Kate's POV
Next month na ikakasal si ate Amy. I'm so happy for her! Bagay na bagay talaga sila ni Kuya Eric.
Nandito kami ngayon sa Destiny's Gowns, maganda dito at imported ang wedding gowns pero meron din naman gawang pinoy, dito naisipan ni Ate Amy pumili ng wedding dress, at susukatin niya na iyon ngayon.
Sinama niya ako at si Alex. Masyado kasing busy ang kuya ko at parents.
Nakita ko tumitingin si Alex sa magazines, kaya tinanong ko siya. "Huy, anong hinahanap mo diyan?"
"Wedding gown." He answered.
"Ha? Para kanino?" I asked again.
"Para sayo." I blushed at what he said, but I didn't show it. Tama bang kiligin ako sa mga ganitong bagay? haha.
"Bakit naman?" Mukang nakukulitan na siya sa akin.
"Ilang years nalang at ikakasal narin tayo." He said calmly. Then kissed me on the forehead.
"Sira." Sabi ko. And I hugged him tight.
Ito na sinusukat niya na ni ate Amy yung dress. After 15 minutes lumabas narin siya.
Wow. Super ganda niya.
It was called Pleated Taffeta V Neck Wedding Dress With Tulle Veil. It was designed by Wil Beany. Sabi nung asisstant, 10 lang daw ang ginawa ni Wil Beany nung wedding dress na napili ni ate. At itong sinusukat ni ate ngayon ay ang last na wedding dress.
"Bagay ba?" Tanong ni ate Amy.
"OMG!! Grabe, pag nakita to ni Kuya Eric, ewan ko lang. Hahaha." Sabi ko. It really fits her. It's just perfect. Actually, no words can describe how beautiful my sister is and I'm happy for her.
"Talaga? Hahaha." Sabi niya.
"Bagay sa inyo ate." Sabi ni Alex. I almost forgot that he was with us.
"Thank you!" Sabi ni Ate Amy.
"Kate, halika nga." Tinawag ako ni ate, papalayo kay Alex.
" Bakit ate?" I asked.
"Sukatin mo to." Sabi niya. Hawak ang isang wedding dress.
"Ha?" She was smiling. Ewan ko kung bakit niya pinapasukat sa akin to.
"Tignan mo lang kung bagay. Kasi yan pa yung isang choice ko."
"Uhm. okay." I answered at sinuot ko narin.
Alex's POV
Tumitingin ako sa mga magazine, naghahanap ng wedding gown para kay Kate. Nagiimagine na kasi ako ng kasal namin eh. hahaha. Syempre hindi ko na papakawalan si Kate. Nasa akin na bakit ko pa pakakawalan?
"Alex." Tawag sa akin ni Amy. In the past few weeks na nakasama ko sila Amy at Eric, masasabi kong mabait sila sa akin. In fact, we've become so close that it feels like I've known them for a long time.
At sinabi pa nga na wag ko nang silang tawagin na kuya at ate, dahil konting years lang naman ang agwat namin.
"Bakit ate?" Tanong ko.
"Halika. Sukatin mo to." Lumapit ako sa kanya at binigay niya sa akin yung barong.
"Bakit?"
"Yan kasi yung kay Eric na barong. Muka kasing magkaparehas kayo ng size eh." Sabi niya.
"Tignan mo kung kasya sayo. Kasi wala dito si Eric, kaya ikaw nalang ang magsukat para sa kanya. " Pahabol ni Amy.
BINABASA MO ANG
Dating the Minor
Chick-LitShe's beautiful, sexy, smart, kind, and everything nice. She's loved by almost everyone she knows. She can attract any guy she wants, if she wants to. She's envied by a lot of girls. But one thing is not right about her, SHE'S A MINOR!