72:00:00

3 0 0
                                    

" Ano ba yan! Dapat nagsisiyahan tayo eh." Sabi ni Papa habang sumisinghot singhot.

" Yuck Pa, sabi ni Ken, bakla daw yung boy na umiiyak. Diba po boy ka?"

Sabi ni Vio na syang dahilan ng pagtawa namin.

Nagpasya kaming magbonfire dahil nga nagcacamping kami at medyo dumidilim na.

Tatlong oras lang ang binigay sakin ng anghel at gagamitin ko yun ng maayos

Kasalukuyan akong nakaupo sa may hammock habang gumagawa ng bondire si Papa at nagluluto naman si Mama.

Lumapit ang kambal sakin at umupo sa magkabilang tabi ko.

" Ate, bakit malungkot ka?" Tanong ni Ven

" Aalis kasi si ate sa malaaaayooong lugar, tapos wala nang magbabantay kin mama at papa"

" Eh di sama na lang po kami para di ka na po malungkot." Sabi ni Vio

Umiling ako

" Hindi pwede eh. Can you do me a favor?"

Tumango naman ang dalawa

" Diba big kids na kayo?"

Tumango ukit sila

" Habang wala pa si ate, alagaan nyong mabuti ang Mama at Papa ha? Inaasahan kayo ni ate."

" Opoo!! Most helpful at Most responsible ata kami sa school"

I chuckled. Mamimiss ko tong dalawang to. If only I could postpone it longer, pero tatlong oras lang ang binigay sakin ni Angel.

Nakita ko namang nahirapan si Papa sa pag sunog ng bonfire

" Tara na Ven, sabi ni ate kelangan nating maghelp kay papa."

Tumango naman ang kambal nya at tumakbo papunta kay papa.

Nagtext ako sa lahat ng mga kaclose ko para sa mga habilin ko.

To my dear friends,

Uy, aalis pala ako, pasensya na kung surprise aah.. Sorry kung minsan pasaway ako. Kay Emy, girl ikaw na bahala sa mga papeles ko dyan ah, sayo ko na rin ihahabilin ang fave ballpen ko. INGATAN MO YAN! Kahit ballpen lang yan mahalaga yan.

To Christine,  girl I will miss you too at kagagahan mo. Keep up for being a good writer.

To Eli, pre minsan lang may dadating na Raine sa buhay mo, wag ka nang totorpe torpe, alam naman namin lahat na may gusto ka sa kanya, ligawan mo na.

At salah ng friends ko dyan, I love you all, mamimiss ko kayo, di ko na kayo macocontact kasi walang signal sa pupuntahan ko pero sana di nyo ko makalimutan

Tumulo nanman ang luha ko. Naalala ko ang mga kalokohan at mga pinagsamahan namin sa trabaho. Ako pa naman yung pinakamaloko sa lahat.

And to my very beautiful EIC. Maam Che, sorry po kung pasaway ako, pero I just want you to know na ikaw po yung taong pinakahahangaan ko. I'm sorry for leaving. I've sent my resignation. Mamimiss ko po kayo

Your oh so pretty friend,

Soraline

Nakatanggap naman ako ng iba't ibang message sa mga kasali sa GM ko, nagtatanong kung bakit daw biglaan ang pag-alis  ko. di ko na lang sila nireplyan. Natawa pa nga ako kay Emy

Bakit ballpen mo lang? Pwede bang laptop mo na lang? Pero girl, I'll miss you!! Pag nakakita ka ng lalakeng magdidilig sa matres mo tawagan mo ako agad, susunod ako sayo!

The 72nd hourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon