| CHAPTER 03 |
CLEON
What am I in this world full of living? How can I live when I feel lost amidst this life's dark fuckfest?
Tulalang-tulala pa rin ako sa loob ng office ni Valir. Naba-badtrip ako sa 'di malamang dahilan, kung bakit ba ako ang inutusan dito e.
"Nyx," tawag pa niya.
"What?" iritableng tugon ko. Nakakalimutan ko tuloy ang katayuan niya dahil sa gigil ko.
Nakatingin pa rin siya sa akin at parang binabasa ang mukha ko.
"Do you expect me to be happy after I heard about your goddamn proposal?" I positioned my hand, aktong itinuturo ang mga larawang ipinakita niya kanina.
"This is not a joke, Nyx." seryoso na aniya saka inilagay ang parehong kamay sa mesa.
"Pendragon is at stake now, Nyx. We've just receive a serious warning from that unknown. Nakikinig ka ba ha?" idiniin niya pa ang salitang serious para ipahayag na dapat ko ngang huwag maniin ang inuutos niya.
"Listen, Valir. I'm dealing with a lot of stuffs right now. Hindi ito ang tamang oras for that—" naputol ang sinasabi ko nang ihampas niya ang kamay niya sa buong mesa.
Gumawa 'yon ng matinding ingay pero kami lang yata ang nakarinig. Tumilapon din 'yung metal kung saan nakaukit ang buong pangalan niya.
Valtimore Wang
Director of Finest Dainin Academy
Dapat na akong matakot sa ganoong asta na ginawa ni Valir, bukod sa matanda siya ng walong taon sa akin, alam kong mas mataas pa rin siya sa akin pagdating sa mga ganitong usapan. Kaya kapag ganito, kailangan ko nang makinig.
Hindi naman talaga ako natatakot e. Minsan pinapakita ko lang na takot ako, dahil nirerespeto ko siya bilang siya ang nakatataas.
Masyado lang siguro akong kampante kasi alam ko na sa susunod na taon ako na ang papalit sa kaniya bilang pinuno ng Pendragon, kaya lang imposible rin namang maging director ako ng Dainin, malamang siya pa rin ang magha-handle nito.
Kahit alam kong walang kasing-bakaw ni Valir ang paraan ng pamamalakad nito sa school.
Hindi naman ako makaangal, wala akong magagawa e. Kailangan ko siyang sundin.
BINABASA MO ANG
I Think He Knows
RomanceAmong all things underneath her silence, what is it that he knows?