MS♥5

268 22 4
                                    

Day 3

Chorong's POV

Pagkasabi ni V non ay naguluhan lahat kami..Anong meron sa Ace of Angels?Bakit ganoon sila kung makareact?

"Anong meron sa kanila?" Tanong ko kahit na may hinala naman ako.

Hinarap ako ni V at tinitigan.

"Malalaman nyo rin sa tamang panahon.." Bigla nya akong tinalikuran at umalis ulit.

"Sorry ah.Ayaw kasi namin kayong mabigla.Siguro sa susunod nalang..Sige." Sabi ni Jungkook at umalis narin kasama ang buong BTS.

Kinabukasan ay nabigyan kami ng notice ni Mr.YG na may meeting kami.Hindi kasama ang BTS at alam ko na kung tungkol saan ang meeting.

"So nabalitaan kong nagback-out ang mga pinag-audition nyo?Ano ang balak nyo?Three days nalang mula ngayon ang palugit ninyo.Kailangan nyo nangmakahanap ng bagong miyembro o kung hindi ibabalik ko sila at kayo ang mawawala dito.."Mr.YG

"Mr. wala naman pong kaso saamin kung ibabalik nyo sila.Nasa mga estudyante po iyon.Alam nyo naman pong marami silang napapaalis na estudyante dito dahil binubully nila.Gagawa po kami ng paraan Mr. makakahanap rin kami ng bagong miyembro." Pag aasure ko sa kanya.

Patayo na sana kami at lalabas na nangtawagin ulit kami ni Mr.YG

"Oh by the way may bagong transferee dito kanina lang.Eto yung bio nya."

May inabot si Mr.YG na Bio saamin at tinignan ko iyon.Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ito.

Nilapitan nila ako at tinignan din ang bio.Tumingin sila saakin na nagtatanong kung bakit?May mali ba dito?

"Ah sige po hahanapin po namin sya."

Yung mga wala pang group ay may iisang room.Lahat sila ay magkakasama roon.Yun ang tinungo namin nang makalabas kami.

Nakita namin ang mga estudyanteng nagkukwentuhan,nagkakantahan at mga nagsasayawan.Nang nakita nila kami ay tumahimik sila at tumayo lahat sila ay yumuko bilang pag galang.

"Asan si Yoon,Bomi?" Sigaw ni Eunji nang makapasok sa pinto.

Nakita naming lumingon sa sulok ang mga tao at may tumayong babaeng nakaupo kanina sa sulok at tinignan nya kami matapos nyang mapagpagan ang kanyang paldang suot.

"Anong kailangan nyo sakin?" Sabi nya at tumingin ng diretso kay Eunji na tumawag sa kanya.

"Pwede ka ba naming maka usap?" Ako.

Tumango sya at inunahan kaming maglakad palabas.Nagkatinginan sila at napa iling.

Umupo sya sa bleachers at hindi manlang kami inayang umupo.

"Bakit?" Tanong nya nang nakatingin sa ibang lugar.

"Ahm.Gusto ka sana naming imbitahan sa room namin.Alam kong wala ka pang grupo kaya ka namin iniimbitahan." Namjoo

"Syempre alam nyong wala akong grupo kasi nandun ako sa room na yon." Sabi nya ng naka irap.Nakita kong nanlaki ang mata ni Namjoo at aambahan si Bomi.Tinignan ko sya at sinenyasang.Hayaan mo na. Kaya agad naman syang kumalma.

"Iniimbitahan kitang sumali sa grupo ko" Sabi ko ng diretso.Iba sya.Nararamdaman ko.Gusto ko sya sa grupo ko.May nagtutulak saakin na isali sya kahit hindi ko pa naririnig ang boses nya.

"Ayoko.Kaya kong gumawa ng sarili kong grupo." Sya

Bigla syang umalis sa harap namin.

"Argh!!!"Sabi ni Namjoo

Ayoko man gawin ito ay gagawin ko na.Pipilitin kita sa ayaw at sa gusto mo.

Pumunta ako ng Searching Room (Room ng mga wala pang grupo) at tumayo sa harap nila.

"Walang tatanggap kay YOON BOMI na kahit na sino sa inyo.Bumuo na kayo ng grupo nyo hanggang next week.Walang Yoon Bomi kuha nyo?" Sabi ko at lumabas na sa room na yon nakita ko ang pagtataka sa muka ng mga kagrupo ko.

"Gusto ko sya" Sabi ko at nauna na sa paglalakad.

Bomi's POV

Nainis ako sa kanila.Ayoko sa kanila.Ayokong masama sa grupong iyon.

Bumalik ako ng Searching Room at napansin kong simula ng pumasok ako ay nakatingin na sila saakin.Good thing para hindi ko na sila tawagin pa.Tumayo ako sa harapan nila at nagsalita.

"Sino sa inyo ang gustong sumali sa grupo ko?" Walang pumansin sa akin at ang mga tingin nila ay nalipat na sa kanikanilang ginagawa kanina.

Nainis ako at pumikit tinry kong magsalita ng kalmado.

"Sino sa inyo ang gustong sumali sa grupo ko?"Hindi talaga nila ako pinansin.Nakakaasar na talaga!!Grr!!Lumabas na ako ng room para magpakalma.Bakit ba ganoon sila?!

Gusto ko ng magkagrupo para matapos na ang problema at asikasuhin sa school na to.

Kung hindi lang sana ako ipinasok dito nila mama sana ay nasa normal na paaralan ako.Ang gusto kasi nilang mangyari ay tularan ko sya.Palibhasa ay mas mahal nila kaya gusto akong ipalit sa kanya para makuha rin ang mga nakuha nya.Ayoko sa kanya.Nasa kanya na lahat ng atensyon simula palang nung una.Ngayong wala na sya ay dapat bang makuha ko pilit na atensyon nila kasi ako nalang ang anak?Ayoko ng ganon.Ayoko syang gayahin,kung ayaw nila saakin ay huwag nila.Kaya kong mabuhay ng wala ang atensyon nila.Ayoko ring sumali sa grupo nila.Ayoko ng mga pinaglumaan nya...

~~~~~~~*

A/N: Thank you ate Cindy sa Cover

V on the left side :)
-Lovely ♥

HAPPY NEW YEAR EVERYONE! WELCOME 2015 ♥

"Mianhae,Saranghaeyo..."(Kim Taehyung and BOMI Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon