Kate's POV
10pm na pala. Kakatapos ko lang gumawa ng project. Baba na sana ako para kumain. Nang nakita ko si ate na nanonood ng tv sa living room.
May naisipan akong tanungin. hahaha
Lumapit ako kay ate Amy.
"Ate, ano ba sinusuot pag makikipagdate?" Tanong ko.
"Syempre, dapat yung sexy ka. hahaha. Bakit mo natanong?"
"Ah. wala. Nacurious lang. hehe." I looked away. Kasi naman. Mali ang tanong ko.
"May kadate ka no?"
"Wala ah."
"Kate, yang mga style na yan napagdaanan ko na yan. hahaha. So ano? Meron diba?"
"Eh mapilit lang naman kasi siya kaya pumayag na ako."
"ANO?! SINO KADATE MO?" Singit ni kuya na mukang galit na galit.
"Are you eavesdropping?" Sabi ko.
"Sagutin mo muna tanong ko!" Sabi ni kuya.
"Ano ba, Josh? Bakit ka galit na galit? Wag ka ngang OA diyan!" Inis na inis narin si ate Amy.
"Ang bata bata mo pa may kadate ka na agad! Wait till our parents get to know this!!" -Kuya
"Baki ka ba nagiging hysterical diyan?! It's just a date!" Sagot ko sa kaniya. Nakakainis. Masyadong OA. Inalisan ko na siya at pumunta sa kwarto.
After a few minutes ng pagkukulong ko sa kwarto, nagtext si Alex.
-Hi. :3-
-I'm not in the mood to text right now. Sorry.- Reply ko sa kanya. Wala naman talaga eh.
Napahiga ako sa bed ko. Kuya's reaction left me wondering why he was so jealous. Bakit kaya?
What's happening with my life in the past few days?!
Josh's POV
Iniwanan na nila ako sa sala.
Parehas galit yung dalawa. hay. Sana man lang may kapatid akong lalaki para naman may kumampi sa akin.
Bakit ba kasi nagiisa ako eh. Loner tuloy ako.
'Ano ba yan Josh. Bigla bigla ka nalang gumaganon.' Sabi ko sa sarili.
Bakit nga ba? Am I jealous? Noooooo. Hindi pwede mangyari to. Kapatid ko siya. Wait...
She has to know the truth. I have to talk to mom and dad about this.
Dumiretso na ako sa kwarto ko. Para makapagisip ng mabuti.
Matanggap kaya niya yung totoo?
Amy's POV
Lumalaki na ang baby sister ko. Parang ako lang dati. Ngayon ikakasal na ako. Ang bilis na talaga nang panahon.
Sana magtutuloy tuloy na ang happiness ni Kate. Ayoko nang may sumira sa kanya, kahit sarili kong pamilya pa ang kalabanin ko.
I'll protect her no matter what.
Alex's POV
"Mukha naman akong naghahabol sa kanya eh." Sabi ko kay Vince. Kausap ko siya ngayon. Napadaan kasi siya sa condo na tinitirahan ko.
"Kasi naman, pre, hindi mo naman masyadong kilala yung babae, sugod ka agad ng sugod. Ang alam mo lang ata sa kanya pangalan niya eh. Ilang taon na ba yun? Maganda ba talaga?" sagot niya.
Aba. Biglang nacurious to ah. Mukang aagawan pa ako. Hahaha. joke lang. Mabait yan si Vince. Kaya nga naging bestfriend ko to eh.
"Ilang taon? Di ko alam eh. Hindi ko naman natanong sa kanya. Pero muka siyang mga 20. Mga ganoon nga. At maganda? Sobrang ganda nun! Ay pag nakita mo yun, mabibighani ka sa ganda niya. Yung halos di mo na maalis tingin mo sa kanya."
" Exag naman nito. Alam ko na kung sino tinutukoy mo."
"Sino?"
"Si Barbie, pre! " Pagkatapos nun ang lakas ng tawa niya.
Narealize ko laruan pala yung tinutukoy niya.
"Seryoso ako, dude."
"Pare naman. Kung wala siyang interest sayo, tigilan mo na. She's just a waste of you time. There's a lot of girls out there who will like you, trust me. With the looks you have. Ayy. Ikaw pa lalapitan."
"I know that, but I would like to think she's worth it. And she looks kind naman. I fell for her charms, dude."
"Don't tell me you're inlove with someone you don't even know?!"
"I guess?" Sabi ko.
"Nako. Infatuation yan. Sige, alis na ako. Next week nalang. Di pa ako makakapasok bukas. May gagawin ako eh."
"Kung kelan last day na ng school tsaka ka aabsent. Sige, sabihin ko nalang sa barkada."
Pagkatapos nun umalis na siya.
Kinakabahan ako. Pagkagising ko, bilis ng tibok ng puso agad ang unang narinig ko.
Ito na. Ito na yung araw nung date namin. Hay. Ano ba kasing pumapasok sa isip ko. Bakit ba ako nagyaya ng date sa di ko naman kilala?
Teka, kaya nga date diba, para makilala mo ng lubusan ung tao? Correct me, if I'm wrong.
Ang gulo naman. Anyway, nandito na ako sa place kung saan kami magmemeet. 5:30 pm kami magmemeet up. Pero 4:30 palang, nandito na ako.
Aga ba? Ok na yung maaga kaysa late.
Tinignan ko oras ng phone ko.
4:35pm
.
.
.
4:40pm
.
.
.
4:50pm
.
.
.
5pm
30 minutes nalang.
Pero bago pa mag 5:30, nakita ko na siya agad.
Tumayo ako sa kinauupuan ko para salubungin siya.
"Hey." Sabi niya.
Simple lang suot niya. Long sleeves and skinny jeans, then flats. She still looks stunning.
"H-hi." Reply ko sa kanya. "What do you want to eat?" Pahabol ko. We sat down.
She didnt bother to look at the menu. Mukang wala siya sa mood makipagdate talaga. "Anything. You can choose. I'm not picky with food anyway. " She replied.
"Wag ka nang mahiya." I handed her the menu.
"Ok. I guess I'll have Chicken ala Kiev, please."
"Ako naman, Beef Stew." Sabi ko sa waiter.
Ang daming namin napagusapan. I got to know her more.
Her life. Her family. Feeling ko matagal ko na siyang kilala. Sana may isang date pa.
Before we finished, I asked her one thing.
"Kate."
Napatingin siya sa akin. "Hm?" Reply niya.
"I keep forgetting to ask you this question." I paused for a while. I got a bad feeling about this. "How old are you?"
"16." With what she said, halos mabulunan ako.
Oh no. Alex, you're dating a minor.
Dun na natapos ang gabi. Hinatid ko na siya at umuwi na ako. Should I continue with this?
BINABASA MO ANG
Dating the Minor
ChickLitShe's beautiful, sexy, smart, kind, and everything nice. She's loved by almost everyone she knows. She can attract any guy she wants, if she wants to. She's envied by a lot of girls. But one thing is not right about her, SHE'S A MINOR!