Ang awkward ng sitwasyon ngayon.
Ako.
Si sister Olivia
si Mandy.
Bakit ba kasi ako pumunta dito?
" Soraline, ikaw ba yan?"
tanong sakin ni Sister. malaki na rin ang itinanda ni Sister,
Wala akong choice kay lumapit ako at nagmano kay sister.
" Tamang tama, etong si Amanda eh, binisita di ako. Oh edi nagkita kayo."
umiwas ng tingin si Mandy" Aba'y diba magkaibigan kayo nung andito pa kayo?" tanong ni Sister.
Ngumiti ako kay Mandy.
" Ah sige sister, kelangan ko na pong umuwi."
Nagpaalam na si Mandy kay sister kahit na pinipigilan sya nito. Di ko mapigil na sundan sya ng tingin, kumpara dati eh medyo nangangayayat sya ngayon, Ano nga kaya nangyari? Sabagay, kung ako nga nagbago eh.
" Oh, Sora iha, ano nga pa lang sadya mo dito?"
Naputol ang pagiisip ko,
" Ah... Eh.. Wala po sister, binibisita ko lang po kayo."
tinutukan ako ni Sister na para bang di sya naniniwala. Sabihin ko kayang mamamatay na ako bukas? Maniniwala kaya sya?
" Naku, eto talagang batang to oo
Oh sya, sumunod ka sakin nang makapagkwentuhan tayo."Sumunod ako kay sister, di ko mapigilang mapatingin sa loob ng bahay ampunan, marami rami ring mga batang andito kumpara dati. Naging modern na rin ito at may magandang play house na rin, kumpara dati nang bata pa kami'y kinakalawang na lahat ng nasa play ground.
Napunta kami sa office ni sister na ganun pa rin kahit siyam na taon na ang lumipas.
" Naku iha, anlaki laki mo na, dati kahit higschool ka lang eh maliit ka pa rin" may ngiting sabi ni sister. To talaga si sister oh.
Nagkwento pa sya ng dating mga naalala nya nung andun pa kami sa bahay ampunan.
Di ko mapigilan mapatawa na lang sa mga pinagagawa ko dati habang inaalala ni sister yung nakaraan. Ang OA ko pala talaga dati, ang dami din naming kalokohang ginawa ni Mandy at Toffee dati.
" Sister, palagi po bang andito si Mandy" tanong ko kay sister
" Ay nako oo, madalas, isang taon pagkatapos mo umalis, lagi sila pumupunta dito ni Toffee..."
Toffee
nagkarelasyon pala siguro sila pagalis ko.
Tss, bahala sila.
"... pero nung nakaraang dalawang taon eh, si Mandy na lang ang pumaparito, pansin ko nga eh nangangayayat si Mandy ngayon, puntahan mo nga Sora nang matuwa naman ang batang yun, ke bait bait pa naman ni Mandy"
Tss. Mabait?
Wow good for her
Natawa ako sa sarili ko, alam ko tanggap ko na na di talaga kami ni Toffee para sa isa't isa pero di ko pa rin iwasan mabitter.
Naalimpungatan ako ng may iniabot saking papel ai Sister.
" Hija..." sabi nya habang mahigpit na hinahawakan ang mga kamay ko
" Alam kong may di pagkakaunawaan kayo ni Amanda noon, pero sana mapatawad mo na sya."
Ilang segundo di kaming nagkatitigan ni Sister.
BINABASA MO ANG
The 72nd hour
Short StoryAnong gagawin mo kung meron ka na pitumpo't dalawang oras sa mundo?