63:45:08

2 0 0
                                    

" S-Sora, andito ka!"

Tumayo sya at niyakap ako. Napatingin ako kay Mandy, bakas na bakas ang sakit sa mga mata nya,

" Can we talk?" sabi ko habang niyayakap ako ni Toffee
Tumango naman si Mandy at umalis sa kwarto.

" Toffee, please let go of me."

tinapik tapik ko ang balikat nya pero mas lalo pa nyang hinigpitan ang yakap nya.

" Ayoko, baka mawala ka ulit sakin."

Pilit ko sya tinulak hanggang sa natumba sya pabalik da kama nya.

" Ano ba?! Ano bang nangyayari sayo Toffee di ka naman dating ganyan aah!!"

Bumangon sya galing sa pagkatumba nya at hinawakan ang kamay ko.

" I-I'm sorry, aksidente lang ang lahat, ikaw talaga ang mahal ko. Please forgive me Sora,"

Di ako makapaniwala sa mga naririnig ko. I can't believe  that I fell for a jerk like him! Hindi naman sya dating ganito aah!

" Tanga ka ba? Anong aksidente? Siguro sarap na sarap kayo nung ginawa nyo yun tapos sasabihing mong aksidente? Sino niloko mo? Ginusto mo rin yun! Asan na yung Toffeeng kilala ko na maresponsibilidad at di kailanman mananakit ng babae?"

Naiinis ako. Ano ba akala nya kay Mandy, taste test? Titikman tapos pag ayaw, di bibili??! 

Nakita ko ang gulat sa mukha nya. Sa aming tatlo, ako yung pinakaayaw marinig ng mga mura o kahit makamundong salita, pero nagbago ako, simula nung nangyari siyam na taon na nakakaraan

" And besides, siyam na taon na nakaraan, Sa tingin mo kung sasama ka sakin eh mamahalin  kita ulit gaya ng pagmamahal ni Mandy sayo? Eh tangina, di mo nga ako pinaglaban eh! And besides, dalawa na yung anak nyo, tapos sasabihin mong mahal mo pa rin ako? Maawa ka naman kay Mandy!  Bakit gusto mo na bang iwan ka ni Mandy? Makakaya mo ba? Siyam na taon o mahigit ka nang mahal nung tao oh! Di mo ba talaga siya minahal kahit konti?"

Napayuko sya pero hawak hawak pa rin nya ang kamay ko.

" S-sora, I still love y-you"

Napapikit ako sa inis na nararamdaman ko. Ba't ba ang kulit kulit ni Toffee? Alam ko naman eh! Dati pa lang medyo nagkakamabutihan na sila, di ko lang pinansin dati kasi iniisip kong magbestfriends kaming tatlo kaya ganun pero nagkamali ako.

At ngayon sasabihin nya saking mahal pa nya ako? Anong kagaguhan naman yun??

Nagulat ako ng nilapit nya ang mukha nya sakin kaya nasuntok ko sya. How dare he?!

" Toffee, ano bang nangyayari sayo? Hindi mo na ako mahal, pilit mo lang sinisiksik mo lang sa isip mong mahal mo ako kasi naguguilty ka pa rin hanggang ngayon! " pagaakusa ko sa kanya.

" Toffee, man up! Ang swerte  swerte mo kay Mandy, you even sacrificed our relationship and friendship just for her sake. Treasure your family hangga't andito pa sila k-kasi di mo alam kung kelan sila mawawala."

Tumalikod na ako pero bago ako lumabas ay nilingon ko muna sya

" Matagal ko na kayong pinatawad, sana kayo din napatawad nyo na ang sarili nyo at magsimula ulit ng bagong buhay. You had your chance with me before, but you ruined it, sana di mo sayangin yung chance nyo ni Mandy but if you still want to be a jerk then leave Mandy and spare her the pain."

Tumulo nanaman ang luha ko.  Iniwan ko sya don na nakahawak sa pisngi nyang sinuntok ko.

Naabutan ko si Mandy sa sala na nakatulala habang hawak hawak ang basong may tubig.

The 72nd hourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon