10th

152 20 15
                                    

| CHAPTER 10 |





Lupaypay akong nahiga sa kama pagkarating ko sa bahay. Mahaba ang naging usapan namin kanina ng mga tauhang inatasan ni Valir kaya ginabi na rin ako.



Sandali pa ako nag-isip bago maisipang bumangon muli. Naligo at nagpalit lang ako saka tinitigan ang mga papeles na unang binigay sa akin noon.



"Naiinip na ako sa'yong babae ka," mahinang bulong ko sa sarili. Dinampot ko naman ang litratong kuha niya sa CCTV sa Pendragon. Nadagdagan pa 'yon dahil nagkaroon ako ng kopya no'ng pinanood namin kanina.



"Saang sulok ka naman kasi ng mundo galing?" para na akong ungas na kinakausap ang mga litrato. "Kita mo oh, 'di na ako nakakatulog nang maayos kasi inaasikaso pa kita," nakagat ko pa ang ibabang labi habang iniisip ang kalokohan sa ginagawa.


Mukhang ungas, Xyn.



Ibinaba ko naman ang mga 'yon at sinilid sa loob ng bag. Hindi pa man ako nakaka-upo ay may kumatok na sa labas.



"Xyn?" tatlong katok ulit ang ginawa ni Mama. Dito ako umuwi sa mansion namin para naman ma-kumusta ko sila. Isa pa't nami-miss ko na rin kurutin ang pisngi ni Amara. Ang isa ko pang bunsong kapatid na babae.



"Bakit po, Ma?" panimula ko nang pagbuksan ko siya ng pinto. "Tara muna sa baba, kain na tayo," nakangiting sambit ni Mama. "Sunod po ako," gumawad rin ako nang kaunting ngiti. Iyon lang at tinalikuran niya na agad ako.



Inalis ko naman agad sa sarili ang nararamdaman. Ewan ko, ang hirap ipaliwanag kung bakit gan'to.



Pagkababa ay nagulat naman akong nasa hapag din si Papa. Madalas kasi ay nasa kwarto lang siya dahil mahina na ang katawan. 'Yung mga dati niyang nagagawa ay higit na nabawasan simula nang magkasakit siya.



"Kuya Xynnnn!!!!" impit ang tiling salubong sa 'kin ni Amara. Nawala bigla ang emosyon at pagod ko nang masilayan ko ang malapad niyang ngiti. Bahagya pa akong umupo upang magpantay ang agwat namin. "Yehey! Kuya Xyn is here na!" gilalas at tatalon-talong sambit pa nito. Bumakas naman ang malulusog na pisngi niya sa mukha.



"Amara!!" binuka ko ang kamay ko at pasugod naman siyang yumakap sa'kin. "Na-miss ka ni Kuya," mas hinigpitan ko pa ang yakap. Nang kumalas ay pinisil ko pa ang pisngi nito. Gusto ko pa siyang panggigilan ngunit pinigilan kami ni Mama at sinabing kumain na muna.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Think He KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon