" Ma, Pa, I'm Home" ngumiti ako habang papalapit ako sa kanila.
Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si Mama na tinitignan ang mga alaga nyang bulaklak. Siguro nasa loob ng bahay si Papa kasi di ko sya makita eh.
" Victor! Andito na ang anak mo!"
" ATEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!"
Tumakbo sila papunta sakin hanggang sa natumba ako sa may bermuda ng garden
" You lose Ven, angbagal mo kasi tumakbo. Bleeeeeehhh.."
" Ate si Vio oh, ang bad nya inaaway nanaman ako." She said while holding her sobs.
Napangiti ako at ginulo ko ang buhok ng dalawa kong kapatid.
" Rovio, Raven, kakarating lang ng ate nyo tapos magaaway nanaman kayo"
Ginulo ko buhok nila at niyakap ng mahigpit na mahigpit
" Ate, naiipit kami" reklamo ni Vio
" Namiss lang kayo ni Ate." sabi ko.
" Absent ka nga nung 6th birthday namin ni Vio eh, sayang marami pa naman kaming balloons at may clown pa." Sabi ni Ven habang nagpapapout.
Natawa naman ako, ang cute talaga ng dalawa kong kapatid.
" o sya, tama na yan. Tumayo na kayo dyan at ng makapagpahinga ate nyo. Maglaro muna kayo dun sige na at kami naman ng papa nyo ang kakausap sa ate nyo." sabi naman ni Mama.
Nagsiunahan sa pagtakbo ang kambal. Di ko rin mapigilang ngumiti, Isang taon na rin nung huli kong pag bisita sa bahay namin kasi busy ako sa sinusulat ko.
Nakita ko namang lumabas si papa sa bahay at niyakap ako ng mahigpit
" Baby Sora ko!! Akala ko nalimutan mo na kami"
" P-pa naiipit ako."
niluwagan naman nya ang pagkakayakap nya sakin at tumabi kay mama." Hon magcelebrate tayo kasi umuwi na yung pinakamaganda nating na mana saking gwapo."
" kuu, di naman sayo nagmana si Sora, masyado syang maganda, mas nagmana kaya sya sakin"
I can't help but smile. Nakakatuwa lang kasi kahit di nila ako tunay na anak eh tinuturing pa rin nila akong kadugo.
oo nga pala, iiwan ko sila
Napawi ang ngiti ko sa naalala ko. Ilang oras na lang ang meron ako.
" Oh anak, ba't ganyan ang itsura mo? May nangyari ba?" Sabi ni mama.
Umiling ako. I answered them with a smile to erase her worries
" Oh tara na, magbeach camping na lang tayo! Buti na lang wala masyadong tao ngayon kasi weekdays"
Napakamot ako ng ulo. Kahit kailan talaga si papa. Di kalaunan ay nagempake sila ng mga dadalhin namin. Mukhang pinaghandaan ata nila to kasi madali lang sila nakapagready.
Pumunta kami sa beach di kalayuan sa bahay namin. Wala nga masyadong tao kasi weekdays. Nagsimula nang maglagay ng tent si papa habang si Mama naman at ako ay inihaw ang isda na dinala namin.
Pagkatapos maluto ay kumain na kami. Ayaw pa nga ng kambal kasi tuwang tuwa pa silang maglaro sa dagat kasama si Papa.
Habang kumakain kami ay napatingin ako sa masasayng mukha nila mama at papa kasama ang kambal.
" Ma, Pa, dito ba tayo matutulog?" tanong ni Ven
" Oo syempre! Kaya nga beach camping tsaka may malaking tent. " Sabi naman ni Vio
BINABASA MO ANG
The 72nd hour
Short StoryAnong gagawin mo kung meron ka na pitumpo't dalawang oras sa mundo?