa ako handa.." Nakita ko ang pagbagsak ng muka nya.
"Kahit hindi mo na ako maging kaibigan basta sumali kalang sa grupo namin ay ayos na..Kahit hindi mo na ako pansinin ok lang saakin.Sumali ka lang saamin" Nagmamakaawa ang bawat pagtitig nya saakin.Hindi ko alam pero gusto ko syang tulungan at sagutin ng oo pero nadadala nanaman ako ng insecurities ko.
"Pag iisipan ko Eunji.."
"Pero kailangan na namin ang dagdag na miyembro bukas."
"Sorry Eunji" At iniwan ko na sya doon sa kinatatayuan nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/28859030-288-k609955.jpg)
BINABASA MO ANG
"Mianhae,Saranghaeyo..."(Kim Taehyung and BOMI Fanfic)
FanfictionSa isang paaralan nabuo ang tensyon na naging dahilan ng pagkasira ng relasyon.Paaralang puno ng kumpetisyon sa musika,karangalan at katanyagan. Nagkakilala ang Dalawang tao base sa nakaraan.Handang magbuwis ng buhay para sa minamahal mapatunayan la...