Epilogue

3 0 0
                                    

Isa isang dumating ang mga bisita

Sa harap ng kabaong ay ang picture ng babaeng nakangiti.

" Condolence po"

" Ano ba daw kinamatay?"

" Heart attack daw."

" kawawa naman, bata pa oh"

Usap usapan ng mga taong nagmamadyong sa labas

" SOOOORAAAAAAAAA!!!" sigaw ng maliit na babae papalapit sa kabaong

" Huhuhuhu!! Walang hiya kang babae ka! Akala ko naman kung saang lugar ka pupunta, kay san pedro ka pala bibisita! Nagjoke pa ako sa ballpen mo, ok lang naman kung wala eh, basta andito ka, bakit kelangan mo pa mawalaaaaa!! Pero saLamat na din sa laptop iingatan ko to para di mo aKo multuhin." Sabi ni Emy habang umiiyak.

Napaaray naman sya nung binatukan sya ni Raine

" Gaga ka! Multuhin ka sana ni Sora"

" Bff kaya kami Bleeeh"

" Sora, thank you, kung di dahil sayo, totorpe torpe pa rin siguro ai Eli hanggang ngayon"

" Kuuu, nagkajowa lang eh may pa hodling holding hands pa"

Pagsaway nya sa dalawang magkasintahan aa tabi nyang magkahawak ang kamay

" Ms. Ramirez, Thank you for everything, you will always be one of my treasured writer"  sabi naman ng EIC nila

Sa tabi naman ni Mrs. Ramirez ay ang kababata ng dalaga na kasama ang buong pamilya neto

" K-kung alam ko lang na ganito mangyayari, s-sana nagkasama pa kami ng matagal. Utang ko sa kanya ang pagkakabuo ng pamilya namin Tita" sabi nya habang hawak hawak ang kamay ni Mrs Ramirez.

" Nung huling beses ko syang nakasama eh, kita ko ang saya sa mga mata nya kaya alam kong masaya na sya ngayon iha."

Humagulhol na din ng iyak si Mrs. Ramirez. Masakit makita na nasa kabaong na ang anak nya pero wala na syang magawa

Nagulat na lang siya nung inakbayan sya ng kambal

" Why baby?" tanong nya.

" Nagpromise kasi kami kay ate bago sya umalis na aalagaan ka po namin, pati na rin si Papa. Sabi ni teacher na pag naiiyak ka po daw, ihug mo lang sya tapos magic na mawawala daw po yung luha nya"

Napangiti si Mrs. Ramirez sa dalawa nyang anak. Sa mura nilang edad, para na silang matanda kung mag-isip

....

"Nakikita mo ba ang mga nangyayari nilalang?"

tumango ako

" Masaya ako."

Andito kami sa isang hardin. Napakagandang hardin. Maraming bulaklak at buhay na buhay.

Sa ibaba namin ay ang mga kaluluwang tila hindi alam ang patutunguhan. Andun lang sila, paikot-ikot.

Ibang iba dito, ang mga kaluluwa ditoy walang pangamba sa mga mukha nila.

" Eto na ba ang langit?"

" hindi, isang libong beses na mas maganda ang langit kesa dito. Eto ang purgatoryo"

Eto pala yun, di na masama ang mapunta dito pero parang mas gusto ko mapunta sa langit

" Tara na"

Hinawakan nya ang kamay ko at pinasunod sa kanya.

" San tayo pupunta?"

" Mamemeet mo na si San Pedro. Diba may tanong ka pa sa kanya? Oh eh di masasagot ka na nya"

Eh? May tanong ba ako kay San Pedro?

Tapos naalala ko yung tanong ko kung ano ang relationship ni San Pedro kay San Goku at mga kamag-anak nya.

Napabungisngis ako sa naalala ko. Eto talagang anghel na to oh.

Unti unti, nakikita ko ang isang napagandang hiwagang hagdan.

Humakbang ako. Eto na ang panibagong yugto ng buhay ko.

Mamemeet ko na si San pedro sa wakas.

The 72nd hourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon