April 1, 2016 5:00 pm
Tinignan ko ang relo ko.
5 pm
Dun na lang ako sa cafe gagawa ng manuscript ko, masyado kasi maingay sa bahay. Tutal naman malapit lang, tsaka tahimik pa.
Napatingin ako sa langit na medyo makulimlim.
Di na ako nagdala ng payong, ilang araw nang ganito ang panahon, iitim ang langit tapos iinit ulit. Baka tantrums lang to ng langit.
Napapalingon ako sa mga taong nakakasalubong ko. Mukha sila laht nagmamadali. Sabagay, sa panahon ngayon di na uso pa petiks petiks kung gusto mo mabuhay.
May iba namang parang may sariling mundo.
habang naglalakad ako,isang lalake ang bigla na lang nahimatay sa daan. Nagkumpulan ang mga tao pero ni wala ni isa sa kanila ang tumulong.
Tsk tsk. Mga chismoso talaga.
Ilang sandali pay dumating ang ambulansya. Papaalis na sana ako nang mahagip ng mata ko ang isang lalakeng napakaamo ng mukha na parang may tinitignan sa banda ko.
Lumingon lingon ako pero mukhang wala namang taong tumigil para sa lalake.
Di kaya... ako yung tinitignan nya?
Baka may gusto sakin?
Tinignan ko ulit ang mga tao sa likod ko pero mukha namang busy sila sa mga buhay nila
Teka,
Baka admirer ko 'to?
Sayang, di ko pa naman type ang mga goody two shoes image
Paglingon ko ulit, nawala na yung lalake.
Weird.
Napailing na lang din ako.
Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Nagred na ang traffic light kaya tumawid na ako papuntang library na nasa kabilang kalsada lang
Nagvibrate ang phone ko kaya agad na kong kinuha.
Alam kong bawal ang magtext sa daan pero saglit lang naman. Tsaka di lang naman ako ang gumagawa neto
Sora, I need the manuscript right now. NO BUTS. You have till 11 pm
Napabuntonghininga ako. Ayan nanaman yung EIC namin, masyado nanamang time conscious. Ako yung nasestress sa kanya eh, eh kakapasa ko lang ng first draft ko kahapon tas ipaparevise nya agad. Tapos dagdag pang pinapauwi ako ni mama. Andami dami ko pang gagawin, iniisip ko nga kung uuwi ba ako o magdadahilan na lang ako para di ako makauwi
Napatingin ako sa relo ko.
5:39 na. Medyo mahaba mahaba ang gagawin ko sa manuscript
Bwisit.
Biglang nagsigawan ang mga tao sa paligid.
Naging mabilis ang pangayayari.
Biglang umikot ang isang sasakyan na mukhang inovertake ng isa pang sasakyan.
Parang domino na nagbanggaan ang mga sasakyan.Nagsitakbuhan ang mga tao pero napako ang paa ko sa kalsada.
Hanggang sa nakita kong papunta sakin ang isang sasakyan.
Di ako makagalaw. Pakiramdam ko nadikit ang paa ko sa kalsada
Napapikit ako at napasigaw ng malakas nang malapit na ang sasakyan sakin
Tapos isang kakaibang bagay ang nangyari
Tumigil lahat ng tao pati ang mga sasakyan.
Pati yung ibong lumilipad ay napatigil sa ere.
BINABASA MO ANG
The 72nd hour
Short StoryAnong gagawin mo kung meron ka na pitumpo't dalawang oras sa mundo?