Part #2: Bastusing magnanakaw

31 1 0
                                    

--**--


"Miss bayad" inaabot sakanya yung bayad nung lalaki at sobrang takang taka naman ito. Hindi nya alam kung bakit binibigay yung pera sakanya eh may pera naman sya.

"No thanks but I have my own money you know

Nagulat naman sya ng tinawanan sya nung lalaki kaya napataas yung isa nyang kilay habang tinitignan yung lalaking tumatawa.

"Hindi ko naman to binibigay sayo eh para mag silbing pamasahe mo miss hahaha. I'm giving this to you to give it to manong driver in front"

Takang taka ulit sya ng marinig nya yun sa lalaking tumatawa. Sa isip nya, bakit sya inuutusan na ibigay yun eh pwede naman nyang ibigay mismo sa harap.

"Ano miss, nangalay nako oh di mo ba i-aabot doon?" sabi ulit nung lalaki sakanya.

"I'm sorry mister, pero hindi ako sumakay dito para lang utusan mo and besides you have your feet. Go grab it and go infront"pasuplada nyang sabi saka tinalikuran yung lalaki sabay suot ng earphones nya.

Hindi nya alam na pinag uusapan na pala sya sa loob ng jeep na kesyo baka ngayon lang nakasakay dahil parang baguhan kung umasta. Pero hindi naman nya iyon marinig dahil sa lakas ng volume sa earphones nya.

Mga ilang minuto ding andar sakay ng jeep ay finally malapit na sya sa sadya nyang puntahan kaya kinuha nya yung 500 pesos saka ini-abot nya sa driver.

"Mam sorry, pero may barya ba ikaw dyan? Barya lang po mam" sabi sakanya nung driver kaya ibinalik nya sa walet nya yung 500 para tumingin ng barya kaso walang kabarya barya sa walet nya.

Napatingin ulit sya sa daan at kunting andar nalang ng jeep eh bababa na sya kaya ibinigay nya nalang sa driver yung 500 sabay sabi ng 'Keep the change' at saka bumaba ng jeep.

Mabilis syang pinag pawisan dahil hindi sya sanay sa usok ng mga sasakyan at sa init nadin ng araw. Tatawid na sana sya ng kalsada ng may humaharurot na motor kaya dali dali syang tumabi.

"ANG YABANG MO!!" sigaw nya dun sa dumaang motor sabay tawid na sana ulit ng........




*Peeeeep*






------------*Booogggsshh*

.

.

.

Napaupo sya sa kalsada habang namimilipit sa sakit. Nabangga kasi sya ng kotse pero hindi naman masyadong malakas dahil nakapreno din iyun kagad.

Nakaramdaman sya ng sakit sa  kanyang left leg kaya dahil dun naka upo padin sya habang hawak hawak yung masakit na part sakanya.

"F****K!!! Who ever the heck you are, I want to break your neck right now f****k you f***ckin asshole!!!!"  Sigaw nya sa nakabangga sakanya na hanggang ngayon eh di padin lumalabas ng sasakyan.

Sinusubukan nyang tumayo pero hindi nya talaga kaya dahil sobrang sakit ng nararamdaman nya hanggang sa lumabas nadin sa wakas yung lalaking naka bangga sakanya at binuhat sya papasok ng kotse nito.

LETS NOT FALL INLOVE [BTS FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon