MS♥4

281 21 1
                                    

Day 2

Chorong's POV

Kinaumagahan ay nakita ko si Hayoung na nagluluto sa kusina.Agad ko syang binati at naupo na sa isang upuan sa mesa.

"Good morning din Cho.Nga pala di pa gising yung dalawa?" Ani nya na tinutukoy sila Naeun at Namjoo.

"Hindi pa eh.Si Namjoo malapit nangmalaglag sa itaas ng double deck" Sabi ko sabay tawa.

"HAHAHA Kaya ayokong katabi yun eh.Buti nalang tatlong dobledeck yung nabili natin.Hahaha"

Nagtawanan kaming dalawa hanggang sa mailapag na nya ang almusal namin.

"Alam mo Cho ang weird mo kahapon?" Sabi nya nang nakakunot ang noo at magkasikop ang dalawang kamay.

"Ahm.Yun ba?Hehe Ako rin naguluhan sa sarili ko eh.." Umayos na ako nang upo at sinimulang galawin yung almusal namin.

Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko kahapon.Hanggang ngayon ay nandito parin ang pakiramdam na iyon..

"May nararamdaman ka bang iba?" Tanong nya na nakatuon ang buong atensyon nya sakin at talagang inaabangan ang sasabihin ko.

"Oo Hayoung.Feeling ko may mangyayaring hindi maganda mamaya.."

Itinuloy na namin ang pagkain at pilit itong kinalimutan.Bumangon na ang dalawa at nakisama na sa aming hapag.Nagkwentuhan at nag tawanan lang kami hanggang sa napagdesi-syunan na naming gumayak na para maghanda sa pag pasok.

@Music Arts Academy

Nagpatawag ng meeting si Mr.YG sa court at kaming lahat ay naroon.Nakita ko ang pag akyat nya sa stage at paghawak nya ng mic.

"Good morning to all of you.Gusto ko lang sanang itanong kung ok na ang mga grupo ninyo..Sino sa inyo ang wala pang grupo?"

Marami ang nagtaas ng kamay at nagbulungan.Marami ang nagtatanong kung saang grupo sila pe-pwedeng sumali o sino ang sasali sa bawat grupo nila.

"So sa tingin ko ay magiging naayos naman ang lahat kung bawasan ko ng kaunti ang palugit ninyong araw hindi ba?Nagkaroon kasi ng emergency sa isa pang Music Arts Academy sa Canada at ako ang naatasang pumunta at ang gusto ko ay within two weeks ay may grupo na ang lahat sa inyo.Okay lang ba?" Mr.YG

"Yes Sir." Lahat ng estudyante.

"Okay,so thank you.You may now proceed in your classroom.Good morning and have a good day.By the way..A-pink proceed to my office now."

Nagkatinginan kami nila Eunji at agad naman akong sumenyas na pumunta na kami.

Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang mag alala at sa tingin ko ay ganoon rin sila.

"Babawasan din kaya ni Mr.YG ang palugit natin?" Naeun

"Hindi naman siguro.." Hayoung

Nakarating kami ng tapat ng office.Nahinto kami at napabuntong hininga.Eto na..

Pumasok kami sa office ng tahimik at naupo.

"Good morning girls..Bakit parang kabado kayo?" Tinignan kami lahat ni Mr.YG at natawa sya."Don't worry di kayo damay sa pagbawas ng palugit.Hindi naman maaapektuhan ng pag alis ko ang battle at in fact, pinahaba rin nila ang araw ng pag hahanda sa battle.Ginawa na nilang two weeks mula ngayon ang battle so..Yung oneweek ninyo ay para sa pag hahanap ng new member at yung another one week ay pagpa-practice nyo kasama ang new member nyo.So good luck girls!"

Nagkatinginan kaming lahat at ngumiti.Naging magaan na ang athmosphere namin.

3:00 pm at BTS room

Kumpleto na kami dito pero wala pa ang mga mago-audition..Inutusan ko si Suga na tawagin ang mga ito.Nakabalik sya matapos ang dalawampunh minuto pero wala ang mga mag o-audition,hindi nya kasama.

"Cho may problema" Hingal na sabi ni Suga.

"Ano?Bakit wala pa sila?" Ako

"Nagback-out silang lahat.."

*Gasp*

Nanlaki ang mga mata naming lahat sa narinig.Maging ang BTS ay nagulat rin.

"ANO?!" Kaming lahat

"Bakit daw sila nagback-out?" Eunji na nagpapanic na

"Sabi nila may grupo na daw sila.." Suga

"Ano yon?In an instant lahat sila may grupo bigla?Niloloko ba nila tayo?!" Nanggagalaiti na tanong ni Rapmon

"Yun ang sinabi nila eh.."Suga

"Lahat sila sinabi yon?!" Naeun

"Oo.." Suga

Nanahimik ako sa isang tabi at nag isip.Sabi na eh.May darating talagang karapat dapat sa grupo namin.

V's POV

Lahat sila ay nagpapanic na.Samantalang ako nananahimik dito at walang pakialam.Hindi naman sa wala akong pakielam pero gusto ko lang talaga manahimik.Ayoko na ibalik ang dating ako.Ang masigla at makulit na V ay wala na.Simula nung nawala sya nagbago na ang lahat saakin.

Napadungaw ako sa bintana ng room namin at nakita kong nakasilip si Suzy,ang isa sa mga nag-audition dito na biglang nagback-out.

Nung nagtama ang mga mata namin ay agad syang umiwas at tumakbo.Sinundan ko sya.

"Suzy!" Napahinto sya sa pagtawag ko at nilingon ako.Nang makita ako ay biglang nanlaki ang mga mata nya at tumakbo ulit.Hinabol ko sya hanggang sa mahatak ko ang braso nya.Agad ko syang kinulong sa pader gamit ang mga kamay ko.

"Umamin ka.Bakit kayo nagback-out?"Ako gamit ang pinakamalamig kong tono.

"Ma-may grupo na kaming lahat" Hindi sya makatingin ng diretso sa mata ko.

"Nang ganun kabilis?"

"O-oo"

"Ayoko sa lahat yung niloloko ako Suzy..Nakakatakot akong magalit.." Hinawakan ko ang muka nya gamit ang isa kong kamay

"Ma-may nanakot samin.."Sabi nya ng parang takot na takot na boses.

"Sino?"

"Ang Ace Of Angels at Block-B" Sabi nya nang umiiyak na

"Sh*t!Kayo nanaman!" Sabi ko habang sinusuntok ang pader.Hindi ko maiwasan ang magalit at mainis.Lagi nalang nila kaming sinisira!

"Get out of my sight now!" Kumaripas sya ng takbo.

Bumalik ako sa room namin at lahat sila nakatingin sakin.

"Ang Ace Of Angels" Sabi ko at dumukdok sa upuan.

Nakita ko ang inis sa mga kagrupo ko samantala ay lito sa A-pink.Wala silang alam sa mga nangyayari.

"Mianhae,Saranghaeyo..."(Kim Taehyung and BOMI Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon